Foundation Week Preparation
Tinanggap ko na sa sarili ko na malabo ngang makalayo pa ako kay hazel orbs dahil sa nangyari kanina. Hindi pa man ako nakakasagot sa kondisyon niya ay naplano niya na kaagad ang mga gagawin. Una, kinuha niya sa akin ang mga handouts at saka niya iyon binasa. May sinulat siyang kung ano-ano sa margins na hindi ko maintindihan pero maiintindihan ko raw iyon kapag binasa ko ang mga naka-print.
Kaya masasabi kong hindi talaga kami nakakakain kanina dahil mas inuna niya pang gawin iyong sa math. Ang ipinagtataka ko lang, bakit hindi siya tulungan ng associate editor ng newspaper na si Alvah? Ano kayang pinagkakaabalahan ng babaeng iyon?
Pero kung iisipin, advantage ko rin na mapalapit kay hazel orbs—kay Grant. Sinasanay ko na rin siyang tawagin sa pangalan niya dahil ang awkward naman na tatawagin ko siyang hazel orbs pag nagkataon. Pero parang mas nao-awkward akong tawagin siya sa pangalan niya. Win-win naman ang sitwasyon namin pag nagkataon, ako, tinutulungan ko siya sa newspaper, at siya–tinutulungan niya ako sa math, at isa pa, posibleng matulungan niya rin akong mahanap si mama.
"Al, anong pinagkakaabalahan mo ngayon?" tanong ko kay Alvah nang bumalik siya sa room. Medyo lukot na ang uniform niya at nakataas ang buhok na bihira lang niyang ipusod. Medyo napapadalas ang pagkawala ng mga teacher dahil na rin sa nalalapit na foundation week.
"Foundation week, oh my goodness. Nakakapagod ng sobra, ayaw ko na! Hindi ko na matulungan si Sir/President sa dyaryo dahil dito," nanlulumong sabi ni Al.
"Ang dami-daming gagawin, dito pa lang sa room alam mo 'yan. Tapos katatapos lang ng NSPC." Dumukdok si Al sa armchair niya. Akala ko nga ay iiyak siya pero pagbangon niya ay nakangiti naman siya. Minsan ay natatakot na lang din ako sa babaeng 'to.
"Okay, aalis na ako. Kita tayo sa bahay later. Baka gabihin ako e." Nag-aapura na itong lumabas ng classroom habang bitbit ang maliit niyang bag. Ako naman ay tumayo na rin at pinagpag ang pinakamahabang uniform ni Al. Nagpatahi kasi ako ng isa dahil isang sem na lang at graduation na pero hanggang ngayon ay wala pa rin. Ang bait-bait nga ni Tita Rhea dahil siya ang sumasagot sa pagkain naming tatlo. Kaya minsan, bumibili rin kami ng groceries ni Firene dahil nakakahiya naman.
Matapos kong ayusin ang gamit ko ay nakarinig ako ng tatlong katok sa pinto. Bumungad sa akin si Grant na hindi man lang nginitian ang mga kaklase ko na halata namang nagpapa-cute sa kanya. STEM din ang strand niya pero mas mataas siya ng isang section sa amin kaya naman naririnig ko minsan ang panghihinayang ng mga kaklase ko.
"Tara na," aya ko sa kanya. Nagsimula kaming maglakad at napansin ko na medyo nahuhuli ako dahil na rin sa laki ng hakbang niya. Hinihingal na rin ako dahil din sa kaparehas na reason.
"W-Wait lang," pigil ko sa kanya at saka uminom ng tubig sa tumbler ko.
"Saan ba tayo pupunta?" napansin ko kasi na hindi ito yong papunta ng club room pero sabi niya kaninang lunch ay may meeting.
"Meeting nga," maikli niyang reply. "Pero doon ang club?" turo ko sa club building na ilang metro na ang layo sa amin.
"Meeting, one by one."
"Huh?!" hindi ko napigil ang sarili kong sabihin 'yon. Kung isa-isa pala ay talaga namang papatayin ako nitong lalaking ito. Kalat kasi sa iba't ibang strand ang staff ng Verdad. At bawat strand ay hiwa-hiwalay ng building. Kaya paano naman ang gagawin nito sa akin? Hindi gano'n kalakas ang stamina ko. Huminto siya pansamantala at isinilid ang mga kamay sa magkabilang bulsa.
Wow. Reference.
"Samahan mo ko sa ABM. Then wait for me in the club room." Kunwari akong nag-isip pero ang totoo ay gustong-gusto ko ang binigay niyang paghahati sa gagawin. Ako, at ang club? Mama, here's my chance.
"Gabrielle are you listening?" tawag niya sa akin. Muli ay para na naman niya akong nilulunod sa tingin at sobrang ganda ng mata niya ngayong medyo naaarawan kami. Grabe, favorite ba 'to ni Lord?
"Gabrielle."
"Huh? Ano nga ulit 'yon?" tanong ko nang matauhan sa ginagawa. Kaagad kong inalis sa isipan ko ang kung ano-anong naiisip ko.
"Ang sabi ko," medyo napipikon niyang simula. "Pagbalik mo sa club, kuhanin mo yung tatlong bagong dyaryong nasa tabi ng mga table ng SPA. Okay?"
Ngumiti lang ako sa kanya para hindi na siya magalit pa. Muli ay nagsimula na naman kaming maglakad pero ngayon ay mahahalata mong binabagalan niya ang paglalakad.
"Wala ka bang ibang gagawin, kagaya ng kay Alvah?"
"Paanong gagawin?" balik niyang tanong sa akin. Pinagmasdan ko ang mga anino namin at nakita kung gaano kalaki ang agwat namin sa height bago kami makapasok sa building.
"Uhm, halimbawa, si Al, inaayos niya 'yong flow ng event sa foundation week pati ang sa concert, si Firene naman, sila ang nag-aayos ng decorations, sila ang magpe-perform ng kung ano-ano... Anong sayo?" mahaba kong paliwanag.
"What do you mean 'sayo'?" Napatingin siya sa akin. "We're in this together." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Huh?"
"Tayo. Lahat sa club. Tayo ang magko-cover ng event. Tayo na." Napanganga ako sa sinabi niya pero mas napanganga ako nang hawakan niya ang siko ko at inalalayan ako sa pag-akyat sa second floor.
Naging stiff tuloy ang lakad ko hanggang sa marating namin ang isang classroom. Nasa likod lang ako at pinakikinggan siya na ipaliwanag ang mga dapat gawin doon sa isa naming ka-club.
"Bro, huwag ako pagsabihan mo n'yan. Si Bryan dapat. Baka takasan ka no'n!" tumatawang sabi ng kausap ni Grant na si Andrew.
Matapos iyon ay nagpaalam na si Grant sa kanya. Gano'n din ang naging lagay ng mga kasunod naming pinuntahan. At no'ng huling dalawa na lang, pinabalik niya na ako sa club room.
"Wait for me there."
Mas mabilis pa kay Flash akong naglakad papunta sa club building para sa pakay ko. Pagdating ko doon ay tagaktak ang pawis ko at hinihingal na rin. Ini-lock ko rin ang pinto para walang makapasok na iba.
Nang maka-recover ako sa pagod ay kinalma ko ang aking sarili at saka hinanap ang mga dyaryong sinasabi niya doon. Inisa-isa ko ang mga yon hanggang sa nakarating ako sa pinakailalim. Taong 1989 ang nasa pinakadulo at ang bibigat pa ng mga ito. Hindi ko malaman ang gagawin kaya naman inuna ko ng inilagay sa table ang mga hinahanap na dyaryo ni Grant.
Inilagay ko rin ang lahat ng dyaryo sa lamesa at sinimulang tingnan ang editorial board at ilang pahina ng nga iyon. Pero dahil sa sobrang dami ay naging mabagal at maingat ang pagbuklat ko sa mga iyon dahil malulutong na rin ang pages.
Kinakabahan na rin ako dahil baka tapos nang i-meet ni Grant ang ibang members. Nang malapit na ako sa 1998 ay napatigil ako at kaagad na ibinalik ang mga dyaryo sa pinagkuhanan ko. Nanginginig pa ang aking mga kamay sa sobrang panic na baka mahuli ako ni Grant.
Pagkabukas ko nang pinto ay bumungad sa akin ang lukot na niyang noo. Ayan na naman ang mga titig niya na para bang pinag-aaralan na naman ako.
Nauna na itong pumasok sa loob at doon lang ako nakahinga nang maluwag.
"Gabrielle."
Napangitiako. Okay. Give me one more chance and I'll find you, Mama.
BINABASA MO ANG
Write Me a Heartache
Short StorySamantha Gabrielle Torres has been seeking for answers why her mother did not return after seventeen years. Now that her father is about to marry, she would risk everything just to find and be with her. But what if she finds something else? Love...