Chapter 16

43.3K 1K 69
                                    

Samara's POV

Sunday ngayon meaning bonding namin ng anak ko at gusto nya daw mag laro sa park. Si Samantha naman ay lumabas para mag Shopping daw.

"Baby careful okay? Baka madapa ka..."

Bilin ko sa anak ko bago ito tumakbo para makisama sa iba pang mga batang nag lalaro.

"Samara..."

Sinalakay ng kaba ang dibdib ko hindi ako maaaring mag kamali sa boses nayun. Napakalamig at nakakatindig balahibong boses nya.

"Zy...Zyros?"

Napasulyap ako kung nasan ang anak ko. Nakita kaya nya ang anak namin?

"So? You don't have a plan na sabihin sakin ang mga nangyari? Pano ka naging imortal?"

Parang nakahinga ako ng maluwag kase mukhang hindi nya pa nalalaman ang tungkol sa anak namin.

"Zyros pwede ba! Wag muna ako gulohin... hindi na mahalaga ang mga nangyari sakin. Ano naman ang paki mo dun diba Zyros!? Kaya pwede ba! Umalis kana hayaan muna ako. Wag muna akong guluhin ulit."

Hindi ko napigilan ang galit na matagal ko ng kinikimkim. Galit na galit ako sa kanya.

"Honey... Honey... "

Paulit ulit nya pang tinawag ako sa endearment nayun.

"Mommy!! Mommy!"

Nanumbalik ang kaba sa dibdib ko nawala sa isip ko na ilayo si Zyros sa lugar nato. Nakita ko ang pagsasalubong ng mga kilay ni Zy at saka lumingon sa gawi ng anak ko.
Nakita ko ang pag angat ng dalwang gilid ng labi nya habang nakatingin kay Zymon. Nakita ko namang nanlaki ang mata ng anak ko at imbes na sakin sya tumakbo ay kay Zyros.

"Hey... Easy.."

Natatawang sabi ni Zyros at sinalubong ang anak ko na nginginig ang kamay ko hanggang di ko namalayang umiiyak na pala ako.

"Are you Zyros? You're my Daddy right? You're Tito Zues's brother! You look like him and I!"

Masiglang sabi ng anak ko habang kalong sya ng daddy nya. Bakit parang hindi nagulat si Zyros? Hindi rin sya mukhang galit sa katunayan ay nakangiti pa sya.

"Yes Big boy. Inalagaan mo ba mommy mo?"

Nakangiting tanong nito at bumaling sila sakin pareho nag iwas naman ako ng tingin.

"I did!! Mom? Are you crying?"

Sabi nito at pilit bumaba sa bisig ng daddy nya saka lumapit sakin. Lumuhod ako para mapantayan sya.

"I'm fine baby. Are you happy to see your Da--Daddy?"

Hindi ko napigilan ang mga luha ko.

"Yes mommy! I'm very happy. We're complete now. You mommy, Daddy and me!"

Masiglang sabi nito at pumalakpak pa. Napatingin ako sa gawi ni Zyros blanko ang mukha nito na nakatingin sakin pero ng mabaling ang tingin nito sa anak namin ay napalitan ng saya.

"Hmm... Baby laro ka muna dun mag uusap lang kami ng Daddy mo hah?"

Tumango tango ang anak ko at bumaling sa daddy nya.

"Daddy... wag kana ulit aalis hah? And please don't get mad kay mommy..."

Sabi nito habang hinihila ang laylayan ng polo ng daddy nya. Tumango lang naman si Zyros pinanuod muna namin ang anak namin saglit habang tumatakbo ito pabalik sa playground.

"I...I'm so--sorry.."

Hindi ko alam kung paano sisimulan pero yung lang ang lumabas sa bibig ko.

"Live with me"

Zeus Miguel's Property (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon