Chapter 4

1.8K 51 0
                                    

Hazel Orbs



Hindi na ako nagdalawang isip pa sa lahat ng mga gamit na dadalhin ko. Inuna ko ang kopya ng mga original documents tungkol sa akin kasama ang mga card, IDs, birth certificate at iba pa. Mabuti na lamang at nakalagay ang lahat ng mga iyon sa isang attache case, lihim akong nagpasalamat kay Nana dahil siya ang gusto na lahat ng mga bagay ay nakaayos nang mabuti.

Sunod kong inasikaso ang mga damit ko. Isang pares ng uniform, pang-alis, pambahay, panloob at lahat na. Kulang na lamang ay dalhin ko ang buong kwarto namin ni Nana. Kumpleto na ang lahat maliban sa iilang mga gamit na naiwan sa akin ng taong hahanapin ko.

Sinimulan kong hanapin ang kahon na iyon sa ilalim ng higaan, sa aparador at maging ang ilalim ng higaan ni Nana pero wala!

Napipikon na ako. Saan ko makikita 'yon?

Saan ba nilalagay ang mga hindi importanteng bagay? Sa basurahan? Pero importante 'yon, para sa akin. Hindi naman siguro nila itatapon 'yon... Unless nasa office ni Mayor? Nandoon lahat ng confidential files niya! Pero bawal pumunta doon!

Pero kahit na alam kong bawal ang gagawin ko, pinilit ko ang sarili kong tumayo.

Alam kong wala ngayong tao sa opisina nito lalo pa at Lunes. Nasa munisipyo ito at wala namang makakapansin sa akin dahil may kanya-kanya ring gawain ang mga kasambahay.

Nagsulat ako sa isang papel at inilagay iyon sa higaan ni Nana bago ako nagdesisyong lumabas. Naninikip ang dibdib ko dahil dito sa gagawin kong pag-alis. Pero kung wala naman siguro akong mapala, may babalikan pa naman siguro ako?

Habang hila-hila ang isang malaking bagahe at isang malaking bag, lumabas ako. Nagkagulatan kami ng isang kasambahay nang siya ang mapagbuksan ko ng pinto.

"Ay jusko ka! Para ka namang kabuti na pasulput-sulpot. Saan ba ang lakad mo at mukha kang maglalayas?" nakataas ang isang kilay nito habang kinikilatis ang dala kong mga bag.

"M-May ano po... May pupuntahan po kasi kaming laban sa school. A-Alam po ito ni Nana at ni Mayor..." pagsisinungaling ko. Naramdaman ko ang pagpula ng aking tainga dahil dito. Hindi niya pwedeng makita yon.

"Ah gano'n ba. Akala ko kung ano na ang nangyayari sa kwarto niyo d'yan."

Nakahinga ako nang maluwag pagkaalis nito. Muntik na akong mahuli. Mabuti na lamang at kaagad akong nakapagpalusot. Tahimik kong hinila ang aking bitbit at binilisan ang lakad ng makarating sa opisina. Wala pa ang isang minuto ay katapat ko na ang pakay kong opisina.

Sana lang walang ibang tao...

Ipinasok ko sa opisina ang lahat ng bitbit ko, hindi ko naman ito pwedeng iwan dahil baka may makahuli sa akin. Kinandado ko rin ang doorknob nito dahil baka may pumasok at maisumbong pa ako. Nagtaka nga ako kanina nang makita itong bukas.

Saan kaya ako maghahanap dito? Binuksan ko ang flashlight ng aking cellphone at nakita ang tambak na mga papel. Saan ako maghahanap? Saan?

Huminga ako nang malalim at kinalma ang aking isip. Hindi ako pwedeng mag-overthink ngayon. Kailangan kong makita ang mga gamit ko. I'm sure na may mga gamit doon na para sa akin. Kailangan ko 'yong makita.

Mabilis akong naghanap sa silid na iyon. Wala akong nakitang bag o kahit anong gamit pambata pero may nakita akong isang box. Sa mismong drawer ng table ni Mayor, may box pero may lock.

Kung sakaling nanay ko ang may ari ng box na ito, ano bang ilalagay kong password? Kung akin 'to, baka birthday ko ang ipassword ko. But the problem is... Ano bang birthday ng nanay ko? O baka birthday ni Mayor? Sinubukan kong ilagay ang birthday niya pero ayaw. Sinubukan kong baliktarin ang buwan, araw, taon at kung ano-ano pa pero hindi rin pumasok.

Huli na to. Hindi ko alam kung buhay na ba ako noong nilagay ang lock na ito pero bahala na. Inilagay ko ang birthday ko pero ayaw!

Ayaw ko na! Pero huli na talaga 'to. Saktong pagpindot ko ng huling numero ay bumukas ang box.

Gusto kong magmura. May mga papel doon at isang lampin na may burda. Masyadong mala-teleserye pero 'yon talaga ang nandito. Hindi ko na na-check pa ang ibang laman noon at kaagad na iyong isinilid sa maleta ko.

Lalabas na sana ako pero biglang narinig ko ang pinto na para bang binubuksan ng kung sinong nasa labas. Gusto ko ulit magmura pero pag nahuli ako dito, yari ako.

Nagpatuloy ang pagbubukas ng pinto hanggang sa may narinig akong tunog ng cellphone. Sinagot iyon ng tao sa labas hanggang sa humina nang humina ang boses nito. Iyon ang naging cue ko upang lumabas ng opisina. Basang-basa ako ng pawis. Daig ko pa ang ikinulong sa isang oven dahil sa lakad-takbo na ginawa ko marating lang ang gate.

Huling sulyap sa mansyon ang aking ginawa at napailing. Maaaring ito na ang huling beses ko na tumuntong dito pero hindi naman ako nagsisisi na aalis ako.

Kasi kahit hindi naman ako umalis, alam ko... Alam ko na aalis din ako dito.

Ang sabi sa akin ni Wayne, magkita raw kami sa rooftop ng building na pinanggalingan namin kanina. Nakasalubong ko pa ang ilang mga teachers ko at ginu-goodluck nila akong lahat dahil ang alam nila ay pupunta lang ako sa Nueva Ecija para sa training at laban namin.

Pagdating ko kaya doon at nagsimula na ang paghahanap ko sa nanay ko, makakapag-aral kaya ako? Baka nga hindi ako mabuhay doon, pero... Bahala na.

Pagtapak ko sa rooftop ay para akong liliparin. Paanong hindi kung ang sasalubong sa akin ay isang chopper?!

"Tara na!"

Medyo hindi malinaw ang pagkakasabi ni Wayne noon pero parang tinatawag niya ako. Pero sa sobrang lakas at bilis ng pag-ikot ng blades ng chopper, hindi ako makakilos.

Napilitan itong bumaba at bitbitin ang gamit ko papunta sa chopper. Nang maisuot na ang dapat isuot sa amin, may binaggit na coordinates ang piloto at doon na nga nagsimulang pumalaot sa himpapawid ng sinasakyan namin.

"Samantha." Tinapik ni Wayne ang aking mukha. Bigla naman akong na-conscious dahil sa lapit ng mukha nito sa akin. Nag-init ang aking mukha. Mabuti na lang at naisip nitong lumayo.

"Nasaan na tayo?"

"Nueva Ecija."

Sigurado akong nasa isang oras o mas mabilis pa kaming nakarating dito. Ang alam ko ay kapipikit-pikit lang ng mata ko pero bigla ay narito na kami. Kung nag-travel by land siguro kami ay baka inabot kami ng pito hanggang walong oras. Nakakapagod pa naman iyon.

Inisa-isang ibinaba ang mga gamit namin. Tinawanan pa nga ako ni Wayne at sinabing para raw akong hindi na babalik sa Santiago dahil sa sobrang dami kong dala... Kung alam mo lang.

"Nasaan nga pala tayo?" tanong ko. Pinapanood namin ang chopper na papaalis na dahil gagamitin pa raw ito ni Senator.

Nauuna ito sa paglalakad habang dala-dala niya ang maliit niyang bagahe at ang sa akin. Parang ang dali-dali noon para sa kanya kahit mabigat.

Kinilig ako bigla nang lumingon ito sa akin. Aaminin ko na gwapo talaga siya... Kahit na nasa 17 o 18 palang siya ay para bang binata na talaga ang dating nito.

Pumihit ito paharap sa akin habang patuloy ako sa paglalakad, at siya naman naglalakad paatras.

"We are at Nueva Ecija University where NSPC will be held." Kinindatan ako nito at nagwala ang mga kulisap sa aking tiyan. May nakain yata akong hindi maganda. Mas nagkaroon ako ng maraming oras para titigan siya. Laging nakangiti ang mga mata nito at ang kapal ng kilay, idagdag pa na malalantik din ang pilikmata niya. Matangos din ang ilong niya saka pula ang labi niya.

Gusto kong saktan ang sarili ko ng mga oras na yon para matigil ang pagsuri ko sa kanya at nang matauhan ako sa mga naiisip ko.

"Wow!"

Hindi ko alam kung sinabi ko ba iyon sa kanya bilang tugon sa sinabi niya o sa kanya ko ba talaga iyon sinabi.

"Saan tayo tutuloy?" tanong ko habang maingat na bumababa sa hagdan. Mabuti nga at walang tao dito sa banda rito ng building.

"Hindi mo talaga ako mahintay na masolo ano? We'll stay at Harvest," tumatawa nitong sabi, halatang nagbibiro.

The moment I've stepped my feet on the last step of the stair, I've seen the coldest hazel orbs I didn't know I will never forget. 

Write Me a HeartacheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon