TCC ~ 9

17.9K 373 9
                                    


TCC ~ IX

***

Chryss

"Ate?"

"Hmm? Bakit, Shiela?" Nakakunot ang noo ko habang sinasagot ang nasa kabilang linya.

Ganoon din ang reaksyon ko nang makita ang pangalan ni Shiela na tumatawag. I mean, she knew it's my day off. Gaano kaya ka-importante at napatawag siya?

I am just starting to enjoy my day with Cleopatra. Naglalakad lang kami ng walang direksyon at kung anong maisipan ay iyon ang ginagawa. It's always like this with Cleo. She doesn't plan her day or any trip. Spontaneous and unpredictable, that's what she is. Kaya lang ay natatakot lang ako baka anong maisipan nito ngayong magkasama kami. I mean, she's adventurous and I am laid back.

So, goodluck na lang sa akin.

"Kasi ate.." Nag-aalangan nitong saad. "Nagtatanong si Sir Seine kung nasaan ka raw." Mahina ang boses niya at halatang may hesitasyon.

Of course she would hesitate. She knows I'm going to be busy today. Ang dalagita na rin ang nagsabi sa akin na mag-enjoy sa pamamasyal. And now she's calling me? Saying Senchov's looking for me?

What the heck.

Kung si Santhe pa iyon ay matutuwa pa ako. Why did it have to be that rude guy? At bakit kailangan niyang malaman kung nasaan ako? It's my day-off. I can do whatever and go wherever I want.

"Namamasyal pa ako, Shiela. Tsaka sabihin mo day-off ko baka nakalimutan niya." Tanging nasabi ko kahit na gusto ko nang mainis.

Hindi naman kasi kasalanan ni Shiela. And why am I easily pissed right now? Lalo na kay Senechov? I mean, maybe he's just genuinely asking?

I deeply sighed. Am I being overly dramatic? Masyado na ba ako sa pinapakita kong ugali?

It's just that everytime I see him, her gloomy face keeps on popping inside my head. And I can't help but feel angry.

Tuluyan na akong nagpaalam sa kabilang linya. Shiela was apologetic. I can't help but feel guilty. Naging harsh yata ako.

"Uy, oh, anong mukha 'yan? Mag-enjoy ka nga! Ang uptight mo talaga!"

Nakangising sabi ni Cleopatra habang kumakain ng fishball at sinasabi niyang tokneneng. Halatang enjoy siya sa kinakain.

Biruin mo ba namang gusto raw niya akong ipasyal kay Lolo Jose Rizal niya? Yes, we're strolling here in Luneta Park.

Aaminin kong hindi talaga ako patriotic na tao ang I see this landmark as a park. Pero si Cleo talaga, iba ang perception. Hindi halata sa kanya pero she's a proud Filipino. Dapat ko raw kilalanin ang mga bayani. Sometimes she's crazy but most of the times she makes sense.

"Bilisan mo na! Magpa-picture ka naman sa national hero natin! Pasalamat ka dahil isa siya sa mga nagpalaya sa atin sa mga dayuhan!"
Cleopatra convinced me.

Pinagtitinginan tuloy kami ng mga kabataang dumaraan. Gosh, ako naman ang napagtrip-an ngayon. I mean we could go anywhere pero dito pa talaga niya naisipan! At kailangan ko pa talagang magpa-picture!

Naningkit ang mata ko sa kaibigan. A warning for her craziness. She only grinned at me.

"Pagkatapos nito, punta tayong Tagaytay."

My forehead knotted with her suggestion.

"At bakit naman?"

"Wala lang. Gusto ko lang silipin 'yong Bulkang Ta'al."

Napailing na lang ako sa kaibigan. What else can I do? Mabuti nang pagbigyan na lang. Minsan lang naman kasi siya mahagilap. Baka bukas nasa Antartica na siya kaya lulubos-lubusin ko na.

The Crude CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon