Pag-uwi namin kagabi ay tulog na si Gift. Natatawang nagkukwento si ate Say sa amin na tanong daw nang tanong si Gift kung kailan lalabas si mommy at ang baby sa ospital hanggang sa makatulog ito.
Hinayaan ko ring magpahinga si Grant dahil alam kong agad-agad din ang naging pagpunta niya rito. Nakakahiya mang aminin pero nadismaya akong hindi nangyari ang pinapangako niya.
Kaya kinabukasan, nagbubunyi pa rin ang kalooban ko dahil sa mga pangyayari kahapon. Pakiramdam ko nasa langit ako.
Paglabas ko ng pinto ng aking kwarto ay nakatayo si Grant sa tapat noon. I blushed. What the hell?
"Good morning!" Bati ko upang pagtakpan ang kilig na nararamdaman. Kung ganito ba naman kagwapo ang bubungad sayo tuwing umaga, I wouldn't mind, lalo na at kung si Grant iyon.
He smiled. Shit. Dumadalas ang ngiti niya. He leaned forward and placed a kiss on my forehead.
Oh my. Umagang-umaga pero kung ano-ano ang pinaparamdam niya sa akin. He pulled me in a hug and kissed the top of my head.
"I love you." I stared into his hazel eyes and felt myself drown. Nakakahipnotismo.
Hindi siya sumagot. Hinawakan lang niya ang kamay ko at kinabig pasara ang pinto.
"Aalis ka?" Tanong niya. Tumango naman ako. Inalalayan niya ako papababa sa hagdan. Nakaupo na doon sa dining table si Gift at nandoon ang mga magulang ni Dad.
Nope. I'm not eating with them. Hanggat hindi pa nila kami napapansin, hinila ko si Grant pabalik sa kwarto.
"You forgot something?" he asked. Paulit-ulit naman akong umiling. I just... I don't want him to see how my grandparents treat me. Baka ma-turn off siya sa akin kapag sumagot ako. I don't want that.
Sinara ko ang pinto. Nang tignan ko siya ay nakatingin siya sa akin.
"Is there a problem?" He asked. Sumenyas siya sa akin na lumapit ako and so I did. Nang makalapit ako ay hinila niya ako at pinaupo sa kanyang hita. Shit. Mali yatang hindi kami bumaba.
Automatically, ikinawit ako ang braso ko sa kanya. Napatingin ako sa kalendaryo at natauhan.
"Is there something wrong?" Nag-aalala niyang tanong.
Shit. Birthday niya ngayon.
"It's your birthday today..." I said. Bakit nakalimutan ko? Napaka-walang kwenta kong girlfriend!
"And?"
"Uhm... Happy birthday?" Hindi ko siguradong sabi. I don't even know what to do. Unang birthday niya na magkasama kami, and for the last six years, all I did was greet him a happy birthday through my heart and wished to be with him again.
"You're not sure?" Muli niyang tanong. Niyakap niya pa ako papalapit sa kanya kaya isinandal ko ang ulo ko sa kanyang balikat.
"Happy Birthday, Senate." I whispered in his ear. At dahil nga nakapatong ang aking ulo sa kanyang balikat hindi ko matanaw kung ano ba ang reaksyon niya.
"Just happy birthday?" he teasingly said. "Mahal kita." I added. Lalong humigpit ang hawak ko sa kanya nang magpatibuwal siya sa higaan dahil akala ko ay malalaglag ako.
"It sounds better than I love you." He whispered back. Nakahiga ako at katapat ng aking mukha ay ang gwapo niyang mukha.
"Walang I love you too?" Tanong ko sa kanya. Bahagya siyang tumawa at inayos ang nagulo kong buhok. Naghihintay ako ng sasabihin niya pero hindi naman siya nagsalita.
"Hmp. Tara na nga. Aayusin ko na ang transfer ko sa ERB para makauwi ka na."
Para akong bata na naagawan ng candy. Sana pala sinulit ko ko na yung mga I love you niya kagabi. Malay ko ba kasing hindi nya na ulit 'yon sasabihin.
"Nagtatampo ka ba?" He laughed. Hindi ko siya pinansin at umirap. But the second I closed my eyes, I felt his lips on my neck.
"Uy bawal 'yan..." It almost sounded like a cry. What the hell talaga. Tinulak ko ang dibdib niya palayo pero sobrang labag 'yon sa kalooban ko.
"You want me to go?" He asked seriously. No. "Yes. Please?"
Tumayo siya at nag-iwas ng tingin. "I'll get my things." he said. Kaagad siyang naglakad papunta sa pinto at ako naman ay nagpanic.
"Hindi ganon! Grant naman..." Humabol ako sa kanya at niyakap siya mula sa likod. Ngayon lang talaga ako nagpapasalamat na matangkad ako dahil kaagad akong nakahabol sa kanya.
"Meron ka ba?" I joked. Pero sana hindi ko na lang 'yon sinabi. Bakit ba badtrip 'to? Okay naman kami kanina ah.
"Hey..." Tawag ko sa kanya. Mas maganda ba yung pinto sa akin? Bakit ba ayaw niya akong tignan?
"I'm going back to Nueva Ecija." He said. Napanguso ako.
"Akala ko hihintayin mo ako?" Did he realize he doesn't want me anymore? Ano, ayaw niya na? Lumuwag ang yakap ko sa kanya.
Hindi pa rin siya nagsasalita. Umikot ako at pumunta sa harap niya.
"May problema ba?"
"Ang gulo mo." Masama ang tingin niya sa akin. Ako naman ay napakunot ang noo.
"Anong magulo na naman?" Nagtataka kong tanong. "I just said I love you tapos... Ikaw nga hindi ka nag-I love you too tapos ako pa magulo..." I reasoned out pero masama pa rin ang tingin niya sa akin.
"You said you want me to go and now you want me to stay."
"Pinaalis ba kita?"
"Yes."
"Oh, God." Hindi ko makapaniwalang sabi. "How about your promise last night kung uuwi ka." I mumbled.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Humawak ako sa kanyang balikat at tumingkad upang maabot ang mga labi niya.
"I love you, okay. Hindi kita pinapaalis. Bakit ko paaalisin ang boyfriend ko?" I asked him when our lips parted. He didn't answer, and to my surprise he pulled my nape and kissed me like there's no tomorrow.
Oh my. I wanted to scream in delight dahil sa galing niyang humalik. His tounge invaded my mouth like he owns it and I just let him. Ang kabila niyang kamay ay nasa aking bewang at hinihila ako lalo papalapit sa kanya.
Nang natapos ang halik ay tumitig ako sa kanya. "What... What birthday gift do you want?" I breathed. Pilit hinihabol ang aking paghinga.
"Marry me."
BINABASA MO ANG
Write Me a Heartache
Short StorySamantha Gabrielle Torres has been seeking for answers why her mother did not return after seventeen years. Now that her father is about to marry, she would risk everything just to find and be with her. But what if she finds something else? Love...