Chapter 3

2K 64 0
                                    

To Nueva Ecija



Parang bagyong dumaan ang Disyembre. Kakabakasyon lamang pero ito at bukas ay may pasok na naman.

Kinagabihan pagpasok ni Nana ay tinupi nito ang mga damit niya na nilabhan kanina. Samantalang ako, maayos kong isinalansan ang mga gamit ko sa loob ng bag. Tahimik kami hanggang sa naisipan kong tanungin nang tanungin si Nana Fe ng kung ano-ano.

"Nana," tawag ko sa kanya. Hindi ito lumingon sa akin at nagpatuloy lamang sa pagtutupi. Pero nang matapos niya iyong isang damit na tinupi niya, tiningnan na niya ako.

"Oh?"

"Ilang taon ka na nga po ulit nagtatrabaho dito?"

Binuklat ko ang binder ko at mabilisang binasa ang mga notes. Saka ko naalala na tapos na nga pala ang first semester at hindi ko man lang napalitan ang filler ng binder. Hindi talaga ako nagbuklat dahil nakakatamad.

"Mula noong apat na taon si Mayor," tipid niyang sagot. Tumango-tango ako at kinalkula kung gaano na siya katagal dito.

"Edi po Nana, mula nung 34 ka dito ka na nagtatrabaho? Diretso po yon?" pasimple kong tanong. May gusto lang talaga akong malaman. Hindi naman siguro masama kung simulan ko ang pagtatanong-tanong sa kung sino-sino ang posibleng makakilala sa nanay ko.

Sa mga narinig ko kasi kagabi mula sa opisina ni Mayor, naramdaman ko na ipinipilit ko na lang ang sarili ko dito. Hindi ako tanggap ng sarili kong mga Lolo at Lola o mas madaling sabihin na nanay at tatay ni Mayor.

Si Mayor, gano'n na talaga ang tawag ko sa kanya dahil bawal ko naman siyang tawagin na Papa o kaya naman Daddy. Isinusuka na ako ng bahay na ito. At gusto ko na hindi na humantong pa sa pagkakataong isampal nila iyon sa akin. Ako na ang maghahanap sa nanay ko, tutal ay hinahanap naman daw ako nito.

"Oo, mula bata iyang si Gabriel."

Gabriel Mark Alvarez ang pangalan ni Mayor. Sa kanya kinuha ang pangalan ko na Gabrielle dahil ayon sa kwento nila, ito raw ang nagdesisyon na kupkupin ako.

Pero kahit hindi ako pinakitaan ng kahit katiting na atensyon ni Mayor, ayos lang naman. Hindi naman masama ang trato niya sa akin. Malaki rin ang pasasalamat ko dahil imbes na dalhin nila ko sa ampunan, kinupkop nila ako.

"Nana," buwelo ko. "Kilala mo ang nanay ko?"

Natigilan si Nana Fe at saka napailing.

"Kilala mo ang nanay ko."

Hindi iyon tanong kagaya ng kanina. Nabasa ko iyon sa kanya. Kapag ayaw niyang magsalita pero may alam siya, gano'n ang ekspresyon ng mukha niya.

"Asan siya?" pangungulit ko pa. Hinawi ni Nana ang mga natirang damit na hindi pa niya natutupi at naupo nang maayos sa higaan namin.

"Hindi ko na alam, anak," malungkot nitong sagot. Humiga ako sa kama at niyakap ang unan.

"Iniwan niya ba ako? Iniwan niya ba talaga ako?" Hindi na naman sumagot si Nana Fe.

"May narinig po ako noong gabi ng anniversary... Noong bumangon po ako noon narinig ko po sila Mayor," mahina kong sabi. "Nana, ikwento mo na sa akin. Baka po kasi... Baka po kasi isang araw, wala na ako rito..."

"Ano ba 'yang sinasabi mo? Bakit ka naman mawawala dito? Iiwan mo ba ako?" Umiling ako saka siya niyakap.

"Narinig ko sila, Nana. Ibabalik daw ako ng mga magulang ni Mayor sa nanay ko. Kaya ko po kayo ngayon tinatanong dahil gusto ko pong malaman kung anong klase ba siya na babae, gano'n... Para naman po pag dumating 'yong araw na makita ko siya, may ideya ako," paliwanag ko pa sa kanya. Hindi maipinta ang mukha ni Nana Fe matapos ko iyong sabihin.

"Demonyo talaga 'yang mag-asawa na 'yan," bulong ni Nana ngunit hindi iyon nakatakas sa aking pandinig.

"Bente anyos na si Gabriel noong makilala niya si Grace..."

Hinayaan ko si Nana na magkuwento. Hindi ko alam kung sino si Grace pero sa tingin ko, siya ang nanay ko.

"Disisyete lang si Grace noon, bata pa. Maamo ang mukha kaya hindi ako nagduda noong ipakilala siya ni Gabriel sa akin... Noong una ay payag ang mga magulang ng ama mo kay Grace. Pero noong malaman nila na anak sa labas ang nanay mo, kaagad nila itong pinalayo sa anak nila. Walang karapat-dapat na babae para kay Gabriel. Pero hindi na nila napigil dahil isang araw, tuwang-tuwa ang ama mo at magkakaroon na raw sila ng anak."

Bigla akong nalungkot. Tuwang-tuwa raw si Mayor noong magkakaanak na siya. Bakit hindi ko naman yata 'yon makita ngayon?

Hinawakan ni Nana ang kamay ko. "Makalipas ang ilang buwan, bigla na lang naglaho na parang bula si Grace at matapos ang ilan pang buwan nakita ka nila sa ospital kasama ang ilang gamit nito."

Hindi na nasundan ang kwento ni Nana kaya ang huling tanong ko sa kanya ay, "Saan po siya nakatira dati?"

"Sa Nueva Ecija."

Kinabukasan, abala ang mga kaklase ko sa pag-uusap tungkol sa kung ano ang nangyari sa mga bakasyon nila. Enero na at kung ano-ano na naman ang pinag-uusapan nilang mga New Year's Resolution. Hindi na lang ako nakisali dahil wala ako sa mood makipag-usap sa kahit kanino.

"Excuse me," bati ng taong nasa tapat ng pintuan. Naglingunan ang lahat at sa tingin ko pare-parehas silang napanganga lalo na ang mga babae noong tumambad sa amin si Wayne na preskong-presko na nakatayo sa labas.

"Dito ba ang classroom ni Samantha?"

Nagtinginan ang mga kaklase ko sa akin, hanggang sa pati si Wayne ay nasa akin na rin ang mga mata.

"Let's go?"

"Ano raw?"

"Sino siya?"

"Bakit niya hinahanap si Sam?"

Iyon ang naging tanong ng mga kaklase ko. Ano nga ba ang nangyayari? Bakit nandito siya? Nang kumunot ang noo nito ay napatayo ako. Nanlalambot ang mga tuhod ko. Ano bang nangyayari sa akin?

Nag-aapura kong kinuha ang mga gamit ko kasama ang bag. Paglabas namin ng classroom ay kaagad ko siyang tinanong.

"Bakit ka nandito?"

"That's very nice of you, Samantha. Sinusundo kita dahil may training tayo ngayon kasama ang buong Region."

At hindi ko ito alam?

"Pero may klase pa ako," sabi ko sa kanya. Nagpatuloy lang kami sa pagbaba sa hagdan hanggang sa marating namin ang opisina ng publication.

"Nasaan ang gamit mo, Sam Girl?" sabi ng coach ko sa akin. Gamit? Tinuro ko ang bagpack ko kaya sinamaan ako ng tingin ni Coach Anna.

"Sam Girl, we are going to Nueva Ecija! Bakit hindi ka ready?"

"For what po?"

"For the National Schools Press Conference, I guess?"

Napatulala ako. But that's two weeks away!

"Intensive training for NSPC. Gift daw ni Governor para sa mga qualifiers," paliwanag ni Wayne.

Huh? Wala pa akong gamit! Wala man lang akong alam!

"Paano yan, Sam?" namomroblemang tanong ni coach Anna sa akin at sa mga taong nasa loob ng publication.

"Sumabay na po kayo sa mga ibang qualifiers. Ako na pong bahala kay Samantha."

Ano?

"Sure ka?" tumango ang katabi ko dahilan upang mag-apura si coach Anna sa paglabas dahil sa sundo.

"We are going to Nueva Ecija?"

"Yes, why?"

I didn't have time to answer his question. Ang una kong naisip ay kailangan kong madala ang lahat ng gamit ko sa Nueva Ecija, ang mga importanteng documents sa buhay ko, IDs, ang lahat ng naipon ko, para mahanap ko kung sino ang nanay ko.

Write Me a HeartacheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon