༄ +₊
MALAPIT NA SANA KAMI sa finish line nang malaman kong natisod pa si Fake Prince sa bato dahilan upang ma-out of balance kami.
Napa-aray ako sa sobrang sakit ng pagkakabagsak ko sa semento. Pakiramdam ko nabalian na naman ako ng buto.
Pero hindi naman talaga, masakit lang 'yung balakang ko.
Tinignan ko si Fake Prince, a pain was shown on his face. Anong nangyari?
"Hoy Fake Prince! Balak mo ba akong ilagay sa disgrasya?!" tanong ko pero hindi pa rin siya sumasagot, until I saw his twisted foot. Hawak-hawak niya 'yon at parang masakit halata naman sa mukha niya. Nakapikit lang siya habang nakakagat ang pang-itaas niyang ngipin sa ibaba ng labi niya.
"Anong nangyari? Okay ka lang?" tanong ko sa kaniya. 'Di ko mapigilang mag-alala.
Ako? Nag-aalala kay Fake Prince? Anong nakain ko ngayon?
"Puta, hindi ko maigalaw 'yung paa ko, sa palagay mo ba okay ako?" sinamaan ko siya ng tingin. Masyadong pilosopo, nakakainis na!
"Nagtatanong lang ako, pabalang na kung sumagot." padabog akong tumugon sa kaniya. Ngayon ko lang napansin na nauntog ako sa semento nang mahawakan ko ang ulo ko kung saan masakit.
May dugo.
Pinunasan ko na lang 'yon sa panyong dala ko.
Nang makatayo na siya ay doon niya nakita na may dugo ako sa kamay.
"Bakit may dugo ka?" lumapit siya sa akin at kinuha ang panyo. His expression is quite serious
"Nauntog lang ako." sagot ko.
"Nila-lang mo lang ang dugo?" he asked. Napansin kong pumunta siya sa likod ko.
"Ikaw kasi ang bigat-bigat mo kaya tuloy tayo natumba," reklamo niya. Hinanda ko yung kamao ko kasi gusto ko na yata siyang suntukin. Agad siyang nakatakbo nang paika-ika. Ang galing talaga, eh 'no. tss.
"17.4 lang BMI ko tapos sasabihin mo mabigat ako?!"
"Manahimik ka na nga ang daldal mo. Nanalo naman tayo, eh. Magpasalamat ka naman sa'kin." naglakad ako papunta sa kaniya at inirapan siya. "Edi thank you, pareho lang naman tayong na-disgrasya."
Naglakad siya pabalik sa direksyon ko nang paika-ika. Narinig ko ang bawat pagdaing niya. Seryoso ba talaga ang injury niya?
"Okay ka lang ba talaga? Baka pwede kitang tulungan," sabi ko pero tinanggihan niya lang ang alok ko. Arte mo naman, ikaw na nga tutulungan, eh.
"No thanks, I don't need your help--Aray!" tuluyan na siyang mapaupo dahil sa napulupot niyang paa kanina lang.
Nagdadalawang-isip ako kung tutulungan ko ba siyang makatayo para makapunta na kami sa Clinic kaso dahil sa likas na maarte ang Prince, hindi ko na lang ginawa.
Nagsilapitan na ang mga nurse sa amin nang malamang nagka-injury kami sa isang piggyback racing.
NASA CLINIC kami matapos ang nangyaring aksidente. Nalapatan kami agad ng lunas, pero hindi ko alam kung okay na 'yong Fake Prince na 'yon. Kasalanan niya naman kasi, tanga-tanga. Hindi tumitingin kaya tuloy na-out of balance kami.
Noong una lang, ako 'yung sinasabihan niyang tanga-tanga, samantalang ngayon siya na 'yong tatanga-tanga. Karma really.
Nakita ko siyang nakahiga sa hospital bed. Naka-benda yung kaliwang paa niya tapos ay ipinatong ito sa unan na nakalagay sa paanan niya.
"Nag-chat sa'yo si Chanyoung," walang gana niyang sabi. Pinakialaman pa talaga ang cellphone ko, wala talagang privacy.
"Akin na 'yung cellphone ko."
Alam kong tinago niya 'yung cellphone ko sa ilalim ng unan niya.
"Wala sa akin," pagde-deny niya. Pinalo ko siya sa balikat niya.
"Akin na sabi, eh! Bakit mo pa pinapakialaman 'yung cellphone ko?! May cellphone ka naman edi 'yon na lang gamitin mo!" nag-make-face lang siya tapos ginaya 'yung mga sinabi ko. Aba--
"'Wawa naman si Ulan, bigay ko na nga. Iiyak na eh." pang-aasar niya. Pilipitin ko 'yang injury mo para naman maranasan mo kung ano ang heaven. I rolled my eyes in annoyance.
"Ako, iiyak? Never."
Nang ibinigay na niya sa akin ang cellphone ko, doon ko na na-receive ang chat ni Chanyoung.
From Chanyoung
❝ Are you two okay? Balita ko nanalo kayo sa piggyback racing despite of the injury. Congratulations and take care of yourself, alright?
Pakisabi na rin kay Hyunjin na magpagaling siya ❞
10:09 AM
"Nabasa ko na 'yan. Ang galing nga, eh. Concerned daw siya sa akin. Haha!" pilit siyang tumawa. Ito na naman siya kay Chanyoung. Sobrang laki talaga ng problema mo sa kaniya.
"Fake Prince, curious lang ako pero..." 'di ko mapigilang magtanong. He shows no interest on me.
"Bakit galit ka kay Chanyoung?" tanong ko. Napansin ko kasi sa chat na panay ang galit niya kay Chanyoung. Wala lang, nakaka-curious lang kasi.
"Gusto mo talagang malaman kung bakit?" his voice was cold. Bigla akong kinilabutan.
"Siya lang naman ang dahilan kung bakit nawala ang babaeng pinakamamahal ko."
༄ +₊
yo mahar kong readers
sa mga nagbabasa nito, ang gagwapo at ang ganda niyo uwu
question:
1.) sino favorite mong character sa story na 'to at bakit?
BINABASA MO ANG
prince ╱ hwang hyunjin
Short Story❝prince nga, pangit naman ugali.❞ ▬▬▬▬▬ stray kids' hwang hyunjin © geonpyak [12/30/18 - 02/10/19]