Chapter 8

8.2K 178 0
                                        

Ginamit ko na rin ang C.R upang makapaglinis ng katawan. Lumabas ako ng shower room nang walang roba o towel.

Paglabas ko ay saka ako naghanap ng mapapantakip sa katawan ko ngunit wala akong nahagilap maski maliit na towel kung kaya't dumiretso ako ng pintuan. Idinikit ko ang tenga rito at pinakinggan kung naroon siya sa labas ngunit wala akong narinig na kahit na ano.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at idingunaw ang ulo roon. Hindi ko siya nakita roon kaya lumabas ako kahit na tumutulo pa ang tubig sa katawan ko.

Lumapit ako sa kama at kinuha ang kumot roon saka itinakip saking katawan. Nakahinga ako ng maluwang dahil may ipinantakip na ako.

Napabuntong-hininga ako saka lumapit sa pintuan na katabi ng CR. Binuksan ko iyon at bumungad saakin ang mga panlalaking damit mula sa T-shirt, slacks at polo. May mga drawer ring nakalagay roon.

"Isusuot ko ba ang damit ng demonyong iyon?" Tanong ko sarili. Kung hindi ko gagamitin iyon ay maglalakad ako ng hubad rito. "Might as use some of this." Kumuhat ako ng puting damit roon.

Tinanggal ko ang kumot at isinuot ang t-shirt na umabot hanggang gitna ng hita ko.

Inisa-isa ko ang mga drawer roon para maghanap ng boxer na pwedeng isuot pero wala akong mahanap.

Yumukod ako upang tingnan ang drawer na nasa ilalim ng closet.

"What are you doing?" Isang boses ang narinig ko sa aking likod.

Tumayo ako at humarap rito. Nanlalaki ang matang iniyakap ko ng kamay sa dibdib ko at ang isa ay hinihila pababa ang damit na suot.

"Anong ginagawa mo dito?" Tiningnan ako nito na parang nababaliw na ako.

"Baka nakakalimutan mong kwarto ko ito. And I have the rights to go here without knocking and permission from you" Sabi nito saka tumawa ng mahina.

Bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig siyang tumawa. Ang aliwalas ng mukha niya kapag tumatawa siya. Ang gwapo niyang tignan.

Iniwas ko ang tingin ko rito. "K-kahit na. Baka rin nakakalimutan mong may kinidnap kang tao at ikinulong r-rito" Sinulyapan ko ito at unti-unting bumangon ang takot sa aking dibdib.

His face was void with any emotions. Kitang-kita ko ang pandidilim ng mga mata nito na tila ba manununggab ng tao.

"I-Im s-sorry. H-hindi ko sinasadya. Naghahanap l-lang a-ako ng maisusuot." Aligaga kong paliwanag rito.

Ang aking mga kamay ay magkahugpo na dahil sa panginginig noon. Ang mga tuhod ko ay naginginig na rin dahil sa takot at ramdam kong mapapa-upo ako sa tindi ng panginginig ng mga iyon.

"Ok" Dali-dali kong itinaas ang ulo ko para tingnan ito.

Unti-unti itong lumalapit saakin at wala pa rin akong mabasang emosyon sa mata nito.

"B-bakit ka lumalapit?" Iniaatras ko ang mga paa ko sa bawat abante nito.

Nakadalawang atras palang ako pero lumapat na ang likod ko sa pader.

"R-rio, Anong gagawin mo?" Kita kong natigilan ito at unti-unting umaliwalas ang mga mukha.

"What did you just said?" Tumigil ito ilang dipa ang layo saakin kaya nakahinga ako ng maluwang.

"Rio, Anong ginagawa mo?" Inulit ko ang sinabi ko at nagtatakang tiningnan siya. Ngumiti ito saakin at napatulala ako sa ganda ng ngiting ibinigay niya.

Sa totoo lang ay gwapo ito at may ipagmamalaki pero dahil sa ginawa niya saakin ay nagbabago ang tingin ko sakanya.

Hindi ko namalayan na nakalapit na ito saakin. Nanlaki ang mga mata ko ng niyakap ako nito ng napakahigpit. Nakabaon ang ulo nito sa leeg ko.

Nakatayo lang ako roon, nakikiramdam kung ano ang gagawin niya. "Bakit?" Tanong ko rito.

Umiling siya. Mas lalo pang humigpit ang yakap nito saakin na tila ba ay kumakawala ako.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko —kung itutulak ko ba siya o yayakapin rin. Sa lakas ng tibok ng puso ko ay natatakot akong baka naririnig niya iyon.

Suddenly, My mind remind me the thing he did to me yesterday kaya dali-dali ko siyang itinulak. Nanginginig ang katawan ko. I'm panicking and I don't know what to do.

"Hey! Hey! What's happening, sweetheart? Why?" Nag-aalalang sabi ni Rio.

Bumibilis ang paghinga ko. Umiikot ang paningin ko at bago dumilim ang lahat, isang boses ang narinig ko. "Jasmin? Fuck! Im so sorry–" Then everything went black.

-Makahiyaya

Made For HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon