007 | narration

841 38 26
                                    


Hwang Hyunjin, makarma ka sana! Argh!

Tinawag ba naman akong basang sisiw? Eh siya naman, fake prince. Hindi siya prince! Nakakasuka lang.

Lunch break namin ngayon at nandito ako sa parking lot ng mga estudyanteng "mayayaman" dahil may mga kotse na naka-park. Pabalik na sana ako sa classroom pero napatigil ako sa paglalakad nang may marinig na naman akong Hyunjin na pangalan. Ba't ba lagi na lang Hyunjin ng Hyunjin 'yung mga estudyante dito? Nakakaasar, hindi ko makuha kung na-gayuma ba sila no'ng Hyunjin na 'yon o sadyang mga patay na patay lang sila kasi "gwapo" lang 'yung Fake Prince na 'yon.

"Ito nga pala yung kotse ni Hyunjin bebelabs ko. Tara tignan natin!" sabi noong isang babaeng estudyante na akala mo makikitaan na ng kuyukot sa sobrang ikli ng palda niya.

"Oo nga, ahihihi! Ano kayang nasa loob? Curious na ako," sabi noong matangkad na babae na naka-ponytail pataas ang buhok.

Umirap ako sa kanila habang pinanood ko sila. Nanlaki ang mata ko nang binasag nila ang bintana ng kotse ni Fake Prince. Biglang nag-wang-wang ang kotse pero 'di pa rin sila nagpatinag. Akalain mo 'yun, 'di pala sila ginayuma, magnanakaw pala sila. Pakunwari nilang sinilip ang loob.

Napasingkit ako ng mata dahil wala naman silang ninakaw na kahit ano. Umalis na lang sila na kunwari wala silang ginawa.

"Anong ginagawa niyo?" may dumating na lalaking estudyante kaya hindi naka-alis agad yung dalawang babaeng estudyante. Nalaman kong si Chanyoung 'yun dahil sa hugis ng mukha niya. Tanda-tanda ko pa noong niligtas niya ako kahapon.

"Ah ano...Siya 'yung nagbasag, hindi kami!" tinuro pa ako ng mga walang'yang 'to. Dinepensyahan ko ang sarili ko. Aba, ang kapal ng mukha niyo, magnanakaw na nga lang kayo, idadamay niyo pa ako!

"Hoy, nasaan ebidensya niyo? Sure kayo? Kayo nga nagbasag diyan, huling-huli ko pa kayo!" I rolled my eyes. Hindi ko tuloy maiwasang magtaray, sa harap pa ni Chanyoung. Ma-tu-turn off kaya siya sa akin?

"Huwag nga kayong mambintang, kita ko nga kayo, eh. May cctv camera din dito kaya di niyo kami maloloko rito," tinuro ni Chanyoung 'yung cctv camera malapit sa pangalawang bintana ng building. Sinamaan siya ng tingin ng babaeng maikli yung palda.

"Huwag mo isumbong 'to kay Hyunjin bebelabs ko, ah, kundi lagot ka sa akin. Mas gwapo pa kasi si Hyunjin ko kaysa sa'yo kaya ka nagkakaganyan." nilapitan pa niya si Chanyoung at hinigitan ito sa kwelyo niya. Wait, paano ba ako mag-re-respond sa scenario na 'to? Tulungan ko kaya siya dahil tinulungan naman niya ako kaso...paano? Scholar lang ako dito at kapag nadawit ako sa isang gulo, tanggal ang scholarship ko at posibleng hindi na ako makapag-aral dito.

"Bakit ako matatakot? Dapat nga kayo ang matakot kasi school dean na mismo ang magpapatalsik sa inyo. You just broke a school rule." Chanyoung smirked. Lumayo ang dalawa sa kaniya at agad silang tumakbo pero nakasalubong na nila si Fake Prince. Nagkasalubungan kami ng tingin kaya iniwasan ko agad ang tingin ko. Psh, anong problema niya?

"Hi, Hyunjin babes!" pagbati pa nung matangkad na babae. Hinarangan sila ni Hyunjin.

"Hyunjin babes mo mukha mo, punta raw kayo doon sa Dean's Office, may pamasko raw si dean sa'yo." dinaanan lang ni Hyunjin 'yong dalawang babae tapos tumungo siya sa kotse niyang nabasag.

"Punta na kayo doon. Kayo lang makakatanggap ng maagang pamasko." mukhang alam ko na ibig sabihin niya. Ma-ki-kick out silang dalawa ng dean dahil sa school rule.

Natakot ang dalawa sa sinabi ni Fake Prince kaya tumakbo sila papasok sa building. Tinapunan niya ako ng tingin pati si Chanyoung.

"Balita ko Chanyoung niligtas mo raw yung basang sisiw kahapon kay Kkami. Nice naman, nag-pi-feeling superhero ka na naman."

"Okay ka lang, Hyunjin? Si Kkami nakatakas dahil sa'yo. Sa tingin mo bakit ko ginawa 'yon kay Rein?" tanong niya. Tinignan niya si Fake Prince ng 'nag-iisip-ka-ba' look.

"Dahil gusto mo siya, tama? Sa kaniya mo nga lang ginawa 'yon. Ang sama-sama mo nga sa mga babae. Daig mo pa nga may period." lumayo-layo ako nang kaunti dahil sa pag-uusap nila tungkol sa akin. Imposible namang magkagusto sa akin si Chanyoung, siguro dahil sa isang hamak lang naman ako na scholar student dito.

At teka, hindi siya mabait sa babae? Paano nangyaring niligtas niya ako kahapon?

"Rein, ano bang ginagawa mo diyan?" bumalik na ako sa ulirat nang tanungin ako ni Chanyoung.

"A-Ah ano, punta lang akong classroom."

"Sabay ka na sa amin ni Hyunjin, doon din ang punta namin." pagyaya niya pero agad kong tinanggihan. Ayokong makasama 'yang bwisit na lalaking 'yan, bumabalik lang sa akin ang inis.

"Ay hindi, sa library na lang pala! Magbabasa ako ng libro, he-he." pagsisinungaling ko. Magsasalita na sana yung Fake Prince nang umalis na ako agad. Nagpaalam na ako kay Chanyoung.

'Buti nga sa'yo, karma mo na 'yang basag-bintana mong kotse dahil kay Kkami.

₊ + ༄

prince ╱ hwang hyunjinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon