TCC ~ XI***
Chryss
"Hay, salamat, natapos rin!" Hindi napigilang saad ni Shiela nang matapos ang gawain namin.
The party will start at 5 o'clock hanggang gabi or maybe more than that. Baka umagahin na nga sila sa tingin ko. Ganoon naman parati ang mga mahilig mag-party. Kaya malamang hanggang umaga na sila rito.
Naayos na namin ang mga maaari nilang gamitin. Pati ang mga foods. Nasa labas na rin ang ihawan na ni-request daw ng mga kaibigan ni Senechov. Gusto raw ng mga iyon na mag-grill kaya na-marinate na rin namin ang mga karne. Although it's tiring, enjoy rin pala ang mga trabahong ganito. And of course, masayang kasama ang mga kasambahay rito.
"Halika rito, ate. Relax ka na. Hayaan mo na ang mga 'yan. Ayos naman na ang lahat. Napaka-OC mo pala!" Natatawang aniya.
Nakaupo na si Shiela sa mga couch na nakasilong sa retractable roof. Komportableng-komportable ito roon.
I sighed. Hindi talaga mawawala sa akin ang ganito. Nasanay akong i-check ang mga bagay-bagay lalo na kapag may mga ganap or events. Old habits die hard. Ganito kasi ang trabaho ko noon bago pa ako naging kasambahay.
"Oo nga naman, Kris. Magpahinga ka na. O kaya ay puntahan mo roon si Santi at baka may kailangan." Dagdag ni Manang ng naiiling.
Maybe she saw me going all over the place. Daig ko pang ako ang may party sa pag-aasikaso.
Napipilitang tumango ako sa kanila kahit alangan.
"Sige po."
Siguro nga kailangan ko ring puntahan si Santhe. Hindi ko iyon nakita kagabi at kanina ay busy naman kami sa pag-aayos. Hindi ko siya masyadong napagtuunan ng pansin. Kahit na ba alam kong wala namang pakialam sa bagay na iyon si Santhe. He only played all day at nanood ng mga movies. Bakit kasi parang wala siyang kalaro? I mean wala ba silang kamag-anak na halos kaedad ni Santhe?
It will definitely help him to socialize. Mas mag-i-enjoy rin siya sigurado sa paglalaro kapag kaedad niya ang kalaro niya. He will eventually earn some friends. He will not feel so alone. Malungkot kasing maging only child. I have experienced it and so I never wanted Santhe to feel like that.
Pinuntahan ko siya sa kwarto niya at wala siya roon. Hmm, mukhang nasa entertainment room siya.
And so I went there. At hindi nga ako nagkamali. Nandoon nga siya. A cartoon movie is playing in the big screen. May black dragon at isang bata. Something like Toothless. I'm not familiar with it but it's a good movie for kids.
Napangiti ako nang makita ko si Santhe na natutulog. Komportable naman ang pagkakahiga niya. Kinumutan ko na lang siya at pinatay ang tv. Siguro naman ay busog pa siya. Hahatiran ko na lang mamaya ng gatas o pagkain na gustuhin niya.
I kissed his forehead. He's asleep so he won't be able to say no.
Bumaba na lang ako ulit at tiningnan kung nandoon na ba ang mga bisita.
"Naku, paparating na raw sila!"
Kung kanina'y relax, ngayon naman ay nagpa-panic na si Manang.
As if naman kasi hindi pa namin na-prepared ang lahat! Everything is settled. Pati yata si Manang ay OC.
"Hay, naku, si Manang talaga. Ayaw niya talagang nadi-disappoint ang mga Stanford sa kanya." Natatawang turan ni Shiela.
She's observing Manang as she double checked everything.
"Alam mo kasi ate, malaki ang naitulong ng mga Stanford sa pamilya namin. Lalo na si Sir Seine. Siya ang gumastos sa pagpapagamot sa Lola ko, iyong Nanay ni Manang. Libre pati ang operasyon nito. Kaya nga kahit ako ay malaki ang pasasalamat ko." Pagki-kwento nito.
BINABASA MO ANG
The Crude Casanova
Narrativa generale[ Stanford Series #2 ] [FIN] She was hired as a helper in a mansion owned by the famous casanova, Senechov Stanford. Their first meeting wasn't a good one. She already have an impression of him as a rude man. Not to mention his kid who doesn't like...