Chapter 4

9.7K 220 4
                                    

The next day came–Saturday, ibig-sabihin ay kailangan kong linisin ang kwarto ko. Pagpapalit ng bedsheet, pagbababa ng laundry at pagwawalis lang naman ang kailangan kong gawin.  

Ang laundry ay hindi na ko na kailangan pang gawin dahil tuwing linggo may pumupunta rito upang maglaba at binabayaran ni mama iyon.

As I was cleaning my room, under my bed I saw a–I think its a sketchbook. Gamit ang walis ay pilit ko itong inabot hanggang sa kaya nang kunin ng kamay ko. Pinagpagan ko ito at tinitigan. Inaalala kung saan ko ito nakuha. 

Biglang tumunog ang aking cellphone sa gitna ng aking pag-iisip. Dali-dali akong tumayo at pinatong ang sketchbook sa mesa malapit sa kama ko.

Inabot ko cellphone ko na nasa kama at sinagot ito ng hindi tinitingnan ang caller. "Hello?" 

"Anak, Kamusta? Ok ka lang ba? May nangyari ba sayo? Hindi na ako nakapagreply kagabi sa dami ng pasyente. Pasensya na anak." Sabi ni mama. Naririnig ko ang pag-aalala sa boses ni mama. 

Sa tuwing naririnig ko ang pag-aalala sa boses niya ay di ko kaiwasang mag-alala rin. Alam kong may tinatago siya saakin. Matagal ko nang napapansin iyon mula ng mawala si papa. 

Hindi ko rin maiwang isipin ang lalaki kagabi. Natatakot ako dahil baka totoo nga na kukunin niya ako. From the grin that he gave me last night, I know Im not safe.

Pero sa lahat ng naisip ko ay nagawa kong sabihin kay mama na "Ma, Im ok. Im safe. Wala naman pong nangyari. Atsaka, I'll call you right away 'pag may hindi magandang nangyari saakin. Kaya chill, ok?." But I know myself, Im not ok at all.

I hear her sigh on the other line. "May dahilan pa ako kung bakit ako tumawag anak. May gaganaping Volunteering Act ang hospital, Sasama sana ako, iyon ay kung ok lang saiyo? Pero uuwi pa naman ako kung papayag ka kasi kukuha oa ako ng gagamitin ko. Alam mo namang–" I cut her off. "Ma, ok lang po. As long as safe kang uuwi at masaya. Don't depend your life on me, Ma. Go enjoy. YOLO, Ma. YOLO!" I said laughing.

Natawa rin si mama sa kabilang linya " Ok ok. Mag-iingat ka riyan ha? Locked the do-" I cut her off again. I know I may sound disrespectful but she's saying that again and again. It's like her chant.

"Door and closed the curtain before I go to sleep. I know, ma. Sinabi mo na po iyan ng napakaraming beses." Rolling my eyes afterwards. 

"Ok, I got to go. Bye, love ya!" Then she hung up. Wow, ni hindi man lang ako pinagsalita.

Nang ibaba ko na cellphone ko ay lumabas ako ng kwarto at bumaba sa sala. Checking the time, it's already 11:28 am. Kailangan ko nang magluto ng tanghalian.

Dahil mag-isa lang rin ako sa bahay ay nagsaing ako ng kaunti at nagluto ng adobong manok. Hanggang pangdinner ko rin ito. Para hindi na ako mag-aabala pang magluto mamaya.

Pagtapos kong magluto ay inihain ko na ito sa four seater naming lamesa at kumain na. Pagtapos ay inilagay sa lababo ang hugasin. 

Habang hinuhugasan ang plato ay narinig kong tumunog muli ang aking cellphone. Pinunasan ko ang aking kamay at kinuha ang cellphone kong nasa lamesa.

Without looking at the caller I answered "Hello?" Is it me your looking for? Gusto ko sanang idugtong kaso nakakahiya, baka di kami ng close ng tumawag.

"Van! It's me Ali, The most beautiful girl in the philippines!" She shouted. Napa-irap naman ako sa sinabi at pagsigaw niya. Lumalabas na naman ang pagkamega-phone niya. Sometimes she's normal but most of the time she's abnormal.

"Oh, it's you 'Ali The Megaphone'." I answered back. Gamit ang tenga at balikat panghawak sa cellphone ay kumuha ako ng ice cream sa ref at dumiretso sa sala at manood ng tv.

"May gagawin ka ba ngayon? Pupunta ako bar, Sama ka?" Binuksan ko ang tv gamit ang kanang kamay, ang kaliwa ay hawak ang bowl ng ice cream at ang tenga at balikat ay ang cellphone ko.

"Alam mo namang hindi ako nagpupunta sa mga ganyan, Ali. Wag mo akong igaya sayo. Mas gugustuhin ko pang makasama ang baby books ko kesa magpunta sa bar-bar na iyan." Well, Im not into clubbing. Hindi ko gusto iyong ilaw na paiba-iba at paikot-ikot dahil nakakahilo iyon. Lalo naman ang amoy ng bar na pinaghalong alak at sigarilyo. Nakapunta ako dati, ok? Iyon ay dahil birthday ni Ali at pinagbigyan ko lang siya since bestfriend ko siya.

"Please Van, Last na 'to. Enjoy-in mo naman ang buhay mo! Hindi ka ba nagbobored diyaan na maghapong nakaupo at nagbabasa o kaya nanonood? Duh, do something! YOLO, Van. YOLO!" Nabalik pa ata ang sinabi ko kay mama kanina. 

I sigh at hinawakan ang cellphone ko gamit ang kaliwang kamay, ang kanan naman ay hawak ang remote ng tv, switching it in Disney channel. Well, Im a fan of disney cartoons. Naka-indian sit ako sa couch at nasa gitna nun ang bowl ng ice cream. How comfortable my position is. I love my life.

And since I love my life "Ok, ok. Im coming. Sunduin mo ako mamaya. No buts, ikaw ang nag-aya. And it's your expences ok? Bahala ka." I said and hung-up. Well, like mother like daughter.

7:00 pm na nang mag-ayos ako. Nakasuot ako ng black fitted off-shoulder croptop na pinaresan ng black fitted skirt na umabot hanggang kalahati ng hita ko. Nagsusuot na ako ng black stilleto heels ng may magdoorbell. Baka si Ali na iyon.

Muli kong tiningnan ang aking sarili sa salamin, ang tagal na rin mula ng magsuot ako nga ganto ka-revealing na damit. Bumagay saakin ang aking suot at light make-up. Kinuha ko ang silver purse ko sa lamesa sa tabi ng kama ko.

I accidentally saw the sketchbook. Gustong-gusto kong tingan iyon pero ang doorbell namin ay masisira na ata sa kakapindot ni Ali.

Nagmamadali akong bumaba at kamuntikan pang matipalok sa pagmamadali. Binuksan ko ang pinto at binulyawan si Ali "Sisirain mo ba ang doorbell? Ikaw magpapalit niyan, sinasabi ko sayo!"

Kita ko si Ali na nakatunganga saakin at parang baliw na nakatitig habang bukas ang bibig. "Hoy!" Sigaw ko rito sabay pitik sa noo. Parang tanga kasi, nakakainis.

"Wow, Saan lamay mo 'te? All black ah?" Sabi nito ng habang hinihimas ang noo. "Sa lamay mo. Sama ka? Ihahatid na namin eh" Pabalang na sinabi ko at lumabas na ng bahay at ni-lock ang pinto. 

Humarap ako kay Ali at nakita ko itong masama ang tingin saakin kaya nginisian ko lang siya at dumiretso na sa sasakyan nito sa backseat. May driver naman siya kaya di na siya mag-aabala pang magdrive.

Nakabusangot na pumasok si Ali sa kabilang parte ng backseat. "Sa'yo to kotse? Nakakahiya naman sayo" Sarcastic ang pagkakasabi niya ngunit maya-maya ay bigla siyang humarap sa akin at tumili. Napatakip naman ako ng tenga. Nagsimula ng umaandar ang kotse. At nagsisimula na rin siyang maging abnormal.

"You're so pretty talaga, Van! Akala ko niloloko mo lang ako kanina eh" She said while grinning widely.

"Bakit naman kita lolokohin? As long as I remember, Ikaw ang nagloloko?" Balik na sagot ko. Kita kong pag-irap at pagcross ng kamay nito sa dibdib. "Dati yun noh! Ngayon hindi na. Nagbago na ako." Then she grin.

Nakakatakot ang babaeng ito, paiba-iba ng ugali. Iiling-iling akong tumingin sa labas ng kotse at isinandal ang katawan rito. I think it's gonna be fun tonight. Or not.

**
Van's Outfit at the multimedia

-M



Made For HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon