TCC ~ XVI***
Chryss
The place is crowded. Iyon ay dahil maraming parents ang um-attend. The school is private so expected na mayayamang pamilya ang naroon.
Iyon nga ang medyo nakakainis eh. Family day na nga pero mukhang trabaho pa rin ang inaasikaso ng mga magulang na nandito.
A lot of them are busy on their phones and other gadgets. May mga kausap, mga nagmamadali at wala ang atensyon sa kanilang mga anak. Nakakalungkot lang isipin. Nasa tabi lang ang mga anak nila na malungkot habang nakatitig sa kanila at busy sa mga dinala nilang trabaho. They only got to spend small amount of time with their kids at school and this is what they are doing. Isang araw lang naman ito ngunit hindi nila mabitawan ang mga gawain nila.
I wonder what about Senechov? He's not taking out his phone. Siguro'y nasa bulsa niya. Is it on silent mode? Kanina ko pa siya katabi pero wala akong naririnig na kung anuman sa cp niya. Nasa gitna namin si Santhe na as usual ay tahimik.
We're sitting in front of the stage. We're waiting for the program to start. Maingay nang dahil sa maraming tao.
Katabi ko si Candy at si Asheng. Wala silang kasamang parents ng bata. My friend said na ayaw raw um-attend ng parents ni Asheng. They said it's a waste of time. It's really saddening whenever I heard things like that. Na kinakain na ng oras ng trabaho ang para sana sa kanilang mga anak.
How could they not spend even a little time for their kids? Maghapon, isang araw, a month, or years na silang nagtatrabaho. A day off from their job wouldn't hurt their pockets. So bakit kahit isang araw para sa family day ay hindi nila magawa?
I once became a kid, at mahirap tingnan ang mga batang naiinggit sa ibang mga bata na may kasamang ina at ama. Their pained eyes, jealous stares, all those sad emotions. It's so heartbreaking to watch.
So I really give it to Senechov. He took his day off for his son. Even those smallest things could mean a lot for his kid. Mga maliit na bagay pero may malaking halaga at impact sa isang bata. Kahit na wala siyang ina, mayroon siyang ama na makakasama sa school.
"Tingnan mo oh, pati sideview ang gwapooo!" Kinikilig na panay ang siko sa akin ni Candy.
She's even blinking a number of times. I heaved a sigh. It's kinda off to watch. Naaawa ako sa mata niya.
Panay ang sulyap niya kay Senechov.
Ni hindi man lang niya tinatago ang mga malagkit na titig dito. Shameless staring at its finest."Uy, baka naman pwedeng palit tayo ng upuan.." Pagkumbinsi niya sa akin.
Sinundot pa niya ang tagiliran ko. Napaigtad tuloy ako! I'm sensitive on that part.
"Please don't." Pasimpleng bumulong sa akin si Senechov nang kalabitin si Candy ni Asheng.
Halos makiliti ako sa ginawa niyang iyon. His breath fanned almost at my neck. It sent shivers down my spine.
She got distracted. So Senechov grab that chance to whisper to me.
Aside sa kabang nararamdaman ay natawa rin ako sa pagtanggi niya sa gusto ni Candy. Nakikiusap ang tono ng boses niya. Gusto ko sanang pagmasdan ang ekspresyon ng mata niya ngunit naka-aviators siya. It's well hidden.
"Mr. Stanford, buti at nakarating kayo!" Masyadong lively ang pagkakabati ng guro ni Santhe.
Naningkit ang mata ko. May namumuong hinala sa isipan.
"Ah, yes." He stuttered. There's also confusion in Senechov's voice.
Malamang, naguguluhan siya dahil hindi naman iyon ginawa ni Ms. Salvacion sa ibang parents. Tanging kay Senechov lang.
BINABASA MO ANG
The Crude Casanova
General Fiction[ Stanford Series #2 ] [FIN] She was hired as a helper in a mansion owned by the famous casanova, Senechov Stanford. Their first meeting wasn't a good one. She already have an impression of him as a rude man. Not to mention his kid who doesn't like...