third person
perspectiveUmaga nang nagmamadaling pumasok sa classroom si Rein habang dala-dala ang mga libro na kailangan niya para sa academics. Mabuti na lang ay hindi pa siya late. 10 minutes na lang pala bago ang first subject nila.
She scanned the classroom while finding "that" guy who's always make her feel safe. Simula nang nakilala niya ang lalaking 'yon ay may rason na siya kung bakit siya palaging pumapasok sa school. Overall, she maintained a good reputation inside the school. Salamat na lang at hindi siya masyadong kinukuyog ng mga baliw na baliw na babaeng estudyante dahil sa pagiging malapit niya sa fake prince at sa prince charming ng buhay niya.
Malapit lang naman siya kay Hyunjin because they're both the members of their upcoming thesis. Sa tingin niya, tinamaan na talaga siya ng kamalasan lalo na't ayaw niya sa ugali nito. Sure, gwapo nga siya at mukhang siya na nga ang pinakasikat na estudyante sa buong R.I.S pero sa tingin niya, when it comes to attitude, mas lamang si Chanyoung. She thinks he's kind and thoughtful plus the visuals.
Inilapag na niya ang mga gamit niya sa inuupuan niya. Katabi niya si Jaemin na kausap si Jeno at Chaewon.
"Nasaan si Chanyoung?" tanong niya.
Doon na siya naglakas ng loob para magtanong kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin si Chanyoung. Usually, he often came to school early kahit medyo malayo ang bahay niya sa school pero nakapagtataka pa rin na bakit hanggang ngayon ay wala pa rin siya.
Kung late man siya, baka hindi rin papasukin dahil ipinapatupad na ang "close gate policy". Hindi siya makakapasok hanggang break time. That is the consequences of being late.
"Aga-aga, si Chanyoung agad?" Chaewon smiled at her playfully, parang nanunukso.
"Baka naman late lang," Jeno answered.
"Never ma-late si Chanyoung. Early bird kaya 'yan sa classroom," segunda naman ni Jaemin. What he meant is he came early like an early bird.
Tumango si Rein, hindi niya lang kasi maiwasang laging hanapin si Chanyoung. Iyon ang rason niya kung bakit never siyang umabsent. He's her inspiration, gusto niya talagang lagi siyang nakikita.
Tumahimik ang mga estudyante sa classroom nang mag-bell na at saktong pumasok si Hyunjin. Naglalakad siya na parang walang pakialam sa mundo.
Naalala niya sa chat 'yong ginawa niyang pang-aasar kay Hyunjin na bakla siya. Ginawa niya lang naman 'yon para makaganti kasi hindi niya pa rin malilimutan ang ugaling pinakita no'n sa kaniya.
"Ulan, padaan nga ako." Rein looked up at him dahil sa para siyang higante. Tinaasan niya lang ito ng kilay.
Pinadaan niya na lang ang lalaki sabay irap. She also smirked. Ayaw niyang matalo sa lalaking lagi siyang iniinis.
Dumating na ang teacher nila sa Character Education. Binati nila ito ng good morning. Their teacher explained that they will having a special activity.
"Choose your partner in three...two...one!"
Settled na lahat ng partners maliban kay Rein. Wala siyang napiling ka-partner dahil halos lahat ng estudyante sa classroom nila ay hindi siya masyadong kilala. Sila Jaemin, Jeno, Seungmin, Chaewon, Hyunjin at Chanyoung lang ang nakakakilala sa kaniya.
Lahat ng mga kakilala niya ay meron nang partners, except Chanyoung na hanggang ngayon ay hindi pa rin pumapasok at...si Hyunjin.
Napa-poker face siya dahil naka-encounter na naman siya ng kamalasan.
"Rein at Hyunjin, kayo na lang at magpartner." halos gumuho ang mundo ni Rein nang sinabi iyon ng babae nilang teacher. Pakiramdam niya ay pinaglalaruan talaga siya ng kamalasan.
'Bakit si fake prince pa?! Kung pwede namang si Chanyoung na lang? Pwede bang um-absent na lang huwag lang siyang maka-partner?' makaawa niya sa isip niya. Napasabunot pa siya sa buhok niya, thinking of the situation occuring today.
Wala na siyang choice. Hindi siya pwedeng mag-reklamo dahil activity naman 'yon at baka ikabagsak pa niya kapag hindi niya ginawa. Ayaw niyang mangyari 'yon.
Pumunta na sila sa kani-kanilang location para pag-usapan ang tungkol sa special activity.
Naupo na lang si Rein sa upuan until Hyunjin approached her.
"Bakit ba ang malas ko?" Hyunjin asked in annoyance. Rein felt offended kaya binara niya ang lalaki while rolling her eyes.
"Matagal ka nang malas. Hindi ko alam kung saan naka-locate 'yung balat mo, eh. Baka naman sa puwit?" Rein folded her arms and smirked.
"Baka naman ikaw 'yon," said Hyunjin then sat opposite to her.
Pinag-usapan na nila ang special activity. They asked each other shyly. Ang awkward ng sitwasyon nila ngayon.
"Ulan, ano sa tingin mo ang pagmamahal?" medyo nahihiyang tanong ni Hyunjin. The mood turned from awkward to extremely uncomfortable. Naging malalim ang pag-iisip niya sa salitang "pagmamahal" dahil naalala niya 'yung special someone niya in the past na bigla na lang naglaho.
"Love is..." Rein whispered the last line pero narinig pa rin 'yon ng lalaki.
"Anong sabi mo? Love is Chanyoung?" tanong ni Hyunjin na natatawa. He assured that he heard it right.
"Ha? Anong Chanyoung ka diyan? W-Wala akong sinasabi 'no!" depensa ni Rein. Ni hindi niya alam kung sinabi niya ba talaga 'yon o baka guni-guni lang ni Hyunjin ang narinig niya.
"Kunwari ka pa, alam ko namang patay na patay ka kay Chanyoung." Hyunjin bit his lip, naiinis pa rin siya kay Chanyoung. Akala lang ng ibang magkaibigan sila pero ang totoo niyan, they hate each other.
Rein couldn't help but to smile. She's blushing at the moment. Totoo ngang gusto niya si Chanyoung.
"Bakit ang tahimik mo?" tanong ni Rein. Napansin niyang hindi nag-ingay si Hyunjin kaya hindi sila makapag-communicate tungkol sa love na 'yan sa special activity nila.
"Tss. Nagugutom lang ako. 'Di ako makapag-isip nang maayos." tugon ni Hyunjin.
Nakakapanibago tuloy lalo na't maingay si Hyunjin kapag ka-chat si Rein. Naiinis kasi siya sa pagiging warfreak niya sa chat. He also thinks na nagpi-feeling matapang kuno siya. Masyado raw siyang palaban.
Siguro nga gutom lang talaga si Hyunjin.
༄ +₊
sorry kung ngayon lang nag-update. nawawalan na ako ng inspo huhu :<
BINABASA MO ANG
prince ╱ hwang hyunjin
Short Story❝prince nga, pangit naman ugali.❞ ▬▬▬▬▬ stray kids' hwang hyunjin © geonpyak [12/30/18 - 02/10/19]