Rein Kwon
perspective"UMALIS ka na kasi baka ma-late ka na sa party-party mo."
Utos sa akin ng ate ko. Kasama ko ngayon sila Riyu, Kris at Jin habang nasa bahay pa rin. Wala si Brin kasi may pinuntahan 'ata. Baka kasama niya na naman si Felix
"Magpaganda ka kay Hyunjin, ah. Pati na rin sa Chanyoung mo. Mana ka talaga sa akin sa pagiging unloyal," sabi ni Riyu habang nakangisi nang pagkalaki-laki. Pinanindigan talaga ang pagiging unloyal.
"Yieeee! Paniguradong ikaw na ang princess of the night! Ganda mo kasi, kainis," hula ni Kris. Ngumiti lang ako sa kanila. As expected, sila din ang nag-ayos sa akin. Katulad din noong inayusan si Brin noong new year's eve.Kris is really good at cosmetology. Combination ng violet at dark pink ang color ng eyeshadows ko. Nilagyan niya din ako ng foundation, eyebrow pencil, mascara, at lipstick. Si Riyu naman ang pumili ng susuotin ko. It's a simple above-the-knee pink dress, may ribbon siya sa bandang waist ko. Sa ibaba ng dress ay may mga butterfly na nakadikit sa bawat sides. Samantalang si Jin ang nag-ayos ng buhok ko. Pinakulot niya ang buhok ko tapos gumamit siya ng fishtail sa magkabilang buhok ko.
"Go ate Rein! Ganda mo talaga. Marami kang mabibingwit na lalaki sa campus, woooh!" pag-cheer ni Jin.
"Hoy babae lumayas ka na. 6 PM na, oh." nagising na ako sa katotohanan nang pinakita na sa akin ng ate ko ang orasan sa cellphone niya. Saktong alas-sais na nga ng hapon.
Umalis na nga ako ng bahay habang hawak-hawak ang pang-ibabang parte ng dress ko.
Hindi ako makapaniwalang ang bilis ng panahon. Parang kailan lang, ako pa 'yong nawawalang estudyante ng R.I.S na hinahanap ang section 3-B dahil isang hamak lang akong scholar student. Doon, may nakilala akong aroganteng "prince" na tinawag kong si Fake Prince slash Hwang Hyunjin at ang mabait na "anghel" na si Kim Chanyoung.
Pero tila nagbago ang lahat noong nakilala ko sila. Saglit lang ang ginugol naming panahon para magkaroon ng komunikasyon, and yet I know they were part of my past. Hindi ko pala alam na ang tinatawag kong si Fake Prince ay siyang True Prince ko noong bata pa lang kami. Kung si Chanyoung ay tinatawag kong "anghel" noon, I still call him that, kasi napagsisihan na niya ang ginawa niya. Indeed an angel.
Ano na lang kaya nangyari kung hindi ko napagtanungan noon si Hyunjin at paano kung hindi nangyari ang pagligtas sa akin ni Chanyoung sa aso ni Hyunjin na si Kkami?
I guess, I would forever be clueless with my true identity.
Nang makarating na ako sa R.I.S, isang nagpapalakpakang mga etudyante na ang bumungad sa akin. Nakasuot sila ng iba't-ibang kulay ng mga dress at black tuxedo suit naman ang suot ng mga lalaki. Hindi na ako pumila by section dahil hindi ko na alam kung nasaan ang mga kaklase ko.
Mabuti na lang at nahagip ng mata ko si Seungmin habang kausap niya si Chaewon at Jaemin sa unahan. Lumapit ako sa kanila.
"Huy Rein! Hanep ang gandang babae naman n'yan." hinawakan ni Chaewon ang dress ko habang nakangiti. Pinuri ko rin siya sa suot niyang violet gown na strapless pa.
"Ang pangit nga nitong suot ko, hmp. Tapos nambola pa 'tong si Jaemin na maganda raw ang suot ko." kinurot ni Chaewon ang katabi niyang lalaki sa braso kaya napaaray si Jaemin. Parang ship ko na tuloy sila.
BINABASA MO ANG
prince ╱ hwang hyunjin
Short Story❝prince nga, pangit naman ugali.❞ ▬▬▬▬▬ stray kids' hwang hyunjin © geonpyak [12/30/18 - 02/10/19]