Ten

154 4 0
                                        

     "Manonood ako sa practice mo."

     "Ahh, akala ko kasi sa competition." Nanlumo ako bigla.

    "Gusto ko sana kaso baka kasi biglang may dapat pala akong gagawin sa araw na yun. Ayokong mag promise."

     "Okay lang. Atsaka umuwi ka na lang, ma bobore ka lang kakapanood sa amin."

    "Sige na! Sama ako! Nag cutting na ako, lulubusin ko na."

    Wala na akong nagawa kundi isama si Terrence. Siguro naman mawawala din sa isip ko si Terrence pag nag practice na ako.

------------------------------------------

Terrence's POV

      Ang galing niya talaga. At ang ganda.

    May ginawang kung ano-anong tricks si Aki kasama ang mga teamates niya na puro lalaki.

    Pagkadating namin dito, iniwan na niya agad ako sa isang bench at dumiretso siya sa pag practice.

    Naiintindihan ko naman siya. Di kasi ako, well, asal skwater pa rin kasi ako. Kaya siguro nahihiya siyang ipakilala ako kahit kaibigan lang.

   Kinalikot ko na lang ang cellphone niya at paulit-ulit na tiningnan ang mga litrato.

   Ang ganda niya talaga. Ligawan ko kaya 'to ng totohan? May pag-asa kaya ako?

   Itinutok ko kay Aki ang cellphone niya at matiyagang naghahanap ng magandang anggulo.

    Nawili ata ako sa pagkuha ng litrato niya kaya di ko namalayan na may tumatawag sa akin.

    I fished out my phone and answered the call. "Ssup brod?"

    "Asa'n ka ba? Di ka daw pumasok sabi nung isang kaklase mo."

    Tumingin ako kay Aki habang sumasagot. "May date ako brod."

    "Nag cutting ka? As in cutting class? Ikaw?The Terrencio F. Valderrama? Para sa isang date?"

    I winced at the sound of my name. Tunog matanda. Yun ang pangalan ko sa live birth pero sa NSO birth certificate ko Terrence na. "Brod, I told you, I'm serious."

    Parang nag slow mo ang mga galaw ni Aki. At may huni ng ibon akong nadidinig. "I'm damn serious about her."

     May narinig akong buntong-hininga. "Sige na, nag-eenglish ka na ee. Ayoko lang kasing masira ang pag-aaral mo brod. Sira na nga ang akin ayokong madagdagan pa ang pasakit ni Daddy." Naramdaman ko ang lungkot sa boses ni Drake.

    Kahit siga at bad boy ang pinoportray ni Drake, deep inside his just lost and insecure. And feeling ko, dahil ako ang kuya, kailangan ko siyang tulungan. "Ang drama mo. Sige na, gagawin ko na yung report mo. Baka umiyak ka na jan. Masira pa ang bad boy image mo."

   "Tado ka!" At binabaan na ako.

    Hay. Madalian kong ipinasa sa sariling cellphone ang mga larawan ni Aki. Kasama na dun ang mga larawan namin na magkasama.

    May narinig akong palakpakan. Nakita kong pinalibutan si Aki ng mga lalaki. Mabilis akong tumayo at lumapit.

    Naghahanda na si Aki sa susunod niyang trick ng tumingin siya sa gawi ko, nangyari ang di inaasahan.

    "Aki!" Mabilis akong lumapit at inalalayan si Aki. "Okay ka lang? Buti na lang wala ka pa sa ere kundi baka higit pa jan ang matamo mo. Humawak ka sa balikat ko. Iuupo kita sa bench."

    Natapilok kasi siya. Tumilapon ang skate board niya.

    "Aki sino yan?" Narinig kong tanong nung mga lalaki.

    I was about to answer when I heard her whimpered. "Mamaya ko na lang sasagutin yan," ani ko sa mga kaibigan niya.

   Mabilis kong dinala sa bench si Aki. Luckily and surprisingly, hindi sumunod ang mga minions niya.

    Dahan-dahan kong minamasahe ang left ankle niya. "Tell me when it hurts."

    "M-may fu-future..."

    "Ha? Furniture?"

   Narinig ko ang mahinhin niyang tawa. "Silly. I mean, may future ka sa pagmamasahe. Ang sarap!"

   "Ok ka na ba? Baka di ka makalaro niyan?"

    "Ok lang ako. Ipapagpag ko lang 'to."

    Tumingin ako sa nagkukumpulang mga lalaki. "Yung mga kaibigan mo..."

    "They're not my friends. Teamates ko sila. A bunch of egoistic men. Dapat lagi akong magpasikat para patunayan ang sarili ko."

    Hinawakan ko ang kamay niya. Hoping that it will calm her down. "Bakit ka ba natapilok?"

    Ayokong isipin, pero ng dumating ako yun din yung oras na natapilok siya. Ouch naman! Malas ata ako.

   

MaskedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon