Four

217 5 0
                                    

"Jacky, hija. How was your day?"

Kailan ba ako tatantanan ng pangalang yan? Solve na sana ako sa Aki.

"I'm tired Mom. Nag practice kasi kami ng presentation namin sa school." Kahit ang totoo ay nagpapractice ako ng parkour. Bago kong sports. Naaaddict na nga ako ee.

"Matulog ka muna. Gigisingin na lang kita mamaya. May dinner tayo kasama ang mga Valderrama."

"Po?" I remembered what happened a month ago. Then Terrence came into the picture. Infairness to him, ang sarap niya kausap. Tawa lang ako ng tawa nun.

"We will have a dinner. Oo nga pala, anong nangyari kay Terrence. Are you still in contact?"

Hala! Anong sasabihin ko? Ni address nga wala ako ee. "Of course Mom."

"Good. Sige na umakyat ka na ng kwarto mo."

Pagkapasok ko ng kwarto ko, computer agad ang hinanap ko. I searched his name on Facebook. Luckily, nahanap ko siya.

Infairness ang cute ng profile picture niya.

I add him as a friend. I started to type a message when the notification icon pop up. Ang bilis naman nito maka confirm.

Number?

Bakit?

Kasi kailangan ko Mr.Valderrama.

Ang formal mo naman parang wala tayong past. Ito na nga 09*********

Natatawa akong tinype sa cellphone ko ang number niya. Ang cute kasi ng humor niya.

"Hindi ka ba nakontento sa chat kaya tinawagan mo na ako?"

" 'Lol. May dinner daw tayo?"

"Chat to tawag tas date naman ngayon? Ang bilis mo naman Sugarpie."

"Seryoso nga. Mag didinner daw ang mga pamilya natin." Kunwari galit ako pero gusto ko na talagang tumawa.

"Parang hindi naman ako kasali. Hindi kasi ako na inform."

"Ganun ba? Pero kung saka-sakali, pwede bang, ano..."

"Magkunwari ako ulit?"

"Ah yeah. If that's ok with you kung hindi naman ok lang din. Mag-iisip na lang..."

"Ok lang Aki."

"Thank you.. Wait. What? You called me..."

"Aki. Nakalagay kasi sa FB mo. Ang taas kasi ng pangalan mo. Jacquiline, pang classical."

Tuluyan na akong natawa. "You're really funny. Ligawan mo na kaya ako ng true?" I joked.

"Ay hija, ang swerte mo naman kung ganun. Abuso na yan."

Tawa lang ako ng tawa sa sinabi niya. "Sige na. Kailangan ko pang magpaganda para ligawan mo na talaga ako." I joked? Joke ko pa ba yun? Ah ewan.

"Ikaw ha... Type mo ko noh?"

"Yeah yeah pag natubuan na ng pakpak ang baboy, posible yan. Pero salamat talaga Terrence."

"Bye Aki." And I heard the tone, senyales na natapos na ang tawag.

The way he said my name, Aki, parang nakakagaan ng feeling. Makaligo na nga.

MaskedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon