"Hello? Nasaan ka na ba? Ilang professor ko na ang dumaan sa harapan ko. Baka makita pa ako ng mga nun tanungin pa ako kung bakit hindi ako pumasok sa klase." Pero ang totoo niyan wala pa talagang professor na dumaan. Mga kaklase ko lang. Haha.
"Sugarpie naman. Wag ka ngang hot. Halata tuloy na excited kang makita ako."
"Excited my ass!"
"Oy Sugarpie ha, pati ba pwet mo excited akong makita? Mukha ba akong inidoro Sugarpie?"
Imbis na magalit ako, hindi ko napigilang matawa. Hayy. Patagal ng patagal, nag-iiba na ata pakiramdam ko. "Saan ba kasi school mo?"
"Sugarpie, I have to take care of some school stuffs. Sugarpie ha, english yun. Sosyal! Pero kidding aside, may mga naka pending pa kasi akong gawain kaya tinapos ko muna bago ako mag cutting para sa date natin. Kaya ako natagalan."
Nakonsensya tuloy ako. Nakalimutan ko na ako pala ang may kailangan sa kanya. "Ganun ba? Sorry Terrence. Sige take your time."
"Ok lang Sugarpie."
"Pinanindigan mo talaga ang Sugarpie ha?"
"Oo, bagay kasi sa'yo. Alam mo, your apology will be accepted kung tatawagin mo ako ulit ng Barnuts."
"Ang baduy kaya nun! Wag ka ngang madaming arte. Bilisan mo nalang jan."
"Ito naman, naglalambing lang. Kung di ko lang alam na excited kang makita ako di sana kita isu-SURPRISE!"
"TERRENCE!" Napasigaw ako ng biglang may kumiliti sa likuran ko. "Pano ka nakapasok?"
"I have my ways. Ikaw ha, nasa loob ka pa pala ng campus. Kung makapag utos ka sa akin akala ko nasa labas ka na."
Napa-hehe lang ako. "Punta tayo sa Sebastian's."
"Di ba fine dining yun? Ang mahal naman nun. Di carry ng budget ko."
"Treat ko naman. Atsaka yun ang 'date' na pasok sa panlasa ni Margarette. Kailangan pala nating mag take ng pictures, cause she wants proof."
"Talaga lang ha?" Tumaas-baba ang kilay nito.
Hinampas ko siya sa balikat. "Feeling mo. Gusto talaga ni Margarette ng proof. Hindi ko yan gawa-gawa lang."
"Okay! To the Sebastian's! Pero Aki ha, lilinawin ko lang, treat mo diba?"
"Oo nga."
"Ok, buti na yung malinaw." He held my hand as we started walking.
"Ba't tayo naka holding hands Terrence?"
"Sugarpie naman, of course! Couples tayo! Ayaw mo ba?"
Ooooh! It is a tricky question. Kung sasabihin kung gusto parang inaamin kong may gusto ako sa kanya. Kung hindi naman masasaktan naman siya.
"Whatever you say, shall be done. Gusto mo lang ata maka tsansing."
"Lambot kasi ng kamay mo. Sarap hawakan."
Naku! I can feel my heart melting! Ba't ganun? The way niya yun sabihin parang he's not trying to impress me. Hindi ng bobola. He's... sincere and it even made me like him more.
Parang pagkasama ko siya lagi akong special dahil sa mga papuri niya.
------------------------------------------
"Excuse me, papicture kami kuya." Inabot ko sa waiter ang cellphone ko. "Kunwari may pinunasan ka sa bibig ko ha?" sabi ko kay Terrence.
"Ok 1 2 3." I heard a click. Inabot pabalik nung waiter sa akin yung cellphone.
"Patingin!" Binigay ko kay Terrence ang cellphone. "Bagay talaga tayo."
Iba't-ibang klase na ng poses ang nagawa namin at ito na ang pinakahuli dahil tapos na kaming kumain. "Wag mo masysadong titigan, baka mahulog ka," biro ko.
"Bagay kasi talaga ee. Ang ganda mo."
Again, my heart did a sommersault.
"Salamat. Sige halika na at may practice pa ako. May competition ako next week."
"Manonood ako."
"Ha?" Iisipin ko pa lang nanginginig na ako. Baka di ako makapag perform ng maayos.

BINABASA MO ANG
Masked
RomancePagod na siyang magkunwari. Pagod na siyang magtago. Will he help her? Hindi siya mayaman. At pagod na siyang makibagay sa mundong pinipilit ng tadhana sa kanya. Will she guide him?