Twelve

140 3 0
                                    

      "Shit. Shit. Shit. Shit!" I cursed while massaging my feet. Mukhang malaki talaga ang pinsala ko ng natapilok ako nung praktis. Ang resulta? Di ako nakapaglaro.

    Ang sakit lang sa dibdib ko. Syempre mahal ko ang sports.

    Sa pagkaalala ko sa praktis, sumulpot din sa isip ko si Terrence. Wala na kaming pag-uusap pagkatapos ng araw na yun and I kinda missed him. Okay. I missed him.

    Bigla din akong naging stalker. Nasuyod ko na ata lahat ng posibleng masuyod sa facebook account niya.

    Typical student siya. Hindi vain at puro mga group pictures ang laman ng album. Masenti din siya, mga love songs ang mga likes niya.

    Haay. Gabi-gabi ko na ata siyang iniisip. Wondering all the what if's.

    Nagulat ako ng makita kong nagpop-up ang pangalan niya sa chatbox ko. Chachat ko kaya? Ano namang sasabihin ko? Di bale na lang.

    Im on my way to log out ng biglang may bagong story sa news feed ko. Pagkatingin ko, my heart melted.

      Goodluck Sugarpie. :* :*

     I clicked the like icon and that made me the first person to like him err his status.

    Biglang tumunog ang chatbox ko.

    Kumusta ang laro mo?

    Di ako naglaro.

    Bakit? Na postpone ba?

    Hindi. Kasi yung paa ko, di pa kasi ganun kagaling.

    Nagulat ako ng biglang nag flash ang message na: Terrence calling.

    I quickly brushed my hair and accepted the video call.

    "H-hi." I can feel my cheeks reddened.

    "Ok ka lang ba? Nagpacheck-up ka na?"

     Imbes na sagutin ang tanong niya. Napatingin ako sa kabuuan ng background niya. Mga to do list na nakalagay sa isang board. May mga pictures din, group pictures. At iba't-ibang mga school stuffs. May pintoan din sa tabi na may nakalagay na uniform at tuwalya. Parang ang cozy lang nung kwarto niya.

    Teka, pamilyar ang uniform niya.

    "Hoy Aki! Lutang ka naman ata. Ang sabi ko nagpa check-up ka na ba?"

     "Ha? Ah eh..." Bago pa ako makasagot, biglang bumukas ang pintoan ko at iniluwa nun si Margarette.

    "Mar... Mom!"

    "Oh I'm sorry baby." Pero di naman sincere yung mukha niya.

    "I'm sorry din Terrence ha? Sige pagpatuloy niyo lang yan. Yayayain ko sana si Jacquiline mag swimming pero dahil busy pala siya, mauuna na ako. Bye kids!"

    "Pweew. Muntik na yun ah. Salamat Terrence."

   "Salamat saan?"

   "Ayoko kasi talagang sumama kay Margarette buti na lang at nanjan ka."

    "Yun naman talaga ang purpose ko di ba?"

    Bakit parang ang lungkot ng boses niya? "No, I mean, I'm sorry. I didn't mean it that way..."

    "Hindi, okay lang talaga. No harm done. So yung sa paa mo, magpa check-up ka ha? I have to go. Bye Aki."

    "Bye Terrence," sabi ko kahit wala ng Terrence sa screen ko. Bakit parang forever goodbye na yun?

MaskedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon