A knowing smile escaped from Terrence lips. Patay!
Kahit naman kasi sumasali ako ng mga skateboarding competitions wala namang nakakakilala sa akin kasi gumagamit ako ng ibang pangalan. At naka disguise ako pero magbabago ang lahat pag dumaldal itong si Terrence.
"Why darling? Magkakilala kayo ni Terrence?" tanong ni Margarette sa akin.
"Ah eh..." Nagpapawis na yung kilikili ko. I have to think of something.
"Actually Tita..."
"Manliligaw ko siya," putol ko sa sasabihin sana ni Terrence.
Kasabay ng panglalaki ng mga mata nila ang pagsasalita ni Drake. "Whuuuut?"
Kinausap ko si Terrence sa pamamagitan ng mata. Makisama naman sana siya.
"Is this true Terrence?" tanong ni Tita Cory kay Terrence.
"Ah yeah. Nagulat nga ako ng makita ko siya dito. Akala ko ka apelyido niya lang ang the famous 'Ferrera' clan."
"Oh I'm flattered hijo. Teka lang at tatawagin ko si Arturo at ng malaman niya ito," tukoy nito sa Daddy ko.
"Mom? Gusto ko sanang makausap si Terrence. Alone."
Isang makahulugang ngiti ang namutawi sa labi ni Margarette because if this 'thing' turns out so well, tiba-tiba na naman sila sa pera.
"Excuse me Tita, Drake." Isang confuse look ang ibinigay ni Drake sa akin.
Umalis kami ni Terrence at pumasok kami sa mansyon. "Doon tayo sa kwarto ko."
"Teka, manliligaw mo lang ako baka sa susunod kasal na ang pag-uusapan natin."
I chuckled. "Cute mo. 'Lika na." I led him to the stairs at dere-deretso kaming pumasok sa kwarto ko.
"Dito tayo." Pumunta kami sa veranda. Gusto ko dito kami mag-usap dahil bukod sa walang maingay, wala ding makakarinig at makakakita. Backgate na kasi ang bubungad na view sa veranda.
"Ang gloomy naman dito."
"Wag kang choosy."
Tiningnan niya ako na nakakunot ang noo. "I'm waiting for your explanation."
"I don't have to explain things to you. Ang gusto ko lang sabihin ay just keep your mouth shut. Pretend you don't see anything. At all."
"Manliligaw mo ko, ayon sa'yo, paano ko ipagpapatuloy yun ng wala man lang ako ka ide-ideya sa'yo? Balak mo kong gawing pakner in crime pero wala akong alam."
Wikang pangmasa ang gamit nito parang di bagay sa pinagmulan nitong pamilya. "Ba't ganyan ka magsalita? Parang..."
"Pang iskwater?"
"Hindi. Pang masa. O pang kalsada. I don't know basta parang di tumutugma sa katayuan mo sa buhay."
"18 years din kasi akong dukha, last year lang ako nag-upgrade ng social status. Anak ako ni Papa nung mapupusok days pa niya. Atsaka mahirap din baguhin ang nakasanayan kaya palittle-little muna. Ikaw nga jan ee, parang di bagay yang sinusuot mo sa attitude mo."
"Which leads back to our topic, okay lang na wala kang alam. After this night hindi na kita manliligaw. Kaya the lesser you know, the better. Intiendes?"
"Ouch naman. Ke bago-bago ko pa lang manligaw basted agad."
"You're funny. 'Lika na at baka hinahanap na tayo dun and please maki ride ka muna sa akin."
"Sige ba, front seat pa'ko kung gusto mo."
BINABASA MO ANG
Masked
RomancePagod na siyang magkunwari. Pagod na siyang magtago. Will he help her? Hindi siya mayaman. At pagod na siyang makibagay sa mundong pinipilit ng tadhana sa kanya. Will she guide him?