TCC ~ 32

15K 344 6
                                    


TCC ~ XXXII

***

Chryss

After that picnic day, I've been too busy. Marami akong ginagawa sa mga nakalipas na araw.

Kali-kaliwa ang pinupuntahan ko upang makasigurado na maayos ang magiging birthday party ni Santhe. He deserves a fantastic celebration of his birth so I want to give him that.

I can't help but feel so satisfied. Whenever I'm not working, lalo akong nabo-bored. And since my business in the States is event organizing, I'm pretty experienced in this field.

Akala yata ni Senechov ay masyado akong mapapagod sa ginagawa ko. He was so worried of me last night.

"Do you even sleep? I'm getting worried of you. Are you having a hard time? You can always say no to Mom." Nag-aalala ang titig niya sa akin nang gabing iyon.

Actually, ilang araw na niyang sinasabi iyon.

Nabungaran ko siyang kumakatok sa pintuan ng kwarto ko.

Bago ko siya pinapasok ay panay ang silip ko sa malawak na pasilyo dahil baka nakamasid si Manang sa amin. Mahirap na, baka hindi na niya kayanin ang inis. Hindi na yata siya magiging kalmado kapag kasama ko si Senechov.

Well, I understand her sentiments. Kilala na ni Manang ang hilatsa ng pagmumukha ng alaga niya. Ang sabi nga niya'y halos siya na ang nagpalaki rito. Kaagapay raw siya ni Ma'am Navi sa pag-aalaga rito. At kung gaano raw kakulit si Santhe, mas malala ito.

Sana nga lang daw ay hindi mamana ng anak niya ang kanyang pagka-babaero. But this past few months that we're somewhat together, wala akong nakikita o nai-encounter na mga babae niya. Walang pumupunta sa mansyon kahit na iyong mga kaibigan niyang sina Penelope o Vana. It's as if he turned off his babaero mode. It makes me feel happy na ganoon ang nangyayari.

It just means he's serious about us.

"Hindi ah. Masaya nga ako sa ginagawa ko." Sagot ko sa kanya.

"Are you sure?"

"Oo naman." I showed him my certain and with conviction face.

Hindi niya kasi alam na ito naman talaga ang trabaho ko. I feel alive whenever I do this. Lalo na if maganda ang resulta at nag-enjoy ang client ko, labis ang kasiyahan ko. Cami and Lydia always tell me that I tend to overwork. Kaya siguro ganoon ang nakikita ni Senechov sa akin. Akala niya siguro'y pinapahirapan ko ang sarili ko.

May organizer naman na kinuha si Ma'am Navi at magaling din siya. That's why kaunti lang ang ginagawa ko. Hindi naman kasi pwedeng ako ang umayos ng lahat.

"Hmm.. I can see you love doing this." aniyang kinuha ang isang invitation card na sinusulatan ko.

Nakalista na roon lahat ng imbitado. Medyo marami-rami rin. Halos mga family friend ang invited pati na ang mga kaklase at teachers ni Santhe. Siguro mga nasa three hundred ang target guests.

He's still clueless about this by the way. Nagtatampo na nga iyon sa akin dahil hindi ko siya parating nasasamahan sa school. My baby is getting clingy.

"Oo naman." Nangingiti kong saad

"If I don't know you I would have thought this is your job."

Napatigil ako sa pagsulat ng pangalan sa invitation dahil sa narinig na komento niya. He looked kidding but it striked me. Napakagat ako sa aking labi.

"Hindi naman." Matipid kong sagot at nagpatuloy sa pagsusulat.

Medyo marami pa iyon. Kailangan ko iyong matapos bukas ng umaga at sa hapon naman ay ipamimigay na. Temi texted me she would come here tomorrow morning since she doesn't have a class. Sinabi ko naman sa kanyang kaya ko na ito kaya lang ay makulit. Mukhang ganoon yata talaga ang lahi ng mga Stanford.

The Crude CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon