Chapter 21

4.9K 121 25
                                        

Vanessa Jasmine's

Weeks have passed. Ilang araw na rin niyang hindi nakakausap ng maayos si Rio. Every morning she would wake up on a kiss on her forehead. After that he would leave and out a note on her bedside table saying...

'I went to work, sweetheart. Eat the foods on the table. Im watching.

-Rio'

Kapag dumadating naman ito ay tulog na rin siya. She wants to see him and talk to him before she doze off to sleep pero nakakatulugan niya ang paghihintay sa kwarto niya. Bumalik na rin ang mga katulong niya o sina Manang Beth pero umaga lang sila nandoon at pagmagluluto. Pagtapos niyon ay aalis na rin ang mga ito.

It's like he ordered them to never talk to her or something and she's upset. Wala siyang makausap na bahay nito.

Naia was with her mother the day after they went to the park. Amanda said she sorry for the time they wasted for her daughter pero para sakanya ay hindi naman 'waste' iyon. She had a great time with Naia. She loves her already. Kung pwede lang na sana sakanila muna ito pero alam niyang hindi pwede. Although Naia's mother scold Rio for taking her daughter in Cavite. Ang layo raw ng nararating ng anak nito kapag si Rio ang kasama.

I remembered her whispering to me that Rio took Naia to hongkong because Naia kept on asking him to take her to mickey mouse. Natawa na lang siya sa sinabi nito. Who would do something like that? Rich men.

Hindi rin naman ito nagtagal at umalis rin sila ni Naia. Pero bago ito makasakay sa sasakyan nito, Amanda glance at her curiously. Tila may iniisip ito. Inignora niya lamang ang tingin nito at kinawayan bago umalis. And after that? Rio went busy.

Wala siyang ginawa magdamag kundi kumain, manood at matulog. Hindi siya pwede lumabas dahil may nakabantay sa gate niyon. Kahit sa garden ay hindi siya makapunta dahil tumutunog ang alarm na kung ano doon. If she would try to escape, she'll be dead.

Sa mga unang araw naman ay okay pa sakanya pero habang tumatagal ay naiinip siya. Ni wala nga siyang magawa sa loob ng bahay nito. Hindi na rin siya sinasama sa trabaho like he did. She knew she's a prison on his house. She knew he kidnapped her pero sa mga nakalipas na araw ay parang nakakalimutan niya ang dapat na gawin.

Right now, she's on the dining table eating her dinner. Adidas ang ulam niya and she request it to Manang Beth 'cause she miss it.

Habang kumakain ay biglang tumunog ang doorbell ng pinto. Kung si Rio iyon ay hindi na ito kakatok para lang pumasok. Nakalagpas rin ito sa gate, marahil ay isa iyon sa mga katulong.

She stands up and walked to the open the door. Pagbukas niya ay hindi katulong iyon. Si Christopher iyon, yung doctor na tumulong sakanya noong...

Ipinilig niya ang iniisip at nginitian ito. "Hi. Wala si R-rio dito. Nasa trabaho pa." sambit niya. Hindi ko maiwasang hindi kabahan sa presensya nito.

"Hmm. Hindi naman siya ang ipinunta ki rito. May I come in?" sagot nito sakanya.

Kinakabahang tumango ako at niluwagan ang pagbukas ng pinto. Pumasok ito at umupo sa sofa na parang pagmamay-ari nito ang bahay. Isinara niya ang pinto at lumapit sakanya.

"You want some juice?" Mahinang sambit ko pero umiling lamang ito.

"Sit down, please." Malumanay ang boses nitong utos sakanya. Umupo siya sa pang-isahang sofa sa gilid lang ng inuupuan nito.

Pagkaupo niya ay umayos ito ng upo. Itinukod ang mga siko sa tuhod at tumingin sakanya.

"So, Rio still didn't let you go huh?" Sambit nito at ngumisi sakanya.

Umiling siya rito bilang sagot. She began to tense. Medyo nanginginig ang kamay niya pero ikinuyom niya iyon at inilagay sa hita niya.

"How old are you again?" Tanong nito at muling sumandal sa sofa. Kita niyang pinagmamasdan siya nito.

"E-eighteen." Sagot ko sa mahinang boses at yumuko para iiwas ang paningin rito.

"Ang bata mo pa, Vanessa. Hindi mo dapat nararanasan ito. You should be studying, enjoying your youth days. Hindi iyong nakakulong ka rito. And I'm sorry in behalf of Rio for doing this to you. I really am, Vanessa. Hindi ko ineexpect na itutuloy niya itong plano niya. Nevertheless, I'll help you." Sambit nito sakanya.

Nanlalaki ang matang tiningnan ko siya. Ramdam ko ang pag-init ng sulok ng mata ko. "B-but you're Rio's friend. You should be at his side." I said.

Umiiling ito at bahagyang tumawa. "I know, Vanessa. But I don't tolerate his actions." Sumeryoso ang mukha nito at nagtagis ang mga bagang.

"That kind of person should be behind the bars, Vanessa. Kahit kaibigan ko pa siya, hinding-hindi ko papatulan ang mga pinaggagagawa niya." Tumingin ito sakanya.

Bahagya itong tumayo at nilapitan siya. "Come. Come with me and I'll take you where you should belong, Vanessa." Inilahad nito ang kamay sakanya.

Napatitig siya sa palad nitong nakaabang sakanya. Ang bilis. Ang bilis ng pangayayari at hindi niya na alam kung anong dapat na gawin. She should not be hesitating on taking his hands. She would be saved by him. Babalik na siya sa nakasanayan niya. Sa mama niyang nag-aantay sakanya. Sa kaibigan niya.

Pero may pumipigil sakanya. She wants to be free, to go back to her previous life. Pero paano si Rio? And why would she care? She shouldn't care about him.

She can't see Rio behind bars. Ayaw niya isipin ang ganoong ideya pero alam niyang may pinaghuhugatan ito ng galit. She can't imagine talking to Rio while he's on a cuff.

"So, you grow fond of him huh?" Umismid ito at inalis ang pagkakalahad ng kamay.

"I-i don't know." Sambit ko. Hindi ko alam. Hindi ko na alam.

"It's ok. I should leave now then." Nataranta ako ng naglakad na ito palapit sa pintuan.

"W-wait!" I said. Tumayo ako at lumapit rito. Ipinahid ko ang nanlalamig na kamay sa suot kong short. "A-ahm..."

I want to tell him something but my mouth is quivering. Bukas sara lang ang nangyayari kung kaya't yumuko na lang ako at bagsak ang balikat na tumayo lang sa harap nito.

Rinig ko ang mahinang pagtawa nito. Unti-unti nanlaki ang mata ko ng inilagay nito ang mga kamay sa likod ko at ulo ko para yakapin.

He's hugging me. "Christopher..." Nanginginig na sabi ko.

"It's ok. I won't force you. I know there's something between you and Rio but please Vanessa. You're too young. You're too young for this." Humigpit pa lalo ang yakap nito at napaiyak ako.

Sa mga araw na nandito ako, ngayon ko lang naramdaman na may karamay ako. It's like he knew what I felt. He knew what I'm enduring. But I don't know what stopping me.

Everytime I look at Rio. He looks different from the first time I saw him. He's gentle and sweet opposite of the person I first met. He's different, I know. He won't hurt me this time right? I know he won't.

"Shh. I'll take my leave now." Sabi nito at binitawan siya.

Pinahid ko ang mga luhang natira sa mukha ko at nginitian ito at tumango. "I-ingat ka."

Inihatid ko ito hanggang pinto pero bigla itong humarap. May kinukuha ito sa wallet nito.

"Here." Sabay lahad sakanya ng papel. Kinuha ko iyon at tiningnan. Naglalaman iyon ng numero at contacts nito.

"Call me. Email me. Kahit saan riyan ay macocontact mo ako. I won't interfere unless you'll tell me." Sabi nito saka napagtuloy na umalis.

Isinara ko na ang pinto at tinitigan ang ibinigay nito. Huminga siya ng malalim at inilagay na lamang iyon sa bulsa niya saka dumiretso sa kwarto upang matulog.

She's exhausted. She don't know what to do anymore.

-Makahiya-




Made For HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon