Stranger
Tinitigan ko si Grant. He was serious even before but... this coldness? It wasn't like this before. Huminga ako nang malalim bago naglakas ng loob na lumapit. Uupo lang naman ako, it's not a big deal. Right?
"May I—?" hindi ko madugtungan ang sasabihin ko. Nagkakagulo na naman ang mga kulisap sa aking tiyan at hindi ako makapag-isip nang mabuti. Now I know kung bakit kakaiba ang tahip ng aking dibdib kanina. It's because he is here. In front of me. Para bang alam na alam ng puso ko kung sino ang makikita niya rito at kaagad niya akong piapanguhanan sa dapat kong maramdaman. My heart has a mind of its own. At ayaw ko noon dahil masakit.
Bahagya lamang itong tumango at nanatiling nakatutok sa kanyang cellphone. Gusto kong mainggit sa atensyon na ibinibigay niya doon at parang gusto kong itapon ang hawak niya, pero para saan? Gusto mo ba talagang galitin pa ang taong galit sayo, Samantha?
Dahan-dahan akong naglakad palapit sa upuan at naupo sa kanyang tabi. My heart constricted in both pain and joy. Kailan ba ako huling napalapit sa kanya? It's been years... But the same feeling I have for him before? It wasn't there. It was replaced by something deeper.
Mas higit pa sa dati.
That's why I believe some sayings. Absence makes the heart grow fonder—it was indeed true. Six years had passed... and here I am. Still stuck.
Magtatanong sana ako pero may isang babaeng pumasok. Si Alvah.
"Grant, anong nangyari?" kaagad nagtaas ng tingin si Grant kay Alvah. Napayuko ako. Shit. Ano bang nangyayari sa akin?
"Ano ba 'to, bakit ganon? Is this about the threat?" nag-aalala ang boses ni Alvah at halata mong nagpa-panic ito. What? Are they... in a relationship? Bakit gano'n na lang ang pag-aalala ni Alvah sa kapatid ni Grant kung dati nga ay halos wala naman siyang pakialam dito?
At bakit ako nasasaktan?
"Calm down. Sit here." Akmang tatayo si Grant nang tumayo ako sa kinatatayuan ko. I'm fine. As long as I don't see them. Aalis ako.
"S-Sam? Ikaw ba 'yan?"
Pilit akong ngumiti nang humarap kay Alvah. Nothing much changed. She just looked prettier than before, still the same height. I towered over her kaya naman bahagya siyang nakatingala sa akin dahil sa loob ng anim na taon ay nadagdagan pa ang height ko ng dalawang pulgada.
Well, that doesn't matter, right? Kung siya naman ang kasama ni Grant ngayon.
"Alvah?" kunwari ay nagulat kong tanong. Her smile widened at nagulat ako nang talunin niya ako ng yakap.
"What are you doing here?" nagpabalik-balik ang tingin niya sa aming dalawa ni Grant. A suspicious look, I can say.
"No. Uh, Gift... was with his brother," sagot ko nang tuluyan ako nitong bitawan. Muling bumalik ang pag-aalala sa mga mata nito. On the other hand, Grant was just looking at us—I mean, kay Alvah. He sure got even taller than before. The same gap between us—it's still there. But that gap between us, it's still there... but I am sure, it wasn't the same.
And it all takes me back on the day of the foundation week concert, where everything has changed.
Samantha, this isn't your problem. Saka ayaw mo ba noon, tuluyan ka nang makakalimot?
"Ah, by the way, I have to go. I received a text from Wayne. I'll meet with him," pagpapalusot ko na lang.
"L-Let's catch up some other time, okay?" Pinilit kong ngumiti kahit parang namanhid ang aking pisngi mula sa sakit na naramdaman ko. Tumango ako at naglakad na papalayo. Dito naman ako magaling.
"Adrian... Iiwan ko ang bodyguard dito for the updates, okay. I'm going," paalam ko.
"Ate Sam, bilin po ng boyfriend mo na huwag kang paaalisin," pagbabawal sa akin nito. Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. May boyfriend ako?
"No, no. Kaya ko na," sabi ko at dire-diretso nang umalis. Doon nagbagsakan ang mga luhang pinipigilan ko. Kailan ba ako sasaya? Sa tuwing nandito ako, lahat ng sakit nararanasan ko. Sinipa ko ang gulong ng sasakyan bago pumasok doon. Isinubsob ko ang ulo ko sa manibela at umiyak doon. Ilang sandali pa at narinig kong may kumatok sa bintana ng sasakyan. Binuksan ko iyon at nagsalita.
"Kaya ko na nga! Huwag ka ng sumunod!" sigaw ko. To my surprised, it was Grant. What the hell?
"You always do things on your own. Nakita ni Alvah, iaabot ko lang sana."
Kaagad kong pinunasan ang mga luhang pumatak sa aking mga mata. Hanggang dito ba naman, Alvah pa rin? Huminga ako nang malalim para pigilan ang mga hikbi ko pero ayaw tumigil ng mga iyon.
"S...Sorry..." iyon lang ang salitang lumabas sa aking bibig at hindi ko na naman napigilang lumakas ang aking mga hikbi. I feel sorry for feeling this way. Alvah, I'm sorry. Inabot ko ang panyong hawak niya. Bigla niyang isinilid ang mga kamay niya sa loob ng binata at nabuksan niya ang pinto sa passenger seat.
"Why... are you crying?" mahinang tanong nito sa akin. Nanatili lamang itong nakaupo doon at nakatitig sa harap. Nakabukas pa rin ang pinto ng sasakyan at parang wala siyang balak na isara iyon.
"K-Kasi kasalanan ko," umiiyak kong sagot. Inilagay nito ang panyo sa ibabaw at pinagmasdan ako.
"Ang alin?"
"Lahat."
"It was all in the past, Sam."
Napakagat ako sa aking labi para pigilan ang mga papalabas kong hikbi. I wanted to curse all the demons out there, but my cries just won't let me. I buried my head on the steering wheel once again para hindi niya ako makitang umiiyak.
Kasalanan ko naman talaga. It was my fault pushing them away, not explaining and breaking my promise. It was my fault I fell in love with him and it was my fault hoping that even if there's a little chance, baka may nararamdaman siya sa akin.
But then, six years is longer than the two months we were together. After all, I am just a stranger who happened to be connected to him. And now, I am just a stranger to him again. Kahit pa sa alaala ko, alam kong hanggang doon lang ako.
It's all my fault. After all, ako rin naman ang gumagawa ng mga bagay na siyang ikakasakit ko.
BINABASA MO ANG
Write Me a Heartache
Short StorySamantha Gabrielle Torres has been seeking for answers why her mother did not return after seventeen years. Now that her father is about to marry, she would risk everything just to find and be with her. But what if she finds something else? Love...