Chapter 13

6.1K 152 0
                                    

A week has past yet Jasmin still don't know where the heck is Rio. Mula nang kumain sila sa komenador at bumalik siya sa kwarto ay hindi na niya nakita pa ang lalaki ng isang buong linggo.

Dapat nga ay matuwa pa siya dahil may kalayaan siyang lumabas-labas ng kwarto. It's not that she wouldn't go outside the bedroom if his here but she's scared that he might misinterpret it and hurt her-she doesn't want that.

Nakilala niya na ang mga katulong na nandirito. May pitong katulong tapos dalawang guard. Atleast may nakakausap na siya sa bahay na ito.

It's monday and she supposed to be at school today pero dahil hindi niya alam kung nasaan siya at hindi rin naman siya pwedeng lumabas kaya hindi siya makakapasok. Tanghali na ng magising siya at kaagad na ginawa ang morning routine niya.

She wore a cotton short and a white polo na galing kay Rio. Wala naman siya rito.

Bumaba na siya para kumain ng brunch niya. Nang makababa ay katahimikan ang sumalubong sakanya. Sa nagdaang linggo ay nasanay siyang maingay rito.

"Manang beth?!" She shouted.

"Dandan!" Pinalibot niya ang tingin ngunit walang siyang nakitang kahit na sino.

Nagmamadaling dumiretso siya sa kusina at doon naabutan ang mga itong kumakain.

Napabuntong hininga siya. Akala niya wala na naman siyang makakasama sa bahay na iyon.

"Oh, Ate Jasmine! Napaano ka? Parang takot na takot ah!" Natatawang sambit ni Dandan. Mas bata ito sakanya pero kung mag-isip eh kala mo matanda na. Maganda siya, maputi, pwede nga siyang maging model. Hindi ko alam na sa murang edad eh nagtatrabaho na ito rito.

"Kasi naman!" She stomp her foot and pouted. Everyone laughed at her remark. "Akala ko iniwan niyo ko!" She exclaimed. Naluluha siya pero pinipigilan niyang wag iyon tumulo.

"Ano ka ba?! At saan naman kami pupunta?" Natatawang hayag ni Kiel.
Isa si Kiel sa guard mg bahay na iyon. Matangkad ito at malaki ang katawan. May itsura ito at makinis ang ulo.

"Halika na nga rito! Kakain muna tayo." Sambit ni Manang beth na pinakamatanda sa kanilang lahat.

Naupo si Jasmine sa tabi ni Manang beth. "Manang, Si Rio po? Kelan po siya uuwi?" Pabulong na sabi ni Jasmine. Kumukuha na ng pagkain ang mga kasama niya niya at may kanya-kanyang mundo kaya hindi siya maririnig ng mga ito.

"Hindi ko rin alam, Iha. Pero ang sabi niya ay saglit lang siya pero inabot na nang linggo hindi pa umuuwi." Nakaramdam ng lungkot si Jasmine. Iniiling niya ang ulo upang mawala ang pakiramdam noon. "Nay, tulungan niyo po akong tumakas."

Nanlalaki ang mga matang tumingin ito sakanya. "Alam mo kung ano ang kapalit ng gagawin mo, Jasmine. Pag-isipan mo ng mabuti iyan." Sambit nito saka nagsimulang kumain.

Nagsimula na rin siyang kumain ngunit patuloy na nag-iisip kung paano siya aalis sa bahay na ito. Alam niyang nag-aalala na ang mama niya pati ang kaibigan. She want to escape this devil's home pero naisip niya rin ang mga maging kaibigan niya. If she leaves the house then she also leave her friends.

Napabuntong hininga siya saka tinapos ang pagkain. Inilagay niya iyon sa lababo at dumiretso ng sala. Binuksan niya ang tv saka nanood ng mga pelikula na naroon.

May tumabi sa kanya at bumaling siya roon. Si Dandan iyon. "May telepono roon sa office ni Sir Rio, Ate Jasmine. Baka sakaling makatulong saiyo." Bulong nito.

Nanlalaki ang matang tumingin siya rito. "Bakit mo ito ginagawa?" Nanginginig na inabot niya ang kamay nito. "Kasi ate kita! Saka ambait-bait mo kasi." Nakangiting sabi nito sakanya pero ang mata nito ang malungkot.

Made For HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon