Mula sa kamay naming nakaposas dumako ang paningin ko sa mukha niya. Si Terrence nga! Pero haggard version.
"Aki?!"
"Bakit ka andito?!"
"Hindi ko ba nasabi sayo? Dito ako nag-aaral."
"Weeh? Anong course mo?" Parang ang meant to be naman ata namin kung ganun.
"I... Dalawa ang kinukuha ko."
Panandaliang nawala ang destiny-destiny sa isip ko at napalitan ng amazement. "Pwede ba yun? Ang talino mo naman!"
Ngiti lang ang nakuha ko mula sa kanya.
"Kaya pala nakapasok ka nung nag date este nung lumabas tayo. Atsaka familiar yung uniform mo."
"Saan mo naman nakita ang uniform ko?"
I blushed. "Nung nag chat tayo."
"Ahhhh." Ngumiti siya ng makahulugan.
Hinampas ko siya. "Wag kang feeling oy! Nahagip lang ng mata ko."
"Wala akong sinabi," he said in a singsong voice.
Sa loob ng sampung minuto ay parang walang mahigit na isang buwan kaming hindi nag-uusap. Animated pa rin siyang magkwento at tawa pa rin ako ng tawa.
Isang tikhim ang pumutol sa pag-uusap namin.
"Mukhang masaya ka President ah!" bungad ni Yuan. "Paano ba yan? Time's up na!" Kinalagan kami ni Yuan at umalis na din siya. Tumayo na din kami at nagsimulang maglakad.
"Bakit tinatawag kang President nung chinitong yun?"
"Kasi, ako ang President ng organization namin. Teka lang, type mo si Yuan noh?"
"Type-type ka jan. Cute lang..."
"Terrrrrrrrrrence!"
At bigla na lang may yumakap kay Terrence. Mataas ang kulot na buhok pero putok naman ang muskels sa braso.
Iniwas ni Terrence ang katawan sa nilalang na ito. "Juanito."
"Joan. Yes Baby T? What do you want from Mama Joan?"
Pfft. Pigil ang tawa ko. Ang mukha kasi ni Terrence! Epic! Parang na eebs na naiihi.
Bumaling ang paningin ni Terrence sa akin. Parang may iniisip. Biglang nanlaki ang mga mata nito.
"Juanito..."
"Joan. Joan nga. Anong sasabihin mo Baby T?"
"Terrence. Terrence nga." Hinila ni Terrence ang kamay ko palapit sa kanya at inakbayan.
Uh-oh. Alam ko na kung saan ang punta nito. "Juanito.. Joan, I want you to meet Aki Ferrera."
"Like Ferrera-Ferrera?"
May pinagkaiba ba dun? Pero tumango pa rin ako.
"Goshhhhhh! I love the gown Ms.Margarette wore last blah blah blah." Ahh another fan of Margarette. Paminsan-minsan din kasi nag dedesign si Margarette ng mga gown at siya lang din ang nag momodel.
"Kaano-ano mo siya Baby T?"
"Girlfriend. Girlfriend ko siya. At selosang girlfriend yan." Pinisil pa ng mokong ang balikat ko.
"Oh, oh... Really Ms.Ferrera?"
Binalingan ko si Juanito... Joan. Whatever. "Luckily, yes. Yes." Tiningala ko si Terrence. Mataas din pala ang mokong. "I'm his girlfriend."
Damn! Wrong move! Nakatingin din pala si Terrence sa akin. Parang hinihigop ang kaluluwa ko sa mga titig pa lang ni Terrence.
Para akong nalulusaw na ice cream. Sa mga nakangiti niyang labi at lalo na ang nakangiti niyang mata. Parang sinasabi nun na okay lang lahat.
"President ha! Kaya pala sayang-saya ka kanina kasi syota mo pala si Miss Beautiful!"
Ang boses ni Yuan ang nagpatigil sa magic moment. And at this moment, sarap niyang isilid sa sako.
Nang tingnan namin si Yuan papalayo na siya at likod na lang ang nakikita namin and nowhere to be found na si Juanito/Joan.
"Paano ba yan..."
"Anong paano?" Ano kayang sasabihin ni Terrence. Babawiin niya kaya ang sinabi niyang girlfriend niya ako? Paninindigan kaya niya? Namin?
"Di kana makakadiskarte kay Yuan. Taken ka na ee."
"Bwiset ka talaga!"
"Pero salamat kanina Aki ha?"
"Sino ba yung si Juanito?"
"Stalker."
"Ang hangin mo talaga ee noh?"
"Honest lang pero no kidding, salamat talaga."
"Quits na tayo!"
For a moment parang may dumaang pain sa mga mata ni Terrence pero parang na malikmata lang ako.
"Siguro nga. Quits na tayo."

BINABASA MO ANG
Masked
RomancePagod na siyang magkunwari. Pagod na siyang magtago. Will he help her? Hindi siya mayaman. At pagod na siyang makibagay sa mundong pinipilit ng tadhana sa kanya. Will she guide him?