TCC ~ XIX***
Chryss
I am so pissed as I travel my way to the bar to fetch Senechov.
I don't know why I am gritting my teeth in annoyance. It's just that it's so late and he have the guts to disturb me! Yes, I like him! And I don't want to think about it but here he is, trying to mess up my whole being.
Pagkatapos niya akong sungitan kagabi? Oo nga't hindi naman siya ang tumawag sa akin pero bakit ba ang number ko ang nasa speed dial niya?! Shouldn't it be Ma'am Navi or one of his flings? What am I to him to be in his speed dial? Kung dahil sa kasambahay ako, shouldn't it be Manang Minda?
I am going crazy just thinking about all his reasons.
Tuwing sumasagi rin sa isipan ko ang mga babae niya ay nadadagdagan ang irita ko.
Don't tell me nambabae siya sa bar na iyon? Kaya siya nandoon? Isipin ko pa lang ang mga babaeng ka-flirt or ka-make out niya ay gusto ko nang basagin ang bungo niya! I've never tried hurting a fly before but I can definitely try it with him! There's always a first time anyway.
I sighed with the thought that I have no right to be angry at him whatever he does with his life. We're not in a relationship or anything. Kahit na ano man ang naisin niyang gawin ay walang pumipigil sa kanya.
Kagaya na lang ng pagpa-fangirl ni Shiela sa mga oppa niya. Nguma-ngawa siya kapag may gf na ang crush niya pero hanggang doon lang iyon. She can't ask her crush to stop having a girlfriend. May sarili iyong buhay at hindi naman siya kilala. That's the sad part of being a fangirl. But as I can see, fangirling made Shiela happy. That may be one of the factor why she have a positive outlook in life.
I watched the city lights in its glory during night time. Yes it's kinda beautiful but I prefer seeing fireflies than lights of tall buildings. Mas refreshing pagmasdan ang mga nakahilerang mga puno kaysa sa mga sasakyang bumper to bumper. Mas gusto ko ang huni ng mga kuliglig kaysa sa mga tunog ng mga sasakyan. Mas gusto ko ang kapayapaan ng gabi kaysa sa mga mataong kalsada.
Province life is so much better. More relaxing and peaceful. More unpolluted and less traffic. More lively and comforting.
Doon, mga alas-siyete pa lang ng gabi, halos natutulog na ang mga tao. Here, the people barely sleeps. They're so caught up with running after the time.
Kung iisipin ganoon din ako bago ko naranasan ang buhay probinsiya. Being with my mother and father at the province is one of the best moments of my life.
Matagal ko na nga silang hindi nakakausap. I want to hear their voices. I'm gonna call them tomorrow. Sana lang ay may signal doon. Sa probinsiya kasi, kailangan mo pang maghanap ng spot kung saan may signal. Either you climb a tree, a mountain, or any hard area just to find that spot.
I entered a busy and crowded street. Napapalibutan iyon ng mga nagtata-asang gusali. Napabuntong-hininga ako nang mapasukan ang Devious. Isa itong bar at nightclub. Maraming parokyano ng dahil sa elegante at pangmayamang ambience. Halatang halos may sinasabi sa buhay ang mga naroon.
I wore a fitted jeans and cropped top to slightly adapt with the place. Napaka-off naman kung magpa-pajama ako na suot ko kanina. Nakakahiya naman kahit papano.
"Care for a drink, miss?" Sabay lipbite ng isang foreigner sa akin.
Malaki ang katawan niya at ang lalaki ng muscles.
Napasimangot ako sa isipan pero magalang ko siyang tinanggihan.
"No."
Nilampasan niya lang naman ako. I like people who are easy to converse with. Iyong madaling makaintindi kaysa sa mga makukulit at namimilit. I mean there's a reason why a woman said no, right? They should learn how to respect.
BINABASA MO ANG
The Crude Casanova
General Fiction[ Stanford Series #2 ] [FIN] She was hired as a helper in a mansion owned by the famous casanova, Senechov Stanford. Their first meeting wasn't a good one. She already have an impression of him as a rude man. Not to mention his kid who doesn't like...