Chapter 28

1.3K 41 0
                                    

Mahal



Ang una kong napansin pagmulat ko ng aking mata ay ang basang unan na gamit ko. Siguro ay basa ng luha dahil parang pinupunit ang balat sa aking mukha dala na rin ng mga natuyong luha mula pa kahapon. Huminga ako nang malalim at pinagmasdan ang kisame. Sa loob lang ng ilang araw, ilang balde na ba ang nailuha ko? Napatawa ako. Sa loob ng ilang araw nagulo ang isip ko pero nabigyang linaw ang lahat ng katanungan ko.

Paulit-ulit ang ginawa kong pagbubuntong-hininga na hindi ko alam kung para saan. Siguro dahil sa wakas, hindi na ako umiiyak. O maaari ring pinapatatag ko lang ang kalooban ko dahil sa mga iniwan ko sa Nueva Ecija. Pwede rin na dahil nandito na ako sa Santiago.

Hindi ko talaga alam.

Parang nawalan ako ng gana sa lahat. Iyong lakas ng loob ko noong umalis ako dito, naglaho. Natunaw noong nalaman kong wala naman na pala akong hahanapin. Ang bigat pa rin, pero siguro wala na akong mailuha. Siguro, kagaya ko, pagod na rin ang mata ko. Pagod na pagod na ako.

"Samantha..." napalingon ako sa nagsalita mula sa pinto. Nakatayo doon si Mayor habang dala-dala ang isang tray ng pagkain.

"Kumain ka muna, anak. Hindi ka pa kumakain muna noong umalis tayo sa Cabanatuan," pagpapaalala niya sa akin. Dahan-dahan akong bumangon at sumandal sa headboard ng kama. Nakatitig pa rin ako sa kanya at muli na namang nanubig ang mata ko. Kaagad ko iyong pinunasan bago pa tumulo ang mga iyon.

Nilapag niya ang tray sa bedside table at inabot sa akin ang isang baso ng tubig. Uminom ako doon at inilapag iyon sa tray.

"Kamusta?" bahagya akong ngumiti at umiling.

"Hindi po ako okay..." matapat kong sagot sa kanya.

Ang dami-daming tumatakbo sa isip ko ngayon. Alam kong mali ang ginawa kong pagtataboy kila Grant, Alvah at sa iba pa noong nakaraang araw pero pakiramdam ko kung malalaman pa nila ang lahat ng ito, pare-parehas lang kaming mahihirapan. Sapat na ang mga ginawa nila para sa akin.

"Gusto ko pong humingi ng tawad sa sinabi ko sa inyo. Sorry po," paghingi ko ng tawad kay Mayor. Nginitian lang niya ako at ginulo ang aking buhok.

"Don't say sorry, Sam. I tried to be a father to you, but I guess... my way of being a father isn't right. I lacked so many things. I failed to give you everything you need. I failed to express how important you are to me." Huminga siya nang malalim bago muling nagsalita.

"When you were born, I promised to be a better man. I told myself I will fight for you because I failed to fight for your mother. But again, I failed. Kaya noong umalis ka, hindi ko alam ang gagawin ko. I lost the woman I loved before and I will not lose one important person in my life again. I am sorry, anak. I'm sorry..." namumula ang mga mata niyang sabi sa akin.

Muli ko siyang niyakap dahil sa sinabi niya. Akala ko balewala lang ako sa kanya pero ang hindi ko alam, may mga sariling problema rin pala siyang iniisip.

"I'm sorry, I failed as a father. I'm sorry." Naramdaman ko ang pagpatak ng luha niya sa aking likod. Ako, hindi na ako makaluha. Nararamdaman ko lang ang patong-patong na bigat sa aking kalooban pero hindi ko iyon mailabas.

Parehas kaming natahimik matapos kong bumitaw ng yakap sa kanya.

"I'll fix everything, Sam. Give me a chance to be a father to you," sabi nito sa akin. Ngumiti ako sa kanya at tumango.

"What happened in Nueva Ecija?" tanong nito sa akin. Ngumiti ako nang maalala ko ang mga nangyari doon.

"Sobrang ganda po ng mga alaala ko doon, Mayor—"

"It's Dad." Lumawak ang ngiti ko dahil doon sa sinabi niya.

"'Ano, 'yon nga po, ang dami ko pong naipong alaala doon. Para pong sinadya akong dalhin ng kapalaran ko ro'n. Akala ko noon pupunta lang ako doon para sa NSPC pero dinala ako noon papunta sa mga sagot na gusto kong malaman." Niyakap ko ang unan sa aking tabi at pinagmasdan si Mayor—Dad na interesadong-interesadong nakikinig sa mga kwento ko.

Ito. Ito yung gusto kong maranasan dati pa.

"Aside from that, what else?" Hinaplos nitong muli ang aking buhok.

"I made new friends..." Naalala ko si Alvah, si Firene, ang mga staff, sila Tita Rhea, Ma'am Sav, at si Grant.

"Hindi ko po in-expect na mapapamahal ako sa kanila sa loob ng ilang buwan kong pananatili doon. Wala pa nga po yatang dalawang buwan mula noong pumunta ako doon..." Huminto ako sandali dahil naalala ko na naman ang ginawa ko.

"Pero ganon po ang ginawa ko. Itinago ko ang lahat at itinulak ko sila palayo. Sila na kumalinga sa akin do'n. Nagsisisi po ako."

"What do you want to do?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Do you want to... go back?" Sunod-sunod ang naging pag-iling ko. Babalik ako doon pero hindi ngayon. Wala pa akong lakas ng loob na harapin sila ngayon.

"Good. Babawi pa ako sa anak ko." Napangiti ako dahil doon. Masyado akong natutuwa sa mga ipinapakita ni Mayor sa akin at nakakatuwa na ang dating ini-imagine ko lang ay nae-experience ko ngayon.

Lahat talaga ng nangyari ay masakit pero blessing in disguise rin ang mga iyon.

"Nagkaroon ka ba doon ng boyfriend?" Nawala ang ngiti sa aking labi sa tanong niya. Isang tao lang ang pumasok kaagad sa isip ko—si Grant.

"Hindi po. Pero may nagustuhan po ako."

"Really?" Tinagilid ko ang aking ulo dahil parang nag-aasar ang tono nito sa akin.

"Opo. Noong una po ayaw ko sa kanya kasi ang yabang niya e. Sabi niya hindi raw ako makakasali ng club pag hindi ako nanalo. Gustong-gusto ko rin po ang mga mata niya. Kahit parang lagi siyang walang pakialam sa nangyayari sa paligid niya, pag tumingin ka sa mata niya napakaraming emosyon doon. Nakakalunod."

Nakatakas ang ilang butil ng luha sa aking mata pero hindi ako nag-abalang punasan iyon sa harap ni Mayor.

"Kahit lagi siyang seryoso, gustong-gusto ko pag sinusungitan niya ako. Magaling rin siya sa Math, sa English, magaling siyang magsulat ng balita, saka pakiramdam ko lagi akong ligtas pag kasama ko siya. Gustong-gusto kong kasama siya. Sa sandaling oras na nakasama ko siya... parang kilala ko na siya at parang ang tagal-tagal ko na siyang kasama."

"That's exactly what I feel about your Mom." Ngumiti si Dad sa akin kaya napangiti rin ako noon.

"Mabilis din po?" tanong ko. Tumango ito sa akin.

"Well... Love isn't about the time you spend with someone. It's about how strong the connection is."

"Pero sigurado ka bang gusto mo lang siya?" Nakipaglabanan ako ng tingin kay Dad bago sumagot.

"Mahal... ko po siya."

Write Me a HeartacheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon