Thirteen

133 3 0
                                    

     "Madaming mga booths ngayon Jacky, let's try them all?"

     "Ha? Ah Lily medyo tinatamad kasi ako ee pwede bang..."

     "Oh come on friend! Ilabas mo naman yang fun mo sa katawan. Let's go!" hila sa akin ni Olly.

    Friend-friend niyo mukha niyo! Naging 'kaibigan' ko lang ang dalawang 'to dahil minsan kaming naging mag groupmates. At dahil magkasing tunog daw ang mga pangalan namin, obligado tuloy akong sumama sa kanila.

    I mean they're not that bad pero di ko magawang mailabas ang tunay na ako. Except sa dalawa, err tatlong tao. Sa Mama ko, kay Betty at kay... Terrence.

    I shaked my mind off to him. Mahigit one month na rin and I guess that was really goodbye.

    I forced myself to walk. Madami ngang tao. May ibang estudyante may kulay ang buhok. Meron namang nag-iingay este nag vivideoke sa tabi. May nagsisigawan sa unahan. Iba't-ibang pakulo ng mga booths.

    Nabigla ako ng may dalawang lalaki ang nakahawak sa magkabilang kamay ko. "Hey! Bitawan niyo nga ako. Olly! Lily! Wait!"

    "Ooh girl..." - Lily.

   "You're in big big trouble..." - Olly.

    "Kompletuhin niyo kaya sentences niyo!" inis kong sabi sa kanila.

    "You're under arrest Miss. Inapakan mo ang sagradong bilog," sabi nung lalaki sa aking kaliwa.

    Yumuko ako and indeed! Nasa loob ako ng isang faded circle. "Wala kayong warrant of arrest!" Nagpumiglas ako.

    "Di na yan kailangan dahil you're caught in the act," sabi naman nung nasa kanan ko.

     Tsk! Matalino ang mokong. At cute. Shet. Naglalandi na ata ako.

    Kunot-noo akong sumunod sa kanila.

    Nabigla ako ng pinaupo nila ako sa isang bench at pinosasan.

    "Mr.President ha? Mga 10 minutes lang naman 'to. Enjoy your beautiful company." Kinindatan ako ni Mr.Cute.

    "Hoy Yuan! Pakawalan mo ko! Madami pa akong dapat gawin!"

    Pero di pinansin ni Mr.Cute, na Yuan pala ang pangalan, ang sinabi ni Terrence.

    Terrence?

   

MaskedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon