Chapter 42

30.4K 696 39
                                    

Third Person's POV

"I killed your mother because that's the only way to save you."

Sa mga narinig ni Flame mula kay Zeus ay katawan naman nya ang nabato sa pag kakatayo. Parang naubos lahat ng kanyang lakas at muli na namang tumulo ng masagana ang kanyang luha.
Dahan dahan syang humarap sa tatay mga kaibigan ay kay Zeus na nakaluhod parin.

"I--It was me?"

Nauutal na sabi nito dahil sa subrang panghihina muntik na syang matumba. Pero sa isang iglap lang ay nasalo sya ni Zeus agad sya nitong niyakap ng mahigpit.

"I---I killed my... my own mo--mother!"

Napahagulhol sya ng iyak sa dibdib ni Zeus.
Walang umimik sa kanila at hinayaan lang mo nang umiyak si Flame sa bisig si Zeus hanggang kumalma ito.
Binuhat sya ni Zeus hanggang makaupo sila sa sofa. Maging ang mga kaibigan nya ay tahimik na tumabi lang din sa kanila.

"Dad... pls make me understand.."

Pag susumamo nito habang nakasandal parin sa dibdib ni Zeus. Bumuntong hininga muna ang kanyang ama.

"When they found out about you. Hinanap nila kayong mag ina. Halos sa lahat ng lahi ay mayroong gusto pumatay sa inyo. I am no Prince or king that's why I couldn't protect you and your mother. At masyado pang bata si Migs noon kaya hindi pa nya alam kung gaano sya kalakas."

Makikitang namumula na ang gilid ng kanyang mata.

"I'm sorry..."

Bulong ni Zeus sa taenga ni Flame hindi naman ito sumagot pero lalong sumiksik sa dibdib ni Zeus.

"Nahuli nila kami sweetheart.."

Sa pag kakataong ito mayroon nang mga luhang tumulo sa mata ng kanyang ama. Pero nag patuloy ito.

"Si Migs nalang ang pag asa naming magliligtas sa amin. Pero masyado silang tuso! Nilagay nila kayong mag ina sa dulo ng isang Maze. Nag bigay sila ng isang oras kay Migs para makarating sa dulo. Masyado iyong malaki pero pilit parin nyang nilampasan. Habang ako nakatali at nanunuod lang. I'm useless!"

Napaiyak ng subra si Flame maging ang daddy nya. Lalong himigpit ang yakap ni Zeus sa kanya.

"Akala namin ng makarating si Migs sa dulo maliligtas na kayo. Pero... Migs need to choose. Kailangan patayin ang isa sa inyo para maligtas ang isa. At kung hindi yun magagawa sa loob ng tinakdang oras pareho kayong mamatay. Ayaw ng mama mong mawala ka anak. Nag makaawa sya kay Migs na patayin na sya."

Napasubsub ang daddy nya sa sariling mga palad nito. Habang si Flame naman ay sa dibdib ni Zeus. Maging ang mga kaibigan nya ay hindi makuhang makapag salita at tahimik lang na umiiyak.

"Rest wife..."

Bulong sa kanya ni Zeus at binuhat sya hanggang sa kanyang silid. Sa subrang pagod ni Flame kakaiyak ay hindi nya na makuhang makapag salita pa. Masayo naman syang hinalikan ni Zeus sa noo. At naalarma buo nyang katawan ng lumayo ito. Agad nyang hinawakan sa pulso ni Zeus.

"Pls. Don't leave me"

Mahina ngunit may pag susumamong pakiusap ni Flame kay Zeus. Na tinugon nito ng bahagyang pag ngiti at tumabi sa kanya sa kama. Ginawa nyang unan ang braso ni Zeus hanggang lamunin sya ng antok. Pinagmasdan lamang sya ni Zeus habang mapayapang natutulog sa bisig nito. Minsan nga ay natatawa pa si Zeus dahil maging na pag tulog ni Flame ay minsang kumukunot ang noo nito at napapanguso.

Hera Flame's POV

Nagising ako ng hindi ko masyado mamulat ang mga mata ko. Napanguso nalang ako dahil magangmaga ito dahil sa pag iyak ko. At lalo akong napanguso ng mapansing wala si Zeus sa tabi ko.

Zeus Miguel's Property (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon