Flame's POV
"Grey Academy?"
Pagbasa ko sa mga letrang nasa taas ng malaking gate. I know naman na Hindi ito isang normal school lang. Bukod sa mayayaman ang mga nag-aaral dito. Dito rin mas sinasanay yung anak ng mayayaman at may kaya sa buhay dahil maraming mga kababalaghan ang nangyahari sa paligid.
"Yup. At sabi dito pwede lang daw lumabas yung mga students dito tuwing Sunday. That's the only day that we can go out for shopping..."
Nakasimangot na sabi ni Zoe.
"And sabi din. There's a welcome Battle for us. And para narin maselect kung saang section tayo"
Sabi naman ni Mandy. Battle? Yun yung nag pakaba sakin. Humugpit ang pagkakapit ko sa braso nii Paris.
"Don't worry baby Flame. We're here"
Tumango naman silang lahat. Saka kami nag simulang lumakad. Napapayoko nalang ako kapag may mga studyante kaming nadadaan.
Hindi ako sanay na maraming tao yung nakatingin sakin. Lage lang akong nasa loob ng bahay namin. Home schooled ako noon bihira lang ako lumabas ng bahay namin. Tuwing kailangan lang talaga, ang naging libangan ko lang ay mag basa ng educational book.
Ayaw panga pumayag ni dad na mag aral na ako sa totoong university kase daw kung ano lang din naman yung mga na sa libro yun lang din malalaman ko dito. Pero mapilit lang talaga ang mga kaibigan ko at isa gusto ko din naman maramasan yung nararanasan ng iba.
Ang mga studyante dito Hindi mga ordinaryo. Malalakas at may mga talento katulad namin. Isang grupo kami ng mga babae na magaling makipaglanban. Saka talented din naman pagdating sa sayaw at kanta. Actually sila lang kase hanggang sa practice lang naman ako sumasama kase nga hindi Ako sanay humarap sa maraming tao.
Sa Dean's office kami pumunta late na kase kami nag enroll. Tumagal kase kami sa pagpili nila ng school kung alin yung pinakamaganda daw eh.
"Here's your schedule girls. Each of you have different schedules. But at the afternoon from 3 to 5 all of the students should go to the gym. For the training."
Pag papaliwanag samin ng dean na lalong nag pakaba sakin.
Napatingin silang apat sakin habang palabas na kami.
"O....okay lang ako guys ka...kaya ko naman sarili ko.."
Di ko napigilan ang panginginig ng boses ko. Kaya ko'to kahit ngayon lang ako nabuhay sa labas ng bakuran namin.
"Hahatid ka namin baby flame. Tapos antayin mo kami pag labasan na. Dapat sabay sabay parin tayo kumain. Hahatid at susunduin ka namin sa room mo."
Mahabang bilin sakin ni Harley Habang papunta na kami sa room ko. Kase naman subrang nababy na Ako sa kanila lalo na kay daddy. Sabi kase ni Daddy may pumatay daw sa mommy ko at natatakot daw sya na pati ako mawala.
Nang makarating na kami sa room ko napanguso nalang ako dahil may pahabol pa silang tig-iisang bilin. Pinisil pa ni Mandy ang pisngi ko bago sila umalis. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago binuksan yung pinto kahit na nanlalamig at nanginginig ako.
"So...sorry miss"
Nakayukong pag hingi ko ng sorry sa teacher kase late na ako at kanina pa ata nagsulimula ang klase.
"It's ok get in and introduce yourself..."
Nakangiting sabi nya kaya naman medyo gumaan ang loob ko. Hindi pa sya matanda maganda rin sya siguro mga 28 palang sya.
Nag lakad ako papunta sa sa pinakang center without looking at my classmats. Baka kase pag una ko silang tiningnan lalo lang akong kabahan at di makalakas ng maayus sa panginginig ng tuhod ko."H...hi, I'm Hera Flame Soriano 19"
Saglit na natahimik lahat na lalong nagpakabog sa dibdib ko. Tika ba nag-aantay pa sila ng susunod kong sasabihin na hindi ko din alam kung ano dahil first time ko naman itong gawin.
"Ma-Ma'am?"
Nanginginig na boses na tawag ko dito napansin naman nya ang takot sa mukha ko kaya at saka sya tumango tanda na pwede na akong umalis sa unahan.Kinakabahan man ay dali dali akong nag lakad papuntang pinakang likod na upoan. Ramdam ko ang masasamang tingin nila pero nanatili lang akong nakayoko.
Buong klase na kay Ma'am lang ako nakatingin dahil wala naman akong pwede makausap na iba dito. Nag break time pero nang makalabas na ang lahat saka lang ako lumabas. May mga ilang studyante parin akong nakakasalubong.
Nakayoko lang ako kase ayoko makasalubomg ang mga tingin nila kase nakakakaba. Hindi ko nalang namalayam na may kasalubong pala akong grupo ng mga lalaki.
May nabangga ako o nabangga nya Ako? Pero kase kung nabangga nya ako bakit di ako natumba? Siguro nabangga ko nga sya kaya sya Yung natumba dahil sa gulat. Bali Ako yung bumangga sa kanya?"Pa...pasensya na po so...sorry talaga"
Dahil sa pag yoko ko para tulongan yung lalaki nahulog yung salaming suot ko. Mabuti nalang talaga hindi nabasag sayang naman. Sinuot ko ito kase may ganito yung mga picture sa libro ng mga napasok sa school eh
Nangmakatayo na yung lalaki pinulot ko yung salamin ko at natunghayan ko ang limang lalaking may mga itsura.Napalunok nalang ako ng laway dahil seryoso silang lahat. Maliban sa nabangga ko na nakangiwi at may gasgas sa kamay nya .

BINABASA MO ANG
Zeus Miguel's Property (COMPLETED)
FanfictionIiwan nya talaga ako? Nainis talaga sya sakin gusto ko naman makipag date eh. Baka lang may Quiz talaga. "Hubby? Hubby whaaaaa... ayoko na sayo!!!" -Hera Naiinis na din ako sa kanya naninigurado lang naman po ako eh. Nainis agad sya sa subrang inis...