Just a Promise
"I think that's enough. I'll explain the rest to my daughter."
Napalingon ang dalawa kong kasama sa nagsalita mula sa likod namin ni Tita Marinel. Nanatili naman akong nakaharap kay Ma'am Sav dahil sa sobrang kaba. Naiisip ko rin na baka kapag humarap ako, bigla siyang mawala at magising ako mula sa isang panaginip.
Pasimple kong kinurot ang aking sarili para malaman kung totoo ba ito. Dahil ang isipin na nandito siya ay hindi kapani-paniwala.
Muling bumalik ang tingin nila Tita Marinel sa akin. Pasimple nitong hinawakan ang aking kamay sa ilalim ng lamesa para palakasin ang aking loob.
"Gabriel," tawag nito kay Mayor. Huminga ako nang malalim at tumayo ngunit nanatili pa rin akong nakatalikod sa kanya.
"Sam..." nag-aalalang tawag sa akin ni Ma'am Sav. Bahagya naman akong ngumiti para i-assure sila na ayos lang ako—na ayos pa ako.
Makailang beses pa akong huminga nang malalim para magkaroon ng lakas na humarap kay Mayor. Pinipigilan ko rin na umiyak dahil sawang-sawa na akong lumuha. Nang makaharap ako ay lalong nanikip ang dibdib ko.
"Mayor..." pagtawag ko sa kanya. Hindi ko alam kung may nakarinig ba sa akin nang sinabi kong iyon pero wala ni isa ang nagsalita. Para bang hinihintay lang nila kung ano ang mangyayari ngayong magkaharap na kami.
"Sam, let's go back," sabi nito sa akin. Naririnig ko sa boses niya ang pagmamakaawa ngunit nanatiling seryoso ang mukha nito. Matagal ko itong pinagmasdan at napansin kong pumayat ito at lumaki ang kanyang eyebags. Para bang ilang linggo itong hindi nakatulog nang maayos dahil sa mga problema sa Santiago.
"A-Ano pong ginagawa mo rito..."
Lumabas iyon sa paraan na hindi ko inaasahan. Matapang ang pagkakasabi ko noon sa aking utak pero hindi ko naman iyon masabi sa paraan na gusto ko ngayong kaharap ko na siya. Napayuko ako at hindi na kinaya. Kahit anong sama ng loob ko kay Mayor, hindi ko magawang pangatawanan ang galit ko. Bakit? Bakit gano'n?
"Anak..."
Sumikdo ang aking puso sa narinig. Iyon ang unang beses na tinawag niya akong anak. Iyon ang unang beses. Ang sarap sa pakiramdam pero ang bigat-bigat sa dibdib.
"I'll tell you everything, sumama ka lang sa akin..." pagmamakaawa nito. Kung kanina ay wala akong mabakas na emosyon sa mga mata niya, ngayon ay puno iyon ng halo-halong emosyon na hindi ko na mapangalanan. Hinila ako nito at niyakap.
"Please, come back with me, anak..."
Paulit-ulit akong umiling at nagpumiglas sa yakap niya. Iyon din ang unang beses na niyakap niya ako pero imbes na maramdaman ang pamilyar na yakap kagaya ng kay Tita Marinel o katulad ng kay Grant, para akong yumakap sa isang tao na ngayon ko lang nakilala. Pakiramdam ko, hindi ko kilala ang nakayakap sa akin kahit pa ilang taon ko na itong kilala.
"I'm sorry, Mayor... but I don't want to come back. I'll stay here. I'll stay where I belong," sabi ko rito at mabilis na naglakad paalis sa lugar na iyon.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta pagkaalis ko pero ang naisip ko lang ay ang umuwi sa bahay. Aalis ako dito. Aalis ako dito sa Cabanatuan. Aalis na ako.
Hindi ko na namalayan na nakasakay na pala ako ng tricycle at ngayon ay binabagtas na namin ang papunta sa bahay nila Tita Rhea. Mabilis akong nag-abot ng bayad sa driver ng makarating ako sa bahay. Naabutan ko ang pag-uusap ni Grant at Alvah sa labas ng bahay at ang pakikipag-usap ni Tita Rhea sa cellphone niya. Tumakbo ako papunta sa kwarto at doon ay nakita ko si Firene na kakalabas lang ng kwarto namin.
"Gabrielle!"
"Sam!"
"Sam..."
"Sam, anak, jusko! Pinapakaba mo ako. Teka..."
Sunod-sunod na tawag sa akin ng mga nakita ko kanina. Hindi ko sila pinansin at pumasok sa loob ng kwarto. Kaagad ko iyong ni-lock para hindi sila makapasok pero isinuot ni Grant ang kamay niya sa siwang ng pinto kaya naipit siya. Binuksan ko iyon para alisin ang kamay niya pero nakapasok siya dahil doon.
Nang makapasok siya ay bigla niya akong niyakap. Kahit gaano ko kagustong magpakulong sa mga yakap niya, hindi pwede. Kailangan kong umalis. Itinulak ko siya nang bahagya para makawala ako.
"Gab, ano bang nangyayari? Pinag-aalala mo kami! Bigla ka na lang nawala kanina!" pagalit niya sa akin, hindi ko siya pinansin at tinuon lang ang aking pansin sa pag-aayos ng mga gamit ko. Hinila ko ang maleta at isinilid doon ang lahat ng mga gamit ko na maaari kong ilagay doon.
"Answer me."
"Hindi ko rin alam ang nangyayari!" sigaw ko sa kanya. Ayaw kong nakikita niya akong ganito. Ayaw ko. Ayaw na ayaw ko!
"You promised..." nanghihina niyang sabi sa akin.
"It was just a promise," sagot ko habang nakatitig sa mga mata niya.
Napailing siya at umatras. Pamaya-maya ay narinig ko na lang ang pagkalabog ng pinto at ang pagkabasag muli ng aking puso.
"Sam..."
"Stay away from me! I don't need you!"
Hindi ko na kinakaya ang sari-saring emosyon na nararamdaman ko. Nanghihina akong napaupo at lumuluha akong napasandal sa higaan. It's easy to just push away people than to tell them what really happened, right? Sa huli, ako rin pala ang sasaksak sa aking sarili.
Grant, I'm sorry.
Pero mas okay na 'to. Madali niya naman akong makakalimutan. Niyakap ko ang aking sarili at nagpakalunod sa sarili kong mga luha. Doon ay muling bumukas ang pinto at pag-angat ko ng tingin, nakaupo si Mayor sa harap ko. Kanina itinulak ko siya palayo pero ito siya at nasa harap ko. Nilabanan ko ang titig niya at doon nakita ko ang pag-aalala at kalungkutan na hindi ko nakita kanina.
Sa unang pagkakataon, naramdaman kong mahalaga ako sa kanya. "Anak, let's go. You've had enough."
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at yumakap ako sa kanya.
"Mayor... I pushed them away... I'm alone now..." umiiyak kong sabi sa kanya. Niyakap niya rin ako nang mahigpit at hinaplos ang aking buhok.
"You have me, anak. I will never make the same mistakes anymore. You will never be alone anymore."
Maybe in the end, the one who will really stay with us is our family even if we pushed them away.
BINABASA MO ANG
Write Me a Heartache
Short StorySamantha Gabrielle Torres has been seeking for answers why her mother did not return after seventeen years. Now that her father is about to marry, she would risk everything just to find and be with her. But what if she finds something else? Love...