Chapter 9

1.5K 51 5
                                    

Grace



Ilang beses akong kumurap at palihim na sumilip sa magkabila kong gilid dahil baka namamalikmata lang ako. Pero siguro nga ay nag-assume lang ako na sa akin siya nakatingin dahil nakita ko sa likod ko ang isa nilang SPA na kasamang umakyat ni Alvah kanina.

"Balik muna ako sa mga ka-region ko, kita tayo mamaya," paalam ko kay Alvah. Si Firene naman, nakita kong kausap yung isang lalaking kasama nila Alvah. Nakita naman niya ako kanina at ni-congrats niya na ako kahit na parang ibinulong lang niya sa akin. Tutal ay magkakasama naman kaming uuwi mamaya.

"Congrats, Sam! Ikaw pa lang nakakakuha ng first place sa atin. Congrats talaga."

Marami pa ang bumati sa akin at wala naman akong ibang masabi kung hindi thank you. Hindi ko naman sila talaga nakausap nang matagal noong training. Si Wayne ang lagi nilang kausap.

Natutukso nga akong i-text o tawagan si Nana Fe para ipaalam ang resulta ng NSPC pero hindi ko alam kung bakit para bang may pumipigil sa akin na gawin 'yon. Hindi naman bawal, pero... hindi ko talaga alam.

Pamaya-maya ay narinig ko na tumunog ang aking tiyan. Pagtingin ko sa orasan ay alas tres na ng hapon at tumigil na rin pala ang pag-announce sa stage.

"Bakit po huminto? Group category na po diba?" tanong ko sa isang SPA na katabi ko. Abala na kasi ang iba sa mga cellphone na hawak nila.

"Yes. Sa isang gymnasium ginanap ang awarding ng group categories. Mamaya i-aannounce yung top performing regions pagkatapos nila." Nagpasalamat ako matapos iyon. Sana naman mag-announce na dahil nagugutom na talaga ako.

Matapos siguro ang kalahating oras, pumasok sa loob ng gymnasium ang marami pang tao. Bilib na talaga ako sa laki ng gym nila, parang kahit gaano karaming tao kayang-kaya i-accommodate.

"Sorry to keep you waiting, delegates! Now, we have the results of the top performing regions of this year's NSPC." Panimula ng MC. Napasandal na lang ako sa railing na katabi ko dahil alam kong matagal tagal na naman bago talaga dumating sa main point ang mga host. Nakatayo rin sa harapan ngayon ang mga special guests, para siguro mag-abot ng mga certificates and trophies.

"Top 5 Performing Region, Region II."

Umulan ng palpakan sa loob ng gym ng tawagin ang unang region. Sigawan naman nang sigawan ang mga kasamahan namin.

"Hindi na masama, last year wala tayo sa top 5!" biro ng SPA sa amin. Ang umakyat lang ay ang mga SPAs at ibang high ranking faculty sa DepEd ng Region II.

Sa huli, pangalawa sa top performing region ang Region III at muli na namang nanguna ang CALABARZON. Bilib na talaga ako sa kanila. Ilang taon na kasi nilang hawak ang title at hanggang ngayon nasa kanila pa rin. Ang galing nilang mag-train ng mga writers at magaling silang pipili.

Nagsimula nang mag-uwian ang mga delegates maging ang region namin. Sa wakas, makakakain na kami.

"Hija, hindi ka sasabay pauwi?"

Napako ako sa aking kinatatayuan nang marinig ko 'yon. Gusto kong umuwi pero alam ko na may kailangan akong gawin dito.

"Hindi po. Uh, mayro'n pa po kasi akong kailangan kuhanin dito..."

"Ah, ganon ba. Sige. Mag-iingat ka. Congrats ulit."

"Thank you po, congrats din po sa inyo," paalam ko. Bumuntong-hininga ako at napahawak sa dibdib. "Uuwi rin ako," ang sabi ko sa sarili.

"Sam!" sigaw ni Alvah. Umalingawngaw ang boses niya sa buong gym kaya naman hiyang-hiya ang kasama niyang si Firene. Lumapit na rin ako sa kanila. Doon ko lang napansin na nakasunod pala sa kanila ang staffers ng NEU. Nanlaki ang mata ko.

"Okay, guys! Face me! I have an announcement." Umubo-ubo pa si Alvah na akala mo magsasalita ng napakahabang speech. Samantalang kami ni Firene ay hiyang-hiya para sa sarili namin. Lalo na sa akin, nararamdaman ko kasi ang mga tingin nila.

"As Vice President of Verdad, I hereby introduce you the newest member of our school publication, Samantha!" tuwang-tuwa niyang announce. Nag-angat naman ako ng tingin at napansin na wala na sa akin ang tingin nila–nasa tabi ko na.

Naramdaman ko ang ko ang pag-iinit ng tainga ko. Bakit? Bakit?

I mean, bakit nasa tabi ko siya? Binawi ko ang tingin ko sa katabi ko at dumiretso ng tayo. Pagtingin ko sa mga staff nila, parang naghihintay sila ng response mula kay President. Kaya naman napatingin din ako sa kanya.

"What? I wasn't serious," mahinang sabi nito sa akin. Sa akin?

Tumikhim ito bago nagsalita. "Okay, welcome her–"

"Welcome!" sabay-sabay na sigaw ng mga staff. Napangiti naman ako dahil doon.

"So..." parinig ni Alvah.

"Tara na sa club. Food is waiting there."

Kasing bilis ng pag-welcome nila sa akin, gano'n din sila kabilis na nawala nang dahil sa pagkain.

"Tara na, Sam! Paniguradong gutom ka na rin," sabi ni Alvah. Muli, hinila na naman niya kami ni Firene. Para akong nabuhayan ng marinig ko iyon kay Alvah.

Food, here we go.

Matapos ang nakakabusog na pakain ni President, tiningnan ko ang kabuuan ng silid. Parang dalawang silid yata ang classroom, pero may sliding door sa pagitan. Sa harap ay may dalawang table para sa SPA, mayro'ng 12-seater na table. May piles ng mga dyaryo sa gilid at ilang mga computers. Sa kabilang side naman ng room, na sa tingin ko ay isa pa ngang room, may kabinet doon at nakalagay ay beddings. Mayro'n ding mga box ng mics, mga speaker at ilang laptop. Sa dingding ay may mga pictures, mukhang kuha nila iyon sa mga nakaraang press conference.

Grabe, ang ganda ng club nila. Ganito rin naman sa amin pero ire-request mo pa ang mga kailangan kasi puro bago ang ipinagagamit. Magastos. Nang narating ko ang NSPC part ng mga litrato, napatingin ako sa kanya. Akala ko mayabang lang talaga siya pero...

"Yes, that's Grant Issachar Ortega. Mula grade 7 hanggang grade 10." Napahawak ako sa dibdib ko nang sumulpot ang isang babaeng mas maliit sa akin. Hindi ko kasi siya napansin na dumating.

"Uh, okay," sagot ko na lang sa kanya. Pero noon ko lang napansin ang sinabi niya.

Grant Issachar Ortega? Yung outstanding journalist for four years?! Muntik ko nang maitanong sa kanya. Pero mabuti na lang at napigilan ko ang sarili ko.

Maya-maya ay nasa harapan ko na rin si Alvah at nakikipag-usap na siya sa babaeng kausap ko. "Sam, si Missy. Missy si Sam. Hiramin ko lang siya, Missy ha. Kailangan niya na kasi mag-sign dito e," paliwanag ni Alvah. Tumango lang si Missy at sumama na sa mga kaibigan niya.

"Ano 'to?" tanong ko. Ibinigay niya kasi ang logbook sa akin na hawak niya kanina.

"Logbook 'yan for Verdad. Nakasulat dyan lahat ng profiles ng mga staff mula nung nabuo yung Verdad. So, tomorrow, magdala ka ng 2x2 picture mo. Ilalagay natin dito."

Medyo bumaba na ang energy niya kumpara sa kanina dahil siguro sa pagod.

"Pwede ko naman tignan muna ang ibang profiles diba?" tanong ko. Tumango siya at naupo sa katapat na upuan ko. After kong sagutan ang printed format na nakaipit, ginaya ko naman 'yong format ng naunang profile sa akin. Pinirmahan ko iyon at tiningnan ang mga naunang member ng Verdad kahit na medyo malabo na talaga yung pagkakasulat dahil na rin siguro sa tagal.

Pero napahinto ako sa isang profile.

Grace ang pangalan niya, at kamukha niya si Tita April.

Write Me a HeartacheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon