"Jacky."
Napatigil ang paghakbang ko sa hagdanan dahil sa ginawang pagtawag ni Daddy sa akin. "Yes po Dad?"
"Halika muna dito."
Napalunok ako ng laway. Mabagal ang paa kong lumapit sa kanya sa sofa. Tunog at mukhang seryoso kasi si Daddy. Baka na paparanoid lang ako pero natatakot akong baka alam niya na ang tungkol sa mga 'hilig' ko.
"Sembreak mo na next week di ba?"
"Oho." And we'll paint the town blue. Samahan mo na ng red, green at yellow. I'm into street art na din. Di naman illegal kasi humihingi kami ng permiso sa mga kinauukulan.
"I want to have a vacation."
Nanlaki ang mga mata ko. Si Daddy nanghihingi ng vacation? Papalagpasin ko muna ang street art ko. "Of course naman po! Saan niyo gusto?"
"Let's say Baguio?"
Napasipol ako sa tuwa. Last time we went there is when I was ten years old. And it was before my Mom died. "I can't wait for it Dad."
"But young lady, pag andun na tayo mag behave ka ha?"
"Si Daddy parang timang. I'm a big girl now Dad. I can handle myself."
"I'm just warning you anak. Wag kang magmamadali sa pag-ibig."
Di pa nga naka score, na udlot na Dad ee. "Ba't naman tayo napunta jan Dad? Sige na po, aakyat na ako. I'll take a quick shower."
"Bumababa ka kaagad para sa dinner."
"Opo!"
Pagka pasok ko sa kwarto ay agad akong nag empake. Mabuti din 'to para di ko masyadong isipin si Terrence.
~~
"Dad, baba na tayo. Parang ang sarap nung strawberries na nadaanan natin kanina."
"Ilagay mo muna yang bag mo sa kwarto mo Jacky."
"Basta Dad ha! Baba tayo mamaya." Tumatawang tumango si Daddy. Parang ito na ang pinaka best vacation ever! Idagdag pang wala si Margarette dahil may inaasikasong party at social gatherings.
"Hija? Ready ka na ba? Baba na tayo."
"Coming Dad!"
~~
"Dahan-dahan ka sa pagkain mo Jacky. Baka mabulunan ka."
"Kasi Dad parang lahat ng lasa nag-iba dito sa Baguio ee. Ang sarap..." Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil nabulunan na ako ng tuluyan.
"Sinasabi ko na nga ba ee. Heto, inumin mo itong tubig."
Nanginginig kong inabot ang tubig habang sinusundan ng paningin ang bagong dating sa restaurant ng hotel. Nang tuluyan na siyang makalapit sa amin, hindi ko na napigilan.
"Drake?"
Tumayo naman si Papa. "O hijo, glad you can make it. Nasaan si Leandro?"
"Paparating na po iyon. Inaasikaso lang po yung rooms namin."
"Mabuti, mabuti. Umupo ka at kumain. Pupuntahan ko lang ang Daddy mo."
Pagkaupo ni Drake sa harapan ko ay tinanong ko siya agad.
"Bakit?"
"Anong bakit?" anito sabay subo ng isang strawberry.
"Bakit ka nandito?" Mas gusto ko sanang sabihin na bakit ikaw? Bakit di si Terrence ang nandito? Pero baka nandito din si Terrence.
Pinipilit kong silipin ang labas ng restaurant baka may susulpot na Terrence.
"Wala si Terrence, wag ka ng mag effort jan."
"Hinihintay ko si Daddy," palusot ko.
"Neknek mo. Wala nga si Terrence. Busy yun."
"So bakit kayo nandito?" pag-iiba ko sa topic.
"Dahil may kasalang magaganap."

BINABASA MO ANG
Masked
RomancePagod na siyang magkunwari. Pagod na siyang magtago. Will he help her? Hindi siya mayaman. At pagod na siyang makibagay sa mundong pinipilit ng tadhana sa kanya. Will she guide him?