Chapter 14

1.4K 46 2
                                    

Interview



Mas naging madali ang lahat para sa mga estudyante nang i-lift na ng mga strand head ang klase dahil ngayong linggo na ang concert. Balita ko pa ay nakapag-imbita sila ng isang sikat na banda pero hindi pa niri-reveal kung sinong banda iyon. Tutugtog din ang bandang nanalo raw noong Year End Party nila. Kaya kahit nakakapagod maging utus-utusan ng mga teachers at ni Grant, okay lang dahil super awaited naman ng inaayos na concert ng lahat.

Habang naglalakad sa hallway papuntang classroom ay sumilip ako sa bawat kwarto. Wala na sa ayos ang mga upuan. Kung hindi naman nakapaikot ay nasa labas ang mga chairs pero nakasalansang mabuti ang mga iyon. Nakita ko ang mga lanterns—na hindi naman talaga lanterns dahil hindi naman lumilipad, more like isang parol na parang lantern—na ginagawa nila.

Balita ko nga ay sa oval gaganapin ang concert, dahil sa dami ng mga estudyanteng a-attend. Hindi lang naman kasi senior high school ang aattend at pwede rin ang juniors. At isa pa, lahat ng schools ay pwedeng um-attend.

"Hello, pwede mo ba kaming tulungan mag-decorate nito?" bungad sa akin ng isa naming kaklase pagkapasok ko pa lang ng room. Sa amin pala napunta ang heart na nasa gitna ng ipinakita sa aming layout. Bakal ang gilid noon at ang mga nakakabit naman sa bawat gilid-gilid noon ay halo-halong shade ng pink at red na cartolina. Siguro ay 40% palang ng kabuuan ng heart ang natatapos nila at sobrang detailed ng ginagawa nilang mga bulaklak na ididikit.

"Grabe ang ganda. Ang tiyaga niyo!" puri ko sa ginagawa nang makalapit ako. Ang iba ay busy rin sa ginagawa pero tahimik lang ang lahat. Siguro ay dahil wala ang mga magugulo naming kaklase.

"Kailangan e, kami ang na-assign dito. Saka nakakahiya naman na makikita ng iba na hindi maganda ang gawa natin, diba?" nag-agree ang lahat sa sinabi ni Abby at nagpatuloy na kami sa paggawa.

Kapag nag-uusap sila ay hindi nila ako ina-out of place kaya naman natuwa ako. Iyon nga lang, medyo hindi na okay noong nalagay na ako sa hotseat.

"Gandang-ganda talaga kami sayo, kamukha mo si April Jimenez na mas pinabata."

"Speaking of, balita ko ikakasal na siya sa Mayor ng City sa Region II e," pagkukwento ni Allana habang abala pa sa pagdidikit ng mga cartolina. Medyo nanikip ang dibdib ko nang maalala si Mayor. Kamusta nga kaya siya? Hinahanap niya ba ako?

"Gano'n naman lagi e, siguro tatakbo ng mas mataas na position 'yong Mayor kaya gano'n."

Napahinto ako sa ginagawa at sumulyap kay Kaye na ipinagpapatuloy lang naman ang ginagawa at parang wala siyang sinabi. Ipinagpatuloy ko na lang din ang ginagawa at hindi na nagsalita dahil akala ko ay tapos na ang usapan tungkol sa akin.

"Pero nagtataka kami, hindi ba at participant ka ng NSPC? Bakit bigla ka namang lumipat dito?" pagtatanong ni Allana. Lahat sila ay huminto sa ginagawa at tumingin sa akin na para bang naghihintay ng sagot.

"Ano, nandito si mama e," sagot ko. Nang mukhang magtatanong sila ng follow up question ay sinabi ko na– "Hiwalay sila." Nagtanguan silang lahat at para bang nalungkot sa sinabi ko.

"Taga-Nueva Ecija ba kayong lahat?" sabay-sabay silang tumango at bumalik sa ginagawa. "Uhm, may kilala ba kayong Grace na dito nag-aral?" tanong ko. "Ano, nakalimutan ko kasi yung apelyido pero ka-batch nila Mama 'yon. Magkakaroon kasi sila ng reunion."

Naramdaman ko ang pamumula ng aking tainga at leeg. Nakakainis. Kailan ba ako makakapagsinungaling na hindi ito nangyayari?

"Anong year?"

Write Me a HeartacheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon