Chapter 38

1.2K 42 0
                                    

Ang bilis talaga ng oras kapag si Grant ang kasama ko. Parang five minutes lang kaming bumyahe pero kanina lang ay napaka-traffic sa may mahabang tulay. May mga nakikita akong engineers kanina doon at nagtatayo sila ng mga foundation. Sa tingin ko lalaparan ang tulay kaya ganoon.

Hindi ko na hinintay na pagbuksan ako ni Grant. Kaya naman nagulat ako nang paglabas niya ay nakasuot na siya ng coat. Akala mo lang lawyer at hindi engineer. At syempre, nakadagdag pa sa kagwapuhan niya ang suot niyang salamin. Mas kumbinsido pa akong lawyer siya kaysa engineer talaga. May dala pa nga siyang attache case.

"Are you just gonna stand there?"

Habang abala po ako sa pagtitig sa kanya ay bigla akong napatingala. Nag-iwas ako ng tingin para hindi masyadong halata na tinitignan ko siya. Nakakainis. Umirap ako dito nang tumalikod siya. Noon ko lang napansin na sobrang laki pala talaga ng ER Builders lalo dito sa main branch. May isang ektarya kaya ito? Sobrang detailed pa ng mga designs kahit papasok pa lang.

Nang mapansin kong medyo nahuhuli na ako ay sinikap kong makahabol sa kanya. Mabuti na lang at mahaba ang binti ko kahit papaano. Sa tangkad niyang six feet, wala akong laban. Habang papasok kami, marami ang tumatango at bumabati sa kanya. Bakit ba hindi ako informed na medyo big time pala siya? Sabagay, I avoided all the news about him before, hoping I will forget him, pero hindi naman nangyari.

Kunwari ay tumitingin ako sa paligid noong huminto siya para kausapin ang isang babae. Pinagmasdan ko ang ekspresyon ni Grant sa gilid ng aking mata habang nakikipag-usap siya sa babae. Seryoso pa rin siya kagaya ng pakikipag-usap niya sa akin pero yung kausap niya? Ang lapad ng ngiti. Akala mo nanalo sa lotto.

Nang dumako ang tingin ng kausap niya sa akin, napadiretso ako ng tayo. "Wow, you're really beautiful! April Jimenez, right? Hindi ka po pala talaga tumatanda!" gusto kong taasan ng kilay ang kumausap sa akin at tarayan siya. April Jimenez ka dyan.

"I'm sorry?" pilit akong ngumiti. "Engineer Samantha Alvarez, I also work for ERB." Inabot ko ang aking kamay.

"Oh, I'm sorry. You really look like her kasi. Are you related to Senator Alvarez?"

Noong mga panahon na 'yon, gusto ko na lang umalis kaysa makausap siya. Kilala niya si mommy pero si Dad ay hindi? "Yes."

"Oh, connections." Inalis nito ang tingin sa akin at bumaling kay Grant. "Let's have some coffee after this, okay?" at pinaglandas nito ang kamay daliri niya mula sa balikat ni Grant pababa. Sinundan ko 'yon ng tingin at mabuti na lang ay tumigil iyon ilang pulgada malapit sa dibdib.

Okay, that's... flirting. Right?

Bahagyang ngumiti si Grant dito. May girlfriend na pero may paganon pa? Pakiramdam ko tuloy nalukot ang mukha ko.

"Ah, Miss, where is the office of Kira Reyes?"

"You mean the sister of the owner?" hindi mapakapaniwalang tanong ng babae. Tumango lang ako. Nakatrabaho ko ito sa isang project sa Manila two years ago. Nakaclose ko siya dahil doon.

"Eight room on the left wing, 15th floor. But I doubt if maharap ka niya, she's kind of busy." Kahit hindi ko nagustuhan ang tono ng kausap, nagpasalamat ako. Lumingon ako kay Grant at sinadyang iparinig ang sasabihin ko.

"Thank you for last night, and for bringing me here, Grant." Saka ako ngumiti. Tumalikod ako at hindi na naghintay pa ng sasabihin nila. Kumukulo talaga ang dugo ko. Syempre, gusto ko si Grant. Tapos ang makita na makipaglandian siya sa harap ko ay isang malaking sampal. Narealize ko rin na medyo childish ako dahil kung ano-ano pa ang sinabi ko. Baka isipin non... Ah. Bahala na!

Sumakay ako ng elevator at hinintay na huminto iyon sa 15th floor. Mabuti na lang at ilan lang ang kasabay ko. Sinunod ko ang sinabi ng babae kanina at nakalagay nga roon ang pangalan ni Architect Kira Reyes.

Kumatok ako ng tatlong beses at ang boses ni Kira ang narinig ko. "Go." Binuksan ko iyon at ang bumungad sa akin ay isang nangangalumatang babae.

"What happened to you?" nag-aalala kong tanong. "I'm so stressed! I don't wanna do this anymore!" paiyak na sabi ni Kira. Lumapit ako sa table niya ay naupo sa upuan sa harap ng lamesa.

"What are these?" sabi ko at kinuha ang mga designs na nasa lamesa. I scanned every pages of the clear book and admired the designs of the school. "Pretty good. Sinong nag-design?"

"I think Firene Gonzales is the name." napanganga ako. That is our Firene!

"Girl, good thing you are here. I called your office yesterday. I really want you to help me. Kung maaari nga gusto kong ipalipat ka na rito permanantly. But as of the moment, dahil sa emergency mo, I only borrowed you kay Irish for two weeks! Girl, dito ka na lang, please." Pagmamakaawa ni Kira. Pero bakit? May nangyari ba?

I laughed. "Why would you need me here? Hello, Ezrael the great owns and works for ERB."

"That's the problem."

"Huh?" nagtataka kong sagot. Ayaw pa kasing ikwento ng Kira na 'to.

"Kuya Ezra is in the hospital. Bumagsak ang scaffold ng school na 'yan." Tinuro niya ang hawak ko. "We think it's sabotage..." malungkot na sabi ni Kira. "Itinulak niya ang isang laborer na mababagsakan no'n— he sacrificed himself. Kaya maliban doon, we are paying the damages, hindi lang sa mga labors, pati na rin doon sa school na ginagawa. It's just so..." napayuko si Kira sa table. Nilapitan ko siya at hinimas ang likod niya. Ang hirap nga noon, Ezrael Reyes is in the hospital and EBR is in chaos. I remember having a crush on Ezra before, one of the handsome guys I know.

"Sino lang ang nakakaalam nito?"

"Only high-ranking positions lang dito, and kuya Ezrael bestfriend slash classmate in law school." Sagot ni Kira. Nagulat naman akong malaman na nag-aaral pala si Ezrael ng law. Sabagay, he needs it. Ilang taon na rin ang ERB kaya alam kong inestablish muna 'yon bago siya nag-aral sa law school.

"Sinong bestfriend? At sinong pumalit kay Ezra for the mean time?" I asked, tinanggal ko ang ipit ni Kira at inayos iyon. Sobrang haggard ng kaibigan ko.

"He's an engineer too. Second year na nila sa Law School. Mabuti nga at pumayag na siyang pumirma ng contract after two years. Siguro naawa talaga kay kuya?" she laughed.

"Wait, you mean, hindi ikaw ang papalit kay Ezra?" I asked. Tumango siya. "Yes, his bestfriend. Ayaw ni kuya na ako ang pumalit. He said malulugi raw ang ERB." Sumimangot si Kira.

"So, who is this bestfriend? Must be good, lalo na at pinagkakatiwalaan siya ni Ezra." I commented.

"Grant Issachar Ortega— not just good actually. He's great. And very handsome too."

"What?"

May pa 'I will sign a contract with ER Builders, so I will have a reason to see you' pang nalalaman ang loko. Kaya naman pala pipirma ng kontrata dahil kaibigan siya ni Ezra.

Paasa talaga.

Write Me a HeartacheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon