Nanay
Sunod-sunod ang naging pag-ring ng cellphone ni Grant ng mga oras na iyon. Kami namang lahat na nandoon at nakakita ng mga pangyayari ay napatitig na lang sa kanya habang kinukuha niya iyon sa kanyang bulsa. Pagtingin niya sa screen ng cellphone ay kaagad niya iyong itinago mula sa amin.
"Sorry, I have to go," paalam nito sa kanila. Hindi na niya ulit tinangka na tumingin sa akin matapos iyon. Nanatili ang titig ko sa kanya habang siya ay pababa. Hanggang sa mawala siya sa paningin namin ay wala pa ring nagtangkang magsalita. Kahit na sobrang ingay ng nagwawalang mga tao sa baba dahil sa pagkanta ng sikat na banda, maririnig pa rin ang katahimikan sa kung nasaan kami.
"Magsi-CR lang ako," paalam ko sa kanila at mabilis na bumaba sa spot.
Habang naglalakad ay may ilang taong napapatingin sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay alam nila ang nangyari sa amin doon sa taas dahil elevated iyon sa mga tao. Parang gusto ko tuloy magpalamon sa lupa dahil sa kahihiyan.
Nang makarating ako sa CR ay nakipagtitigan ako sa aking sarili sa salamin. Aaminin kong natuwa ako sa ginawa niyang paglapit sa akin pero kung gaano ako kasaya ng mga oras na 'yon, gano'n din ang naging balik sa akin noong tumalikod siya at nagpaalam na aalis sa kanila.
"May mas masakit pa dito, Sam. Kalma."
Medyo nahihirapan na naman kasi akong huminga kaya nag-inhale at exhale na lang ako hanggang sa gumaan ang pakiramdam ko. Nang masiguro kong maayos na ang pakiramdam ko, nanatili pa ako ng ilang sandali. Maririnig pa rin ang boses ng kumakanta sa stage.
"No need to cry out loud
Nothing to cry about
Baby, it's alright."
Inulit ko ang narinig kong lyrics ng kanta. Hindi ko maipaliwanag pero dahil sa lyrics na 'yon parang nagkaroon ako ng lakas ng loob na bumalik sa kung nasaan sila. Pakiramdam ko talaga napahiya ako, hindi lang sa kanila pati na rin sa sarili ko.
Pagkabalik ko sa spot ay wala na ang guest na band sa stage. Isa-isa na ring naglalabasan ang mga tao at kung papansinin, hindi naman na pala gano'n karami ang mga tao kumpara noong simula.
"Sam, ano, kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ni Al sa akin. Ngumiti ako.
"Okay lang..." sagot ko. Pero sa tanong niya na 'yon parang lalo lang akong na-down. Ayaw ko talaga ng tinatanong ako sa nararamdaman ko.
Naghintay kami nang mahigit kalahating oras bago nakalabas ang lahat ng mga outsiders. Naiwan naman kaming mga taga-NEU dahil kami ang responsable sa pagliligpit ng mga gamit na ginamit namin. Tahimik lang kaming nagligpit at awa ng Diyos, wala namang nagbanggit ng nangyari. Natapos kaming magligpit mga bandang alas dos ng madaling araw.
Kinabukasan, maaga akong umalis ng bahay at kay Tita Rhea lang nagpaalam dahil tulog pa si Fi at mas lalo naman si Al. Nag-tricycle lang ako papunta sa BPI dahil may kalayuan na iyon sa tinutuluyan ko. Pagkarating doon ay kaagad akong nag-check ng balance at nag-withdraw ng pera. Ibig ko ngang maiyak nang makita na magkano na lang pala ang ipon ko. Kailangan ko na talaga humanap ng trabaho, kung hindi ay hindi na ako makakapasok sa school. Buti nga public lang ang NEU kung hindi... baka mas mahirap pa ako sa pulubi.
Napahinga na lang ako nang malalim at sinubukang mag-ikot sa palengke. Hindi naman kasi ako pamilyar dito, si Firene ang laging kasama ko pag may bibilhin kami dahil magaling siya sa mga direksyon. Inutusan din kasi ako ni Tita na mamili ng stock namin sa bahay dahil hindi siya makapag-grocery dahil medyo dumami ang trabaho niya ngayon. Ang kwento niya kasi ay nagkaroon ng emergency ang boss nila at bilang secretary, sa kanya napunta ang mga 'yon.
Pilit kong inalala ang mga tinitinnan ni Fi kapag bumibili siya ng manok at baboy kaya naman habang iniisip ko ang mga iyon ay dinutdot ko ang mga laman gamit ang daliri ko.
"Magkano po ito?" tanong ko sa hawak kong isang kilong manok at baboy pagkaalis ng babaeng nauuna sa sinusundan ko. Matapos naman niyang sabihin ang presyo sa akin ay kumuha ako ng pambayad sa bulsa ko, doon ko kasi nailagay ang kinuha kong pera kanina. Kaya ang laman lang ng bag ko ay ang cellphone ko.
"Hija, nakalimutang kuhanin ng nanay mo ang sukli niya."
Inabot sa akin ng matandang babae ang sukli umano ng babae pero nabagabag ako dahil parang may mali yata akong narinig mula sa sinabi niya.
"Ano po?" tanong ko.
"Sukli ng nanay mo, hija." Pilit pa ring isinasarado ng Lola ang ang mga daliri ko para hindi malaglag ang pera na inipit niya doon.
"Po? H-Hindi ko po nanay 'yon," sagot ko pero abot ang kabog ng dibdib ko. Parang wala na akong ibang naririnig kung hindi ang salitang nanay at ang sobrang bilis na tibok ng puso ko.
"Ay gano'n ba, pasensya na, matanda na kasi ako."
Kinuha nito muli ang sukli sa akin. Balak kong habulin ang babae kanina pero hindi naman ako pinapayagan ng pagkakataon.
"Saan po bang gawi pumunta yung babae, Lola?" pagtatanong ko pa. Nagba-baka sakaling maabutan ko pa ang babae para makumpirma kung sino iyon.
"Hindi ko sigurado, ine." Bumalik na ito sa ginagawa at hindi na ako pinansin pa dahil marami rin siyang costumer.
Mama naman, kung magpapakita ka na, i-inform mo naman ako.
Bigla ay may kumalabit sa akin. Dahan-dahan pa akong humarap dahil sa pag-aakalang kung sino iyon.
"Holdap 'to," sabi ng isang lalaki at tumakbo papalayo sa akin. Hindi pa ako nakapag-react kaagad dahil sa gulat pero nang matauhan ako ay kaagad akong humabol. Hindi pwedeng mawala ang cellphone ko! Nando'n ang contact ko sa amin at ang mga nakuha kong lead kay Mama!
"Kuya akin na 'yang bag ko!" sigaw ko. Doon naman natauhan ang mga tao at sinubukang hablutin ang lalaki pero sobrang bilis nitong tatakbo. Sakto naman at may nabangga itong kung sino kaya napaupo ito. Binilisan ko ang pagtakbo kaya nagawa ko itong abutan.
Iyon nga lang, napakarami talagang mga bagay na hindi natin inaasahan. Hindi ko napansin na may hawak pala siyang patalim kaya naman nang iwasiwas niya iyon para walang makalapit sa kanya ay naabot ako noon sa braso ko at saka ako malakas na sinipa sa sikmura.
Ang ipinagpapasalamat ko lang sa mga oras na 'yon ay ang pagkakabawi ng bag ko bago pa mandilim ang aking paningin.
BINABASA MO ANG
Write Me a Heartache
Short StorySamantha Gabrielle Torres has been seeking for answers why her mother did not return after seventeen years. Now that her father is about to marry, she would risk everything just to find and be with her. But what if she finds something else? Love...