Vanessa Jasmine's
As I follow through the door, I started to think about the places we'll go.
Siguro sa park? To make it up to me and talk? Nah. Hindu nga siya masyadong nagsasalita tapos talk pa? Or he will let me go home? Haha.
Funny, he'll never do that.Nakita ko siyang tumayo malapit sa kulay puting sasakyan na pang-four sitter. Hindi ako mahilig sa sasakyan kaya 'di ko alam kung anong klase ng sasakyan iyon. Pero masisiguro kong mahal iyon base sa disenyo at kakaibang anyo non.
Lumakad ako palapit sakanya at tumayo sa likod nitong nakatalikod pa rin sakin.
"Get in the car." Malamig nitong sabi saka pumasok at umupo sa sasakyan. Sinundan ko siya ng tingin, saglit na tumulala saka lumakad sa kabilang bahagi upang makaupo sa passenger seat.
Hindi pala siya gentleman. Sabagay, ano pa bang aasahan ko sa isang katulad niya?
I felt the car move and we passed through the gate. Nanatili siyang tahimik pati na rin ako. Wala naman akong dapat na sabihin sakanya kaya 'di na lang rin ako magsasalita.
"You'll come with me in the office. Dun ka lang. I'll work and I'll let you roam in there." Kaswal na sabi nito. Ni walang sulyap at nakatuon lang sa daan
Gulat akong napatingin sakanya.
"Dadalhin mo ko para lang rin ikulong sa office mo? Anong gagawin ko dun? Tutunganga? Dapat iniwan mo na lang ako. May kausap pa ako roon sa bahay mo kesa siguro sa office mo." Sabi ko rito habang nakatingin at nakaharap.
Kunot ang nuong binalingan ako nito saglit.
"Why? Don't you want to be with me?" Malamig ang boses na tanong.
"W-what?" Nanlalaki matang lalong napatitig ako rito. Ramdam kong nag-iinit ang pisngi ko.
"Wala. I'll let you use my phone. But don't do anything that'll make me mad, sweetheart. Yeah?" Kunot pa rin ang noo nito.
Hindi ko ito sinagot saka napabaling sa labas ng bintana. Kita kong puro puno ang dinadaan namin. Hindi ko alam kung ano at saang lugar niya ako dinala pero sa tingin ko'y probinsya ito. Bibihira ang mga tao at kita ko ang mga palayan saka kubo na klase ng bahay.
Habang tumatagal ay kita ko ang pagbabago ng paligid. Kanina puro puno ngayon nama'y puro gusali na. Sa tingin ko ay dalawang oras na kaming bumabyahe. Hindi naman ako naboboring dahil nagagandahan ako sa tanawin ngunit ngayong nakakita ako ng mga building, unti-unti akong nagkaroon ng ideya kung saan kami pupunta. Kabisado ko ito.
Agad akong napalingon kay Rio. "Malapit na ito sa bahay." Sambit ko rito. Hoping he would let me see my mama.
"I know." Napasulyap ito sakin saka muling umiwas ng tingin. "But were not going there, sweetheart."
Nanlulumong muli akong napatingin sa bintana. Masakit pala talagang umasa.
Rinig kong bumuntong hininga si Rio pero di na ko muling tumingin sakanya. Ipinikit ko ang mata saka umasang makita ko muli si mama. She's the only reason why I choose to live. Wala na si papa. Kaming dalawa na lang kaya pursigido akong makapag-aral para matulungan siya. Pero naging pabigat pa ako.
I never see myself in this kind of situation. Simple lang ako. Wala masyadong kaibigan maliban kay Aly. I think of the world as a game. Why? Kasi kung mananalo ka ibig sabihin malakas ka pero kung natalo ka, game over. Facing life battle and life itself is exhausting. But I think it's worth it on the end. Or not?
Tumigil ang sasakyang sa isang mataas na building. Kusa na kong lumabas at hindi na siya hinintay. Di rin naman niya ako pagbubuksan.
I felt him gripped my wrist and slowly walked inside the building. He walk like he owned the word, like he own every person he walked through. Samantalang ako sumusunod lamang sakanya na nakayuko.

BINABASA MO ANG
Made For Him
Fiksi UmumVanessa Jasmine Aravalo is living a simple life with her mom. A college student who wants to be on top upang maging proud ang magulang niya sakanya. Ngunit mula ng magdise-otso ay naging kakaiba ang kinikilos ng kanyang ina at napapansin rin ng kany...