"Grabeng impact nung ginawa mo Aki! Trending ka na sa internet! May #realAki, meron ding #Akithegreatpretender. Infairness, madami ang positive comments."
"Betty..." My voice cracked. Hindi ko na nakayanan. Niyakap ko si Betty at umiyak.
She hugged me back. "Aki..."
"I did it Betty! We did it! I.. I just can't believe na kaya ko palang kumawala sa buhay na kinasadlakan ko, Betty. Thanks to you."
"Ikaw pa! Kaya tahan na Aki. Tapos na lahat and all we have to do now is to celebrate."
I was about to answer her when my phone rings. "Hala si Daddy. Sasagutin ko ba Betty?"
"Sagutin mo na Aki. Baka naman tanggap ka ng Daddy mo di ba? After all, he's your father. "
Tumango ako and answer the call. "Dad?"
"Darling... Where are you? Please tell me you're okay."
"Dad..."
"Let's talk. Baka konting misunderstanding lang 'to. Ayaw mo na ba talaga? We can still push through with the..."
"Dad?!" putol ko sa sasabihin niya. "Are we not through with that?"
"Jacky, sayang din naman. Please tell me what are your reasons..."
"Reasons?! Hindi pa ba klaro sa'yo lahat Dad? I don't want being controlled! I want to rule my life. My own life. Anong mahirap intindihin dun Dad?"
"Gusto ko lang naman ay yung anong makakabuti sa'yo. I'm still your father."
"If you're still my father, you will understand me."
"Anak, intindihin mo rin ako."
"Anong iintidihin ko Dad? Na sayang yung negosyo mo? Na sayang yung pera? Kung gusto mo ang engagement na yan ikaw na lang ang magpatuloy niyan! Saksak mo sa baga mo ang pera!!" I immediately ended the call.
"Aki..." Hinagod ni Betty ang likod ko.
"Kailan ba ako matatanggap ng pamilya ko Betty? I wish my Mom was here. She'll know what to do. I felt so alone. Pera lang ba ang mahalaga kay Daddy?"
Niyakap ako ni Betty. "Ok lang yan Aki. Andito ako, pamilya mo rin ako at tanggap kita. Wag mo munang isipin yan. Let's take it one at a time. For now, namnamin mo ang kalayaan mo. Huwag kang mag-alala. Mag-iisip tayo ng paraan."
"Thank you so much Betty."
~~~
"Hala," narinig kong sabi ni Betty.
"Bakit Betty?" tanong ko sa kanya. "Anong nakikita mo?" Nakasilip kasi ito sa may bintana. "Isirado mo na yan at inaantok na ako."
Magkatabi kaming matulog ni Betty sa kama for the reason na ito lang kasi ang kama sa buong bahay. Ayaw din naman ni Betty na sa sahig o sa couch ako matulog.
"Yung Daddy mo nasa labas," she nervously glance at me while I refuse to look at the window.
"No way. Isang linggo niya akong pinabayaan. Ni walang ha ni ho, tas ngayon magpapakita siya? At gabing-gabi pa ha. Neknek niya."
"Tatawagan ka niya Aki."
And true to Betty's words. Tinawagan nga ako ni Daddy. I answered the call.
"Labas lang ako saglit," I told Betty after the call.
"Basta andito lang ako, ano man ang mangyari."
I smiled at Betty. "Thanks Betty." I hugged her before I headed to the door.

BINABASA MO ANG
Masked
RomancePagod na siyang magkunwari. Pagod na siyang magtago. Will he help her? Hindi siya mayaman. At pagod na siyang makibagay sa mundong pinipilit ng tadhana sa kanya. Will she guide him?