"Betty. Betty. Betty." I tapped my phone waiting for her reply. "Nasaan ka na ba?" Pag tinatawagan naman hindi sinasagot.
Mahigit 30 minutes na akong naghihintay sa may pool area pero walang anino ni Betty ang dumating. Galit nga siguro.
"Miss, magsisirado na kami. Dumidilim na, umuwi ka na."
"Kuya.." Lumapit ako kay Mamang Janitor. "Ako na lang ang mag lolock. Six-thirty. Aalis na ako pag six-thirty na. Please kuya. May hinihintay lang talaga ako. Importante."
"O sige. Bahala ka jan. Basta i-lock mo 'to ha." Iniwan na ako ni Mamang Janitor.
Umupo ako sa isa mga bleachers. Ganun ba ka grabe ang galit sa akin ni Betty? Kinabahan na ako ng tuluyan.
I dialed her number again.
Terrence's POV
"Shit memeng naman Drake!" sabi ko habang tulak-tulak ang Volks niya. Pawisan na ako at naamoy ko na ang pawis sa katawan ko. "Ang baho ko na! Langya naman eh!"
"Ito na nga oh! Ito na." Sinusubukan naman nitong mapaandar ang sasakyan.
"Sabi ko naman kasi sa'yo mag taxi na lang tayo. Dala-dala mo pa talaga tong sasakyan mong bulok. Ipa chop-chop mo na kaya 'to."
"Hoy pasalamat ka tinulungan pa kita!" Nakalabas pa ang ulo nito sa bintana ng sasakyan.
"Na kung di dahil sa'yo di ko rin naman kakailanganin ang tulong mo. Bilisan mo na jan! Anong petsa na!"
Sa wakas, umandar na rin ang sasakyan. Pangatlong tulak ko na at konting-konti na lang dadating na kami.
Dali-dali akong sumakay. "Drake, utang na loob naman sana panghuli na yun ah. Late na talaga tayo."
Biglang tumunog ang cellphone nito. He answered the call, excitedly. "Ha? Oo nga. Kulit naman eh. Lapit na. Oo, nakikita ko na yung gate. Sige na. Oo. See you. Babye."
I look at him, examining his expression. Tinitigan naman nito ang cellphone, as if may nakikitang mukha. Or shall I say, iniimagine.
"What?" painosente niyang tanong.
"Hindi ka naman nagpapaalam sa mga tinatawagan mo o tumatawag sa'yo. You dismiss a call like a hot potato. Tas ngayon may pa see you at bye ka pang nalalaman. Para ka pang timang jan na nakatitig sa telepono mo."
"Alam mo Brod? Late ka na," paiwas niyang sagot.
I laughed at his reply. "I'll let you pass this time. For now, ako muna."
~~
"Shet Drake, wag mo akong itulak! Ito na nga oh! Ito na!"
"Pare naman. Ang dali lang ng gagawin mo! Alas syete na, ano ba? Konting bilis naman! Baka sirado na!"
"Wow! Sorry ha? Sorry talaga!" I hissed sarcastically.
"Mamaya mo na ako bugbugin! Pumunta ka na dun."
"Teka lang! Penge naman ng pabango jan Drake! Dyahe naman pag amoy pawis ako."
"Wala akong.. Ay teka lang." May kinapa ito sa likod ng pantalon nito.
"Pambata naman yan eh! Hindi naman ako mag aamoy binata jan! Bakit ka ba may Johnson's sa bulsa mo?"
"Wag ka na ngang magtatanong jan!" Winisikan ako ng magaling kong kapatid ng pabango niya.
"Ayan, amoy bata ka na! Masarap ka ng alagaan. Go na!"
"Ito na nga oh! Ay shit!" Nagulat ako ng bigla akong itulak ni Drake. Pero mas ikinagulat ko ang mukhang tumambad sa akin.
"Terrence?!"
"Hi... Aki."
BINABASA MO ANG
Masked
RomancePagod na siyang magkunwari. Pagod na siyang magtago. Will he help her? Hindi siya mayaman. At pagod na siyang makibagay sa mundong pinipilit ng tadhana sa kanya. Will she guide him?