"HELLO, nasaan dito ang 3-B?" tanong ko sa isang babaeng estudyante na sa tingin ko ay freshman pa lang."Hindi ko alam ate, eh. Sorry hindi kasi ako junior student." ngumiti siya sa akin. Tumango na lang ako.
"Ah sige thank you," tugon ko at naglakad na sa hallway ng isang building.
Nandito ako sa RIS o Royalties Intregated School. Pang-sosyal na school, pero hindi raw lahat ng mayayaman nandito. Meron ding mga scholar dito, at isa ako sa mga 'yon. Pinasok ako bilang scholar sa school na ito. Galing akong Thailand at napagdesisyunan ng pamilya ko na mag-aral dito sa South Korea. It was pressuring and at the same time, exciting. Kasi naman, first time kong makapasok sa ganitong uri ng school. Siguro nga maraming mayayaman ang nandito.
Ako si Reinalisa Rochana Kwon o mas kilala bilang Rein. I have long wavy hair, round eyes and pointed nose. I excel at dancing and acrobatics but all of it disappeared when I suffered with bone dislocation. I love playing PSP at hindi pwedeng hindi ko dala 'yun kapag bumibyahe ako papunta dito.
Nagtanong-tanong na ako sa mga estudyante dito kung alam ba nila yung section B pero hindi pa rin nila alam. Ano ba 'yan, totoo ba talagang may 3-B dito? Parang wala naman, eh. Niloloko lang 'ata ako noong guidance counselor.
Last na tanong ko na lang sa isang matangkad na lalaki, promise kapag hindi niya talaga alam, bahala na.
"Kuya, saan po ba 'yung 3-B?" tanong ko sa lalaking matangkad na nakasuot ng headset. Six footer na nga ata ang height niya.
"Hoy, Kuya, naririnig mo ba ako?" kinalabit ko na siya kasi naghe-headbang pa siya. Nakakabastos tuloy kasi kinakausap ng maayos, hindi naman sumasagot.
"Ha? Huwag mo akong tanungin. Tanungin mo na lang sa Google Map," sarcastic na sabi niya. Nandilim ang paningin ko at akma ko siyang susuntukin pero hindi ko ginawa. Ang ayoko sa lahat, yung binabastos ako.
"Kinakausap ka nang maayos kaya sana naman sagutin mo rin ako nang maayos, 'di ba?!" napipikong tanong ko. Imbis na sumagot pa siya ay iniwasan pa ako at naglakad palayo sa akin. Aba! Kapal ng apog mo kuya, iniwasan mo pa ako. 'Sama talaga ng ugali mo, wala kang mararating n'yan.
Habang naglakad siya papalayo, kinuyom ko ang palad ko. Pasalamat siya nakapagpigil pa ako, tatamaan sana siya sa akin. Muntik ko na pala makalimutan na first day ko dito kaya dapat huwag akong gumawa ng kalokohan, kung hindi, siguradong patatalsikin ako sa eskwelahang 'to.
Umirap ako at nang makalayo na siya sa paglalakad, doon ako sumigaw ng "Ma-karma ka sana hayop ka!"
Teka tama bang ginawa ko 'yon? Bahala na! Basta ayoko sa kaniya. Ang sama ng ugali niya.
"Bwisit! Argh!" bulong ko.
Maglalakad na sana ako nang may makasalubong akong panibagong lalaking estudyante.
"Miss, nagtatanong ka ba kung nasaan yung 3-B?" tanong niya. He's wearing a sweet yet genuine smile. Parang ang first impression ko sa kaniya is...mabait?
Tinitigan ko siya sa mukha, he looks innocent. Parang mas bata pa nga 'to sa akin. He has captivating eyes, kaya nga iniwasan ko noong tumigin ako sa mga mata niya, para kasing may something na...ma-iinlove sa kaniya ang mga babae if they look at his eyes. Hindi rin masyadong matangos ang ilong niya pero okay na rin. Nevertheless, he looks very handsome. Sana hindi siya kagaya noong arroganteng lalaki kanina.
"Ah, oo. Alam mo ba?"
"Alam ko 'yon. Actually...kaklase nga kita, eh," napa-awang ang bibig ko sa sagot niya. Savior! Niligtas mo ang buhay ko.
"Ikaw pala 'yong bagong classmate namin dito na scholar. Tara, samahan kita sa classroom." naglakad na siya paakyat ng hagdan kaya sinundan ko siya. Ano kayang pangalan niya? Parang ang bait niya, eh. Itanong ko na lang mamaya.
༄ ◌ ೄ
PAUWI na ako sa bahay ko. Maliit na apartment lang siya na kasya sa amin ng ate ko. Nasa Thailand sila Mom at Dad kasi doon sila nagtatrabaho, samantalang pinadala kami dito sa Korea para mag-aral.
Sayang at hindi ko natanong 'yong pangalan ng lalaking nagligtas sa akin kanina. I found out na popular pala sa school 'yong arrogante at 'yong lalaking anghel na tagapagligtas ko kanina. Pinakapopular sa kanila siyempre 'yong arrogante. Ang pinagtataka pa, siya raw 'yong binansagang "prince" sa school. Prince? Paano naging prince ang nakakabwisit na lalaking 'yon? Ang sama nga ng ugali, psh.
Mas mukhang prince pa 'yong lalaki kanina, in my opinion.
Malapit na akong makarating sa gate namin nang may asong pagala-gala na umamoy sa binti ko. Napatili ako at tumalon ang balahibo ko. Anak ng--
"Ano ba! Alam mo namang may takot ako sa aso, lumalapit ka pa!" sigaw ko. May takot nga ako sa aso, kinagat na kasi ako dati noong nasa Thailand pa lang ako.
Sa sobrang takot ko, tumakbo ako kaya hinabol din ako ng aso. Bakit ba ngayon ka pa nakisabay?! Gusto ko nang magpahinga at gumawa ng mga assignments utang na loob!
Nagpahinga ako saglit dahil sa kakatakbo ko sa straight na eskinita. Itinukod ko ang kamay ko sa tuhod ko habang naghahabol ng hininga. Bwisit! Hinabol pa talaga ako.
Napaaray ako sa sakit nang sumulpot na siya sa likod ko at doon na ako kinagat sa binti.
"Aray!" tumakbo pa ako nang kaunti. Doon na siya tumigil sa kakahabol sa akin.
Nakarating na ako sa mga kalsada na may maraming sasakyan kaya hindi ko namalayang nabangga na pala ako ng bike.
Shit, ayokong maulit 'yung mababalian ako ng buto. Mabuti na lang likod ang tumama sa akin, pero masakit pa rin. Puta!
Natumba ako habang hawak-hawak ko ang likod ko.
"Naku, Miss. Sorry talaga!" sinikap kong bumangon para makilala 'yung walang'yang bumangga sa akin pero nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ko kung sino ang bumangga sa akin.
"IKAW?"
༄ ◌ ೄ
sabi ko sa inyo cliche eh 😂
BINABASA MO ANG
prince ╱ hwang hyunjin
Historia Corta❝prince nga, pangit naman ugali.❞ ▬▬▬▬▬ stray kids' hwang hyunjin © geonpyak [12/30/18 - 02/10/19]