"Ma?" Tawag ko mula sa pintuan. Kagagaling ko lang ng waltermart upang bumili ng grocery since kaming dalawa lang ni mama dito sa bahay.
My father died when I was 8 on a car accident kaya naiwan kami ni mama. Maswerte na rin kami dahil may sarili na kaming bahay at hindi na mahihirapan pang magpalipat-lipat ng bahay.
Tinanggal ko ang ginamit kong sapatos at naglakad papunta nang kitchen sa kaliwang bahagi ng bahay.
Nang makarating ay ibinaba ko ito sa lamesa. "Ma? Nasan po kayo?" Muli kong sambit ng mas malakas. Unti-unti ko nang nilabas ang mga pinamili ko at nilagay ito sa mga dapat nitong paglagyan.
Nang matapos ay unti-unti akong kinabahan dahil wala pa rin akong sagot na nakuha mula kay mama.
Usually ay umaga nandito siya sa bahay at naglilinis ng kung ano-ano dahil hindi iyon mapakali 'pag walang ginagawa. Ngunit ngayon ay 'di ko siya masilayan rito sa ibaba.
Umakyat ako sa taas upang tingnan kung naroon siya. "Ma!" Mas malakas na sigaw ko. Nakarinig ako ng kaluskos mula sa attic.
Ang attic na iyon ay nagsisilbing storage room ngayon dito pero ako nagpagawa kay papa non dahil gusto ko ng kwarto sa attic pero hindi natuloy.
Nagmamadali kong hinila kinuha ang panungkit sa dingding kung saan nakalagay ang hagdan upang makapunta ng attic.
'Pag akyat ko ay nakita ko si mama na nakasilip sa maliit na bintana ng attic na iyon. "Ma, kanina pa po kita hinahanap. Bakit po kayo nandito?"
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko sa balikat upang kausapin. "May mga tao kanina anak. Nakaitim sila." Sabi ni mama habang nakatingin sa'kin.
Tinawanan ko lang ang sinabi ni mama. Baka paranoid lang siya. Wala ng malinis sa bahay eh kaya kung ano-ano na namang pinaggagagawa. "Ma baka po may burol lang malapit dito at napadaan. By the way, nabili ko na po iyong inutos niyo. Baba na tayo ma. Magluluto pa po tayo." Excited kong sinabi sa kanya
"Baka nga anak. Tara na. Nilinis ko lang itong attic. May mga nakita rin akong photo album. Tingnan natin mamaya. Magluto muna tayo at kumain. Halika na" natatawang sabi ni mama. At nagmamadaling bumaba ng attic.
Mula ng mag-eighteen ako nag-iba kilos ni mama. Hindi ko alam kung bakit pero araw-araw siyang nakadungaw sa bintana at paggabi ay sinisigurado niyang nakasara ang bintana at nakalock ang pinto, doble-doble pa nga.
Ikinibit balikat ko lamang iyon at bumaba upang tulungan siya.
Matapos magluto at kumain ay naghanda na akong pumasok sa eskwela.
Tanghali ang pasok ko tuwing monday hanggang wednesday pero ang uwi ay bandang alas-otso na. Thursday at friday naman ay alas-syete at ang uwi ko ay alas-kwatro ng hapon.
Matapos maligo sa kwarto ko ay nagbihis na ko. Walang required na school uniform ang pinapasukan ko kaya sinpleng jeans at white-tshirt tsaka jacket ang suot ko na pinaresan ng rubber shoes na puti.
Naglagay ako ng polbobat ready to go na. Hindi ako pala make-up dahil allergic ako. Or maybe ayoko lang talaga dahil makati sa mukha kaya hanggang polbo lang ako. Hindi ko naman kakailanganin ng make-up dahil parang inayusan na ko dahil mapula kong labi.
Kinuha ko na ang bagpack ko sa tabi ng kama at bumaba upang magpaalam kay mama.
Nakita ko siyang nakaupo sa sala at nanonood ng tv. "Ma, alis na po ako." Humalik ako sa pisngi niya at dumiretso na ng pinto.
Nang makalabas ng bahay ay sumakay na ako ng taxi pahatid ng skwelahan.
Nang makababa sa tapat ng paaralan ay binayaran ko na ang taxi na sinakyan ko at bumaba.
Mabilis akong nakarating sa klase konat nagreview dahil baka magkaroon kami ng test ngayong araw.
First year na ko ng Nursing. Dalawang buwan na lang at matatapos rin. Isa rin akong Dean lister kaya kailangan rin talagang magsumikap para maging proud si mama at si papa.
Buong araw ay tutok ako sa pakikinig at pag-aaral. Alas-otso na natapos ang klase kaya madilim na sa mga daan.
Niligpit ko ang mga gamit ko at lumabas ng room at nakita ko si Ali.
"Ali!" Sigaw ko tumakbo palapit sakanya uoang sabayan sa paountang gate. " O, Van kala ko nakauwi ka na" sabi niya habang naglalakad kami. Marami-rami pa namang estudyanter kaya di nakakatakot yung skwelahan at daan ko papuntang bahay.
"Overtime na naman si Mrs. Sanchez eh. Tsaka tinapos ko na rin yung mga pinapagawa para pahinga na lang pagdating ng bahay" paliwanag ko. "Sipag mo talaga Van. Naku! Buti at kasabay mo ko. Hatid na lang kita sainyo" natatawang sabi niya sakin.
Nakilala ko si Aliza Romero ngayong First year college ako sa garden na tambayan na namin ngayon dahil unti lang ang taong napupunta roon. Maganda si Ali pero ewan ko ba at papalit-palit ng lalaki. Tanggap ko siya pero minsan nagagawa niya pang magsabay ng lalaki. Hinahayaan ko lang siya dahil alam kong alam niya ang tama sa mali. Pero minsan kapag sumosobra na siya ay nagpagsasabihan ko. Alam kong alam niya ang tama sa mali kaya hindi ko na siya pinanghihimasukan pa.
"Sige ba! Naku, hindi ako tatangi. Makakatipid ako diyan!" Tumatawang sabi ko. Natawa rin siya at dumating na ang sundo niya at sumakay na kami.
"Alam mo, Van. Napapansin ko lang ha? Laging may nakasunod na itim na sasakyan sayo. Kasi kanina nakita kita bumaba ng taxi tas nakita ko rin medyo malayo sa sinakyan mo, may huminto rin na sasakyan. Tapos nung nakapasok ka na tsaka umalis. Pero baka mga customer lang iyon nung mga nagtitinda dun. Wala lang, nag-aalala lang ako" mahabang sabi niya sakin. Nakita ko ang pag-aalala sa mata kaya hinawakan ko ang kamay niya at tinawanan lang siya.
"Hayaan mo yun. Baka mga napadaan lang o kaya may binili malapit sa tindahan dun" ngitian ko siya upang mawala ang pag-aalala niya. Ngumiti rin siya pabalik at humilig sa balikat ko. Siya naman ang humawak sa kamay ko.
" Thank you, Van ah?" Bigla niyang sambit sakin. Nagtaka ako kung bakit kaya nagtanong ako. "Bakit? Ano ka ba. Alam mo namang nandito lang ako lagi, ok? Wag kang mahihiya na tumawag o magtext kapag may problema ka. Bestfriend tayo eh!"
She sighed "Thank you talaga, Van! Sa lahat-lahat! Lab na lab kita!" Ang she suddenly hug me tight.
Di ko alam ang pinagdadaanan niya ngayon pero alam kong malalampasan niya rin iyon.
I hug her back tighter than what she did. Im happy I have her.
Nang makarating ay nagpaalam na ko sakanya at nagpasalamat sa driver.
Pumasok ako sa loob. Hinubad ang sapatos at jacket ko.
Naglakad ako papubtang kusina at nakita ko mama na nag naghahanda sa lamesa. Lumapit ako upang humalik sa pisngi niya "Ma, Goodeve po" bati ko.
Ngitian niya ko "Upo ka na. Kakain na tayo. Pagtapos rito magpahinga ka na at aalis pa ako." Sabi niya
Umupo kami at sabay na kumain. Nang matapos ay ako na ang naghugas at naglinis sa kitchen. Dumiretso ako ng living room upang antayin si mama.
"Nak, alis na ko. I-lock mo ang pinto at iyong bintana isara mo ang kurtina." Sabi niya at naglagay na ng sapatos at dumiretso ng pinto. "Ingat po." Humalik ako sa pisngi niya.
" I love you, anak. Alis na ko" ngumiti siya at umalis na. Pagkasara ng pinto ay inilock ko na ang dapatbilock at sinarado ang mga kurtina.
Dumiretso ako ng kwarto nagbihis pantulog.
Humiga ako sa kama ko niyakap ang isang unan na paborito ko. Ang kami ko ay maraming unan dahil hindi ako makatulog ng hindi nalalagyan ang likod at paang bahagi ng katawan ko.
Unti-unti ay nilamon na ko ng antok at napaisip. My life is like a process. Paulit-ulit. Kelan naman kaya mag-iiba?
-M

BINABASA MO ANG
Made For Him
Fiksi UmumVanessa Jasmine Aravalo is living a simple life with her mom. A college student who wants to be on top upang maging proud ang magulang niya sakanya. Ngunit mula ng magdise-otso ay naging kakaiba ang kinikilos ng kanyang ina at napapansin rin ng kany...