019 | narration

581 29 15
                                    


Lieri Kwon
perspective

Pautanginmo naman, ngayon pa na-traffic!

Nakasakay ako sa bus 0325 ngayon pero 'di pa makausad kasi may na-disgrasya raw na sasakyan kaya nagdulot ng traffic. Bwisit, nagmamadali na nga ako, eh.

Chinat kasi ako ni Ma'am Kimkimin na magkikita kami ng alas-tres ng hapon pero nakatulog ako noong na-receive ko 'yong message. Kung di ba naman tanga ang babaeng si Lieri Kwon. Ang ganda ko pa naman, abot hanggang Saturn. Siguradong mahuhulog sa akin ang lalaking ubod ng anghel na si Kim Chanyoung.

Kaso nabawasan ang IQ level ko dahil sa kaka-neargroup.

Si Chanyoung na nga lang ang pag-asa ko ngayong adult na ako. Ayoko namang lumaking walang lovelife, 'no. 'Buti pa si Rein, ang dali-daling makabingwit ng lalaki, samantalang ako, ginawa ko lahat ng makakaya ko wala pa ring lovelife. New year's resolution ko kasi 'yong magka-lovelife, kaso waeffect din.

Ang gwapo pa no'n. Sabunutan ko talaga 'tong si Rein, paano niya nahagilap si Chanyoung? Sa langit ba? lupa? or underground? Charot.

Nang matapos na ang nakakainip na traffic, umusad na rin ang sasakyan at makalipas ng labing-limang minuto ay nakarating na ako sa kinaroonan ng pag-aaply-an ko ng trabaho.

Woah! Ang laki ng bahay. Walastik!

Parang mansyon na ata siya pero 'di mas malaki doon. Meron silang garahe, sa tabi noon 'yong pintuan nila. Ma-damo din at maraming nakatanim na bulaklak ang bungad ng bahay nila. Meron din silang dalawang terrace na alam kong masarap tumambay doon lalo na kung gusto mo ng sariwang hangin.

Tinignan ko ang buong bahay na pininturahan ng pinagsamang black, white at brown.

Nag-doorbell ako sa gate hanggang sa may lumabas na babaeng straight ang buhok, matangkad pero kapag naglalakad eh kala mo natalbog ang dalawang pakwan niya--'di po ako malaswa pero 'yon talaga ang totoo. Siya nga si Kimkimin na nag-message sa akin kanina.

"Pasok po kayo!" magalang na sabi niya. Ngumiti ako sa kaniya na hindi peke. Hindi naman ako plastic 'no.

Pinatingin muna niya sa akin yung bakanteng lote na sinasabi niyang ire-retouch ng amo niya. Ang itsura kasi no'n ay maraming kahoy at dahon na nagkalat, wasak na rin yung bahay na pinatayo ng isang residente upang gawing tambayan. Kinuwento sa akin ni Kimkimin na hugis palasyo raw yun pero hindi kagaya sa mga normal na palasyo na malaki. Maliit lang siguro siya, mga kasinglaki ng labingdalawang pinagpatong-patong na cabinet.

"Hindi ko alam kung paano nasira ang mala-palasyong bahay pero sabi raw, baka raw binagyo o tinangay ng hangin." paglilinaw pa ni Kimkimin. Tumango lang ako.

"May mga kabataan na mahilig tumambay dito dati pero dahil nga hindi masyadong ligtas ang pagkakagawa, napagdesisyunan na nilang hindi ito puntahan," wika niya habang nilalapitan ang bahay. Gawa lang pala siya sa kawayan at medyo light materials ang ginamit sa pagkakagawa kaya di na nakakapagtaka kung bakit nasira siya agad-agad.

Dibale ang natira na lang ay ang pang-likurang bahagi ng bahay. Sayang, kung naabutan ko sana ito baka dito na ako tumambay palagi. Mukhang magandang pagtambayan kapag bored ka sa buhay.

"Binili ito ng pamilya ng amo ko para gawing garden dahil hindi sapat ang pagtatanim sa harapan ng bahay kasi masyadong maliit." nag-gesture pa siya na 'maliit' gamit ang index at thumb finger niya. May point nga naman siya.

Bumalik ulit ako sa bahay para sa interview. Dala-dala ko ngayon yung folder na naglalaman ng resume at mga important documents na kailangan.

Binuksan ko ang pinutan ng bahay pero nabitawan ko bigla ang folder dahil sa nilalang na sumulpot sa harapan ko. Nagkalapit kami at tinitigan ang isa't-isa.

Wait a minute--hindi ako nagkakamali...Bakit nandito siya?! Hindi ako makapaniwala. Oh Lord, bakit siya pa? Waaaa!

prince ╱ hwang hyunjinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon