Date tayo?
I looked at Terrence. Pinanlakihan ko siya ng mata at iba ata ang pagkakaintindi niya.
"Excuse me, Mr. and Mrs.Ferrera. Pwede po bang hingin ang permiso niyo? Yayayain ko po sanang mag date ang anak niyo ngayon? Kung pwede po sana."
"9 in the evening na but if you promise to take my daughter home before midnight then it's okay," pagpayag ni Daddy.
"Thank you Sir." Tumayo na ang mokong. "Shall we go Jacky?"
Me, being the good daughter, obliged. Tumayo ako at magka agapay kaming lumabas ng restaurant.
"Sooo, saan mo gustong pumunta Jacky?"
Binalingan ko siya. "Tado. Nagyayaya ka tas di mo alam ang pupuntahan? At pwede ba, Aki ang pangalan ko. Ba't ka ba kasi nagyayaya ng 'date'?"
"Gutom pa kasi ako. Ganun ba talaga pag pagkaing mayaman? Mahal pero bitin? Mayaman naman bat pa nagtitipid ng pagkain? Atsaka alam mo nung papasok ako sa restaurant, tinanong ako, 'any reservation sir?' Buti tinawag mo 'ko, di ko kasi alam na nakareserve pala tayo. Nakakapanibago lang."
Ang daldal niya at ang cute! Ang sarap kurutin.
"Bakit?"
Napamata ako. "Ha? Anong bakit?"
"Ba't ganyan ka makatingin? Rapist na rapist."
"Excuse me! Hindi ako nakatitig sa'yo, nag-iisip ako ng pwedeng puntahan. Ikaw kaya mag-isip tutal ideya mo 'to."
"Oyy defensive ha! Ang sabi ko tingin tas titig yung sinabi mo. Iba ang tinitingnan sa tinititigan."
Bubuka na naman sana ang bibig ko pero naunahan niya ko. "Dun tayo!"
Isang makeshift plaza ang kinahantungan namin. Hindi naman talaga siya matatawag na plaza. Benches lang sa tabi-tabi at may mga makakain din. May mangingilang tao din ang naglalakad.
"Hmmm dito masarap."
Ang mukha niya ay parang batang bibilhan ng bagong laruan. Napangiti ako habang minamasdan siya.
Ngayon lang ako nakakita ng lalaking gaya niya. Lahat kasi ng kakilala ko mahilig magpa impress, takot silang mahusgahan ng mga babae. Ang lalaki ng mga ego.
Pero ang isang 'to, kung anong iniisip yun din ang nilalabas ng bibig. And I find him very, very adorable.
"Jacky! Lutang ka naman!"
Kunot-noo ko siyang tiningnan. "Aki nga!!
------------------------------------------
"Akala ko ngayon ka lang nakakakain nito, sanay ka na pala." Nag-uusap kami ni Terrence habang naglalakad. Katatapos lang kasi namin kumain.
"Sige na nga sasabihin ko na sayo. Nag skaskate kasi ako ng araw na nakita mo ako at ayun sa 'rule book' ni Margarette, yung stepmom ko, it's a big no no for a girl to skate. Kaya naman wag mo sanang sabihin sa kanila."
"Ang cool mo naman! Turuan mo ako minsan niyan ha! Pero nasaan dun ang dahilan bakit sanay kanang kumain ng street foods?"
"Umaabot na kasi ng dilim yung praktis namin at dahil likas akong tamad. Di na ako sumasama sa mga kasama kong kumain sa mga restaurant, dun na lang ako sa street foods. Pero highschool pa ko mahilig na akong kumain kaso pinagbawalan kaya nun lang nanumbalik ang pagkain ko ng street foods at di ko na tinigilan. Buhay pa naman ako..." Napatigil ako sa pagsasalita dahil sa tingin ko ang boring na ng pinagsasabi ko.
"Ba't ka tumigil?"
"Am I boring you?"
"Di ah! Ang sarap nga pakinggan ng boses mo. Magsalita ka pa."
LAKAS MAGPAKILIG MEN!! Nambobola ba 'to? Pero ng tingnan ko naman ang mukha niya parang wala namang ibig sabihin nung mga sinabi niya. Frank lang talaga siya. Pero parang mas ayaw ko yun?
Naman, nag-assume pa naman ako.

BINABASA MO ANG
Masked
RomancePagod na siyang magkunwari. Pagod na siyang magtago. Will he help her? Hindi siya mayaman. At pagod na siyang makibagay sa mundong pinipilit ng tadhana sa kanya. Will she guide him?