Chapter 40

1.2K 38 2
                                    

Para kaming naglalaro ni Kira ng habulan dahil sa ginagawa naming pagpaparit-parito. Kasalukuyang nasa meeting si Grant kasama ang mga engineers na may part sa nag-collapse na scaffold. May isa kasing nagsampa ng kaso sa ERB at ngayon, hindi namin alam ni Kira ang pinag-uusapan nila.

Napahinto at nagkatinginan pa kami ni Kira nang may kumatok. Nag-unahan kami sa pagtakbo sa pinto sa pag-aakalang ang secretary iyon ni Ezra na binilinan naming i-update kami sa nangyari sa loob ng conference room.

Pero sa dismaya namin, isang magandang babae ang pumasok doon. Shoulder length ang raven na buhok, singkit ang mata at maputla. Parang anghel lang. Sa balikat niya ay may stethoscope na nakasabit.

"Oh, Cara, you're here!" niyakap ni Kira ang babae. Mas matangkad lang ako rito ng ilang pulgada kaya nang ngitian ako nito ay bahagya siyang tumingala. "Hello..." Bati niya sa akin.

"Hi, you want me to—" dahil hindi ko mai-translate ang sasabihin ko sa english, itinuro ko na lang ang pinto para iparating na lalabas muna ako.

"Ah, no. I will just update you about kuya Ezra..." mahinhin nitong sabi. Bigla siyang binatukan ni Kira kaya naman na napahawak ito sa batok. "Cut the act, Cara. Hindi bagay." Sabi ni Kira.

"Sabi ko nga e." Cara said. Ang lakas ng boses niya. Malayong-malayo sa mahinhin na boses na ginamit niya kanina sa akin.

"Ah, Dra. Cara Kandella Ruiz, that's Engineer Samantha Gabrielle Alvarez."

Parang nag-heart shape ang mata ni Cara nang sinabi iyon ni Kira. "Hindi pa ako doctor. Isang board exam pa, pero— Really? Can you visit my house some time? Matagal ko na kasi gusto ipaayos iyon kaso ayaw ni Kira." Inirapan niya ito. "Okay, sure."

Sandali pa kaming nagkwentuhan hanggang sa mapunta ang usapan namin kay Ezra. "So 'yon nga, hindi talaga ako doctor sa buto. Pero ang alam ko nga bali ang ribs at ang kaliwang braso ng kuya mo. Wala talaga akong alam tungkol sa kalagayan ni kuya Ezra pero ako ang nagbabantay sa kanya." Hinampas ni Kira ang braso nito, I'm sure masakit 'yon dahil napangiwi nang bahagya si Cara.

"Baka ikaw pa pumatay sa kuya ko." Sabi ni Kira. "Hindi naman, alam ko naman ginagawa ko. Gusto ko lang siya bantayan. Nung minsan nga binihisan ko siya— grabe! Muntik ko na siyang hindi damitan."

Parang gusto kong takpan ang tainga ko pero may abs ba si Ezra? I'm not sure, lagi 'yon naka-suit. Si Grant kaya? Ah, erase.

"Okay ka lang? May pagka-ano talaga 'to si Cara. Pasensya ka na."

"Hindi, okay lang. Ilan ang abs niya?" tanong ko. Nagtawanan kami at nagtilian dahil kung ano-ano ang pinag-uusapan namin, mostly about guys. Medyo nakakawala nga ng stress dahil tambak kami sa gawain. Hindi namin napansin na may kumakatok pala dahil sa ingay namin, kaya nagulat kami ng pumasok si Grant sa loob ng opisina at salubong ang kilay. Napatayo ako.

"Ay galit." Side comment ni Cara. Tumawa naman si Kira.

"You're not answering my calls." Nanlaki ang mata ko at kinapa ang katawan ko. Saan ba ang cellphone ko? Wala! Naalala ko ang sinabi niya noong isang araw.

"Sorry, naiwan ko sa office." Sagot ko kaagad. Nakatingin lang sa akin sina Cara at Kira. "Boyfriend mo?" sasagot sana ako pero hindi ko alam ang isasagot ko. Nang tumingin ako kay Grant, may multo ng isang ngiti sa labi niya.

"Hindi."

"—pa."

Sa gulat ko hindi ako nakapag-react. Nagulat na lang ako nang higitin ako ni Grant papalapit sa kanya. "Ibabalik ko siya mamaya."

Nanlalambot ang tuhod ko. Anong ibig sabihin non? Huh? Paki-explain naman kasi gusto ko nang umasa. Nagpasalamat na lang ako dahil inalalayan ako ni Grant. What the hell, natutunaw yata ako.

"You okay?"

"Akala ko ba galit ka sa akin?" I asked.

"Sino ba nagsabing hindi?" sinamaan ko siya ng tingin.

"Pinapaasa mo ba ako?" tanong ko ulit. Sinikap kong makaupo sa isang bench sa hallway dahil mabubuwal na talaga ako.

"Sa tingin mo?"

"Oo."

"Hindi." Sagot niya sa akin at saka nakipagtitigan. "Naguguluhan na ako sayo." Mahina kong sabi at saka nag-iwas ng tingin. Nakakainis naman kasi.

"Ako rin. Naguguluhan." Natahimik ako. Saan siya naguguluhan?

"Pag-uusapan natin 'to, but not now. First, we need to go to Ezra. Kung saan man siyang ospital naka-confine." Sumeryoso ang mukha nito. Tumango ako.

"Bakit ako? May secretary si Ezra." Sabi ko sa kanya. "I don't like her. I want you." kinagat ko ang labi ko para mapigilang ngumiti.

"Okay... But I know someone who knows where Ezra is." Kumunot ang noo niya at nagsalubong ang kilay.

"Sino na naman?"

"Si Cara, yung babaeng kasama namin."

Nang makarating kami sa ospital ay para akong nahihilo. Amoy na amoy kasi ang alcohol. Saka kahit private ang ospital, ang dami pa ring pasyente.

"Okay ka lang? You're pale." Hinawakan ni Grant ang siko ko. Tumango lang ako pero hindi niya na tinanggal ang pagkakaalalay sa akin. Sinundan namin si Cara at sumakay kami ng elevator. Sa ikaanim na palapag ay huminto ang lift at lumabas kami.

"Here." Tinuro ni Cara ang isang pinto. Kumatok si Grant doon at saka kami pumasok. Natutulog si Ezra nang pumasok kami.

"Idiot, wake up." Sigaw ni Grant. Mahina nitong sinampal ang mukha ni Ezra.

"Please take it easy. Baka madagdagan ang injury niya." Nag-aalalang sabi ni Cara kay Grant. "Kulang 'yan, this idiot is giving me a lot of work."

Nagmulat ng mata si Ezra at parang iritado pa siyang tumingin kay Grant.

"Labas muna kayo." Pagpapaalis ni Ezra sa amin nila Cara. Nagulat na lang kami ng bigla ay sinampal ni Kira ang kuya niya.

"Tanga mo." Saka ito naunang lumabas. Hinila ko na si Cara na natulala pa sa ginawa ni Kira. Ano bang iniisip non? Napatingin naman ako kay Ezra. May problema ba silang magkapatid?

"Wag kang aalis. Wait for me, okay?" parang tuta akong tumango sa sinabi ni Grant.

Bahala na. Paasahin man niya ako o masaktan ako, wala na akong pakielam. I just want to feel it again, with him.

Write Me a HeartacheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon