Chapter 19

1.3K 46 0
                                    

April Jimenez



Hindi lang naman siguro sila Grant ang Ortega sa Cabanatuan, hindi ba? Paulit-ulit na naglaro sa isip ko ang tanong na 'yon. Okay, hindi lang sila Grant ang Ortega dito pero ilan ba sa lahi nila ang nanganak? At gaano din ba kalaki ang chance na magkaroon ng same na initials ang lahi nila? Ang sakit sa ulo isipin. Bakit sa mga ganitong oras ako gumagaling sa concept ng probability sa Math?

Pagkatapos i-announce ng Nurse na iyon ang pangalan ng asawa ni Ma'am Sav kahapon, nagpaalam na rin kami. At hanggang sa makauwi kami hanggang ngayon na nangunguha ako ng sampay na nilabhan ko noong isang araw, iniisip ko pa rin kung related nga ba sila dahil napakalaki ng chance. Ang liit ng mundo. Nahihiya naman akong magtanong kay Tita Rhea dahil baka sabihin niya na... interesado ako.

Pero kung parents nga talaga ni Grant ang mga 'yon, bakit wala siya? Kasi diba, pag may isang member ng pamilya sa ospital natural na nagbabantay. Ang galing mo talagang magdahilan, Samantha. Kaagad ko namang kontra sa naiisip ko.

Pero, kamusta na nga kaya siya?

Matapos kong kuhanin ang lahat ng mga damit ko ay pumasok na ako sa kwarto dahil nakakapaso na ang init ng araw kahit mahangin. Itinupi ko ang mga iyon at isinalansang mabuti sa maliit na kabinet katabi ng higaan ko. Naisipan ko ring ilabas ang ilan ko pang gamit sa maletang dala ko noong NSPC.

Sunod-sunod ang naging pagbahing ko matapos kong hilahin ang maleta ko sa ilalim ng higaan. Sabi ko kasi noon ay ilalagay ko iyon sa malaking garbage bag pero hindi ko na rin naman naasikaso dahil napakarami kong pinagkaabalahan nitong mga nakaraang linggo at nawala rin talaga sa isip ko.

Binuksan ko iyon at bumungad sa akin ang mga damit, mga documents ko saka isang box. Bakit ngayon ko lang naalalang buksan ang maleta ko? Edi sana...

Naputol ang aking pagmumuni-muni noong marinig ko ang malakas na pagtawag ni Alvah sa akin. Kanina pa kasi nandoon si Firene dahil may ginagawa siyang project nila. Doon siya gumawa dahil hindi kasya ang pine-paint niya rito sa loob.

"Sam! Kain na!"

Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa tuwing may gagawin ako na related sa paghahanap ko kay Mama ay lagi na lang akong naaabala. Pero hindi pa nga siguro ngayon. Baka mamaya.

"Papunta na!"

Dali-dali akong nagpunta sa bahay ni Tita Rhea pero pagdating ko doon ay wala naman palang pagkain dahil umalis si Tita. Nagkatinginan kaming tatlo dahil ang alam ko lang naman lutuin ay ang mga piniprito.

"Sam, sige na. Magluto ka na," pamimilit ni Alvah na kanina pa gutom na gutom.

"Al, hindi nga niya pwedeng iprito 'yong baboy na natira."

"E kung kayo na lang kaya ang kainin ko?"

Mukhang wala na sa katinuan si Al dahil kung ano-ano na ang sinasabi niya. Sa huli nagkasundo kaming sa labas na lang kami kakain para ligtas ang lahat at siguradong mabubusog kami.

"Kung doon na lang tayo kumain sa malapit sa NEU?" suggestion ni Firene. Si Al kasi nag-aaya sa Jollibee dahil ang dami niyang gustong kainin pero dahil nagtitipid kami ni Fi, hindi siya nanalo. Kaya pagdating namin sa canteen malapit sa school, sinabi nila sa akin na sila na lang daw ang mag-o-order ng kakainin namin. Pumayag naman ako dahil medyo mahaba ang pila.

"Huwag kang aalis d'yan. Pag nakita kong wala ka d'yan, itatali kita," pagbabanta ni Alvah. Hinila naman siya ni Firene dahil lalong dumarami ang tao.

Nakatingin lang ako sa labas nang mahagip ng mata ko ang isang black na Ford na huminto sa tapat ng canteen. Bigla kong naalala si Mayor. Aaminin ko, medyo nami-miss ko siya. Kahit naman kasi normal na anak at ama ang turingan namin, paminsan-minsan nararamdaman ko rin naman na may pakialam siya. Iyon nga lang... once in a blue moon lang kung iyon ay mangyari.

Kamusta na kaya siya? Sana sinubukan niya akong hanapin kahit minsan, kahit isang beses man lang.

Kamusta na kaya ang kasal nila ni Tita April? Dito sa Cabanatuan palagi akong napagsasabihan na kamukha ko siya. Siguro dahil iyon sa haba ng buhok? Plano ko kasi noon na magpagupit bago ang taon pero hindi ko naman nagawa dahil nga sa mga pangyayari. Magkasing-haba nga kami ng buhok lalo ngayon at umabot na 'yon sa aking bewang. Biniro pa nga ako non ni Nana Fe na papasa kaming mag-ina.

Tinitigan ko pa ang sasakyan pero umalis din iyon matapos ang ilang minuto. Sakto naman at pabalik na sila Firene kasama ang isang stick na may nakadikit na number sa halip na pagkain. Marami rin talaga kasi ang kumakain dito dahil masarap din ang mga luto nila.

"Parang gusto ko magpagupit," sabi ko sa kanila. Nanliit naman ang mata ni Al at inilapit ang mukha niya sa akin.

"Aminin mo nga sa akin, gusto mo si ano, diba?"

Parang gusto kong masamid ng mga oras na yon. Namula na naman ang leeg ko dahil naramdaman ko na naman ang init.

"H-Hindi ah," sagot ko sa kanya. Tumingin lang ako sa labas para makaiwas sa tingin niya.

"Weh? Gusto mo siya e," pang-aasar pa ni Al. Napakunot naman ang noo ni Firene dahil mukhang hindi niya narinig ang tanong ni Al.

"Sino ang hindi gusto?"

"Si Grant."

Naghugis-O ang bibig ni Alvah at tumawa nang tumawa. Hindi naman namin siya ma-gets ni Fi dahil sa reaksyon niya. Pinabayaan na lang namin ito hanggang sa kumalma siya.

"Ngayon sigurado na ako. Sige, mag-gugupitan tayo sa bahay mamaya."

Tinapos namin ang pagkain namin nang dumating iyon. Excited na umuwi si Al dahil tuwang-tuwa siya dahil gugupitan niya raw ako. Hindi ko alam pero natatakot na ako sa magiging resulta. Kaya pagdating namin sa bahay, kumuha siya ng ruler, gunting at isang spray at nilagyan iyon ng tubig.

"Okay, diretso ka ng upo. Tandaan mo, pag pumaling 'to, hindi ko kasalanan. Pag pumaling 'to, kasalanan mo," paninisi kaagad ni Alvah sa akin. Pa-simple akong nanalangin na sana ay maging pantay ang gupit niya.

"Trim lang! Two inches, pwede na!" paalala ko. Nanonood din sa amin si Firene na para bang nauuna pang magsisi kaysa sa akin.

Noong simulan ni Al na gupitan ang buhok ko, hindi talaga ako gumalaw kahit pa ngawit na ngawit na ako dahil sa takot na baka pag-gumalaw ako kahit kaunti ay may masamang mangyari sa buhok ko.

"Kaunnti na lang pantay na," paulit-ulit niyang naging linya iyon hanggang sa naramdaman ko na lang na ang haba na lang ng aking buhok ay hanggang sa ilalim ng aking balikat dahil tumutusok ang dulo no'n sa akin. Para akong maiiyak. In the first place, bakit nga ba ako pumayag?!

"Ayan, pantay na!" sigaw niya sa amin. Nang silipin ito ni Firene ay napailing siya.

"Kailangan na natin si Tita Rhea o kaya naman tara na lang magpagupit sa parlor," suggestion ni Firene. Pero ewan ko, hindi naman ako nanghinayang sa buhok. Sa totoo lang, magaan nga sa pakiramdam. Ipinusod ko muna iyon dahil sobrang halata raw na hindi pantay ayon kay Fi. Chineck ko iyon sa salamin pero hindi ko masyadong makita.

Pagdating sa parlor ay sumigaw ang isang bakla na maraming kulay ang buhok.

"Mga vhakla! April Jimenez in the house! Charot!"

Kaagad kaming nagkatinginang tatlo at tinanong sa staff kung ano ang babagay na gupit sa akin. Matapos niya akong titigan ay ngumiti siya nang pagkalaki-laki. Habang ginugupitan niya rin ako ay naikwento niya ang talambuhay niya lalo na kung saan niloko siya ng boyfriend niya. Nalaman ko rin na ang pangalan niya ay Jason.

Pamaya-maya ay inutusan niya akong pumikit kahit kita ko naman sa salamin na hangang ilalim ng tainga ko ang itinira niya sa buhok ko.

"Bongga! Luz Valdez ang beauty ng iyong Ma-ma!" sigaw nito na medyo pakanta.

"Mama?"

"Oo, kay April Jimenez! Charot!"

Write Me a HeartacheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon