Chapter 16

1.4K 52 3
                                    

Stay



Hindi ko napigilang hangaan ang mga estudyanteng um-attend sa concert ng foundation week. Ganito pala talaga pag taga-city ka? Mas may energy pa ang mga tao ngayong gabi kumpara sa mga araw na may pasok.

Sabagay, hindi naman kasi ganito sa Santiago. Sobrang iba. Doon ay alas nuebe pa lang ng gabi ay tahimik na dahil na rin sa curfew. Pero dito, alas syete na pero hindi pa rin nagsisimula ang concert.

Habang pinagmamasdan ko ang mga tao, hindi ko mapigilang maramdaman na hindi naman talaga ako dapat naririto, pero dahil sa mga taong nakasama ko at tumanggap sa akin, para akong nasa lugar kung saan ako nararapat.

Nalipat ang tingin ko sa entrance na malapit sa kung nasaan kami. Ang mga estudyante kasi ng NEU, mapa-senior o junior ay may sariling entrance. Mas mura rin ang ticket ng mga taga-NEU kumpara sa mga outsiders.

"Una na ko sa stage," paalam ni Al sa amin bago siya nawala. Samantalang kami ni Fi ay naiwan na nakatayo sa gitna ng mga tao. Nagpaalam na rin kami sa isa't isa matapos iyon at pumunta na sa kanya-kanyang trabaho. Hindi naman ako nahirapan sa pagpunta sa spot namin dahil hindi pa gano'n karami ang mga nakapasok sa school grounds.

Pag-akyat ko sa spot namin ay nakita ko ro'n ang mga Photojournalist namin ni si Lane at si Adrian. Sila kasi ang kukuha ng mga pictures mula sa audience at kami naman ang kukuha ng videos para sa mga gagawing intermissions at iba pa.

"Wala pa si Grant?" tanong ko sa kanila. Nakita ko kasi ang bakanteng upuan sa tabi ng pangalan ko. Saka iniisip ko rin kung anong magiging mood niya ngayon. Makahulugan ang tingin ng dalawa at nagpalitan ng kakaibang expressions at saka sabay na tumingin sa akin.

"Ayieee! Ate ha!" pang-aasar ni Lane. Namula naman ako dahil doon.

"Hinahanap-hanap kita!" kanta ni Adrian. Kung kaya ko lang sila pagbuhulin ay gagawin ko sana pero mas matangkad si Adrian sa akin.

"Mga baliw. Hinahanap ko kasi malapit na mag-start ang program," pagpapaliwanag ko sa kanila.

"E bakit po si Eumi hindi mo hinanap? Siya kaya ang magsu-supervise sa inyo."

Napailing na lang ako kay Lane. Ang kulit ng mga Grade 11 na 'to, ewan ko lang kung magkulit pa silang mamaya pag nakarating na rito si Grant.

"Pero wala pa po si Sir," sabi ni Lane at binuksan ang DSLR na hawak niya.

Maya-maya lang ay dumating na si Eumi, isa ring grade 11. Medyo nabahala na rin ako dahil wala pa si Grant noong umakyat na sa stage ang master of ceremony na si Dan at saka si Paula para sa isang opening prayer. Matapos iyon ay wala pa rin si Grant. Nagsimula namang kumuha ng picture sila Lane pagkatapos ng prayer.

Ipinakilala muna ang school administrator na nagbigay ng isang speech patungkol sa pangalawang foundation week ng school. Nagpasalamat ito sa lahat ng um-attend pati sa mga faculty staff. Sunod-sunod din ang pagpapakilala sa mga taong naging abala para maisakatuparan ang concert.

Pormal nang sinimulan ang concert ng umakyat ang T3 para sa isang performance patungkol sa drug addiction kaya inihanda na namin ang camera para makuhanan ng video ang pagtatanghal. Umani naman sila ng palakpakan mula sa audience nang matapos ang performance. Medyo naluha pa nga ang iba dahil ang galing ng pagpo-portray nila.

"Napaka-talented naman ng mga students niyo rito," puri ko nang mai-save na ang video sa laptop.

"Syempre, best school in Nueva Ecija," biro ni Eumi na may halong pagyayabang kaya kami tumawa. Nagpaalam siyang magsi-CR kaya naman naiwan akong mag-isa sa spot namin. Nagsimula naman ang panibagong performance pagkaalis niya.

Write Me a HeartacheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon