Lieri Kwon
perspectiveNapaupo na lang ako sa bench para magpahinga galing sa pagtatanim. Nandito ako kila Chanyoung, pinagbubutihan ko lang yung pagtatrabaho ko sa kanila.
Hindi ko pa rin makalimutan yung tinanong sa akin ni Rein. Hindi ko aakalaing naaalala na niya ang mga nangyari a decade ago.
Chanyoung told me na magkakonekta sila ni Hyunjin and Rein. He pleaded to me na huwag nang sabihin sa kanila ang katotohanan, kapalit ng pagtatrabaho ko rito.
Kinuwento na niya sa akin ang lahat, kaya pala familiar sa akin ang garden na 'to, kaya pala naalala kong parte pala ng past ni Rein 'yong palasyo na hindi ko alam kung nawasak ba talaga o sinadya. This where the painful past took place. Nag-iba lang ng itsura because he reorganize this to a unrecognizable place to hide his mistake.
Ngayon ko lang talaga nalaman. Akala ko aksidente lang 'yong nangyari kay Rein, pero sinadya pala 'yon ni Chanyoung.
Siyempre, gusto kong magalit sa kaniya, gusto ko siyang magsisi kasi sinaktan niya ang kapatid ko. Pero iyon nga, he blamed himself for everything. Gusto niyang humingi ng tawad sa akin, kay Rein at kay Hyunjin.
I forgive him, hindi lang sa crush ko siya, dahil siguro sa gusto ko siyang tulungan to cope up with his mistake. Lahat naman tayo nagkakamali, eh. Nobody's perfect.
And I therefore conclude that Rein was Hyunjin's first love.
Pero hindi 'yon alam ni Hyunjin. He's clueless at everything. Hindi niya alam dahil masyadong niyang pinaparamdam kay Rein ang pagkainis niya. Masyado siyang bulag sa pagmamahal for "that" girl, which turned out to be my sister.
Kahapon lang, gusto kong sabihin ang katotohanan, I didn't even care if I broke Chanyoung's plea, gusto kong mamulat na sila ni Hyunjin sa katotohanang kailangan na nilang magkita muli.
Darating din ang araw na maaalala din ni Rein na hindi si Chanyoung ang nagsulat noong message sa flag, at siya ang hinahanap ni Hyunjin. She was loved by a prince, she was cherished and hated by an angel.
BINABASA MO ANG
prince ╱ hwang hyunjin
Conto❝prince nga, pangit naman ugali.❞ ▬▬▬▬▬ stray kids' hwang hyunjin © geonpyak [12/30/18 - 02/10/19]