Those Eyes, Again
Kaagad kong kinuha ang ilang mga gamit na maaari kong dalhin papunta sa Nueva Ecija. Unti-unti akong kinakain ng kaba ko at kung ano-ano ang naiisip ko. Paano kung saan na napunta si Gift? Paano kung may kumuha nga sa kanya? Paano pag nasa kamay siya ng mga napapadala ng death threats?
Lord, please keep my sister safe...
Matapos kong ayusin ang gamit ko at ang aking sarili, ilang beses akong huminga nang malalim para kumalma. I want to blame her babysitter, but I know blaming won't help us find her. Hindi ko alam sa paanong paraan ko pakikiusapan ang sarili ko na huminahon.
Dala ang aking maliit na bag ay lumabas ako ng kwarto. Sa sala ay naghihintay si Wayne na kalmado pero abot ang pindot sa kanyang cellphone.
"Coordinates?" rinig kong tanong niya sa kabilang linya. Hindi na ako nag-abalang umupo at nagparit-parito lang ako sa harap niya. Hindi ako mapalagay. Natatakot ako na baka kung ano na ang nangyayari kay Gift ngayon. Dapat sumama na lang ako sa kanila. Kasalanan ko.
"Sam, calm down. We are doing everything to find her, okay? Calm down," pagpapaalala ni Wayne sa akin. Naupo ako sa sofa at napasabunot sa aking buhok. Gift... Sana may makakita sa kanya kagaya ng nangyari sa akin noong umalis ako papuntang Nueva Ecija. Lord, please...
"Hindi pa ba tayo aalis?" nag-aapura kong tanong. I just can't sit here and pretend that there's nothing going on. Hindi ako pwedeng walang gawin.
"Wala pa ang chopper. Ginamit daw ni Dad kanina para humabol sa campaign."
Napapikit ako. Nagulat naman kami ni Wayne nang bumukas ang pinto at pumasok doon si Ma'am Alvarez, ang ina ni Dad.
"Where's my apo?" nag-aalalang tanong nito sa amin. Nagkatinginan kami ni Wayne at napayuko.
"Hindi po namin alam..." sagot ko. Bumilang ako ng tatlo at hinintay ang sasabihin nito sa akin.
"Wala kang silbi. How come you don't know where is my grandchild? If something happens to her—"
"Yes, it's my fault! Okay na po ba?" sagot ko rito. Hindi na 'to bago sa akin. Lahat kasalanan ko. Lahat. Hindi ito nakapagsalita at nakipaglaban lang ng tingin sa akin. One thing I've learned in my six years of staying in this mansion is that I will never be accepted by my own father's family. Ewan ko ba. Ang bigat-bigat ng loob sa akin ni Ma'am Alvarez.
"Kasalanan mo talaga. Simula nang bumalik ka—"
"Let's go."
Tumayo ako at iniwan na ang ginang sa loob. Natigil din ito sa pagsasalita nang tumayo ako. Right now, her words are the least of what I need. Ayaw kong tuluyan kong makalimutan na nanay siya ng tatay ko. I have to go before I lose all my respect to her. Napailing na lang si Wayne na tumayo at sumunod sa akin papalabas ng pinto.
Saktong pagdating namin sa building na paglalandingan ng chopper ay dumating kaagad iyon. Bumalik sa akin lahat ng mga pinaggagawa ko six years ago. My quest, bonds, tears, and everything—even my feelings.
Nakakalungkot lang dahil ang magiging dahilan pa ng pagbalik ko ay pagkawala ng kapatid ko.
"Sam, come on," aya sa akin ni Wayne. Umibis na ang piloto at naupo sa pinaggalingan nito si Wayne.
"Magpahinga ka muna."
May sinabi si Wayne sa mic na hindi ko gaanong naintindihan pero may narinig akong coordinates at iba pa. Habang lumilipad ang chopper papunta sa Nueva Ecija ay hindi ko maiwasang kabahan. Hindi ko alam kung bakit pero alam kong iba 'to sa kabang naramdaman ko noong nawala si Gift. It was something else... and I'm afraid to know what it is.
BINABASA MO ANG
Write Me a Heartache
Short StorySamantha Gabrielle Torres has been seeking for answers why her mother did not return after seventeen years. Now that her father is about to marry, she would risk everything just to find and be with her. But what if she finds something else? Love...