"O anong balita kay Terrence?"
Napaangat ako mula sa sinisimsim kong kape. "What do you mean anong balita?" I asked Betty, nonchalantly. Busy ito sa pagkain ng cake nito
"Ay naku Aki! Halos isang buwan na ang nakalipas since nung debut mo pero hindi mo pa rin ba nakakausap si Terrence? Syempre, ang daming tanong na hinahanapan mo ng sagot. Kasi kung di dahil sa kanya..."
"Kung di dahil sa kanya, hanggang ngayon ay nagkukunwari pa rin ako Betty. Kung di dahil sa kanya, hindi sana ako masaya at malaya ngayon."
"Pero aminin!! Gusto mo ng closure!"
"Closure-closure! Hindi naging kami. Ba't kailangan pa ng closure? Ok na kami ni Dad at yun lang ang importante."
"Ay naku naku naku Aki. Wag mo akong pinagloloko. May gusto ka sa Terrence na yun! Kaya lang, hindi ka pumayag sa engagement na yun kasi pakiramdam mo you were being controlled. Pero pustahan tayo, under different circumstances, gusto mo." Dinuro niya ako gamit ang tinidor niya.
"Ba't mo naman nasasabi yan? If to put it that way, under different circumstances, ba't naman ako papayag eh di ko pa siya ganun kakilala?" Minsan di ko magets ang mga iniisip ni Betty. Masyadong malalim.
"I'm a psychology minor! But most especially, I'm your friend. Sige nga sabihin mo, nung nag-away kayo ng Daddy mo dahil sa engagement na yan ni minsan ba nabanggit mong rason kung bakit ayaw mo ay dahil di mo gusto si Terrence?"
Nag-isip ako ng mga instances but I failed.
"Di ba wala, ang sabi mo lang, ayaw mong kinokontrol. Never ang dahil di mo gusto si Terrence. Regardless na bago pa lang kayo magkakilala. You could have used that you know. Kaya aminin mo na Aki. Tayo-tayo lang naman."
"Pero... Hala si Drake!" bulalas ko ng makita ko ang pumasok sa pintoan ng cafe. Pumwesto ito malapit sa terrace at may kasamang babae.
"Drake who?"
"Kapatid ni Terrence." Nakagat ko ang labi ko. Naman!
"Ahh hindi mo nga gusto si Terrence. Hindi halata."
"Betty naman," ungot ko. Hindi ko alam kung bakit hirap akong sabihin kay Betty. Ano bang mahirap sa: Gusto ko si Terrence?
"Go talk to him. Ask him about Terrence. Patikimin mo na rin ng uppercut. Kung di dahil sa kanya, di sana kayo magkakasama ni Terrence sa kwarto at walang yakapan na nangyari."
"Betty, di ba I told you already na kung di dahil..."
"Kung di dahil sa kanila you will never be free and happy. Blah blah. I got it. All you have to do now is to go to him and ask him."
"Hanep sa english Betty ah!" I tried to change the subject.
"Wag mong baguhin ang usapan. Puntahan mo na para matahimik na yang kaluluwa mo."
"Nahihiya ako. May kasama eh." Baka girlfriend yun ni Drake. O di kaya nililigawan. Masira pa diskarte nun.
"Hindi mo naman aanuhin. Magtatanong ka lang."
"Ikaw na kaya?"
"Hala! Buti sana kung close kami."
"Sige na Betty. Pleaseee."
"Sasamahan kita. Hanggang dun lang ang ma iooffer ko. Deal?"
Nanlulumo akong tumango. "Deal." Pero iba ang tumatakbo sa isipan ko.
Nang makalapit na kami kay Drake ay itinulak ko si Betty enough na masagi niya si Drake. Dali-dali naman akong umalis. I went to the the c.r at dun naghintay sa tawag ni Betty. Sana naman di siya magalit.
~~
"Soooo?" I cross my fingers while staring at Betty.
Dumiretso kasi kami sa bahay namin pagkatapos niyang tanungin si Drake at sa buong duration ng biyahe ay hindi ako kinakausap ni Betty.
"Betty? Galit ka ba? Sorry talaga. Wala talaga akong maiisip. Sorry. Sorry. Sorry. Sorry. So..."
"Bukas, sa may swimming pool ng school. 5pm. Sharp."
"Ha?" Ano daw? Am I forgiven? Yun ba ang translation nun?
"Bukas, sa may swimming pool ng school. 5pm. Sharp. "
Tumayo na si Betty, leaving me dumb-founded. Ano namang gagawin ko sa may pool area?
"Teka lang..." Wala na, likod niya na lang ang nakikita ko. I was too stunned to move.
Gusto niya bang dun kami mag-usap? Dun kasi kami tumatambay pag nagkasabay ang vacant periods namin.
Bakit di na lang niya sabihin ngayon? Tsk. Baka galit nga siya sa akin.
Pupuntahan ko na lang siya bukas at mag sosorry ako ng paulit-ulit.
Kakatapos lang ng unos sa buhay ko. Ayoko namang may susunod na naman. Lalo pa't si Betty ang pinaka malapit na kaibigan ko.
"Kasi naman Aki! Sabihin mo na lang kasi ng deretso! Kaibigan mo si Betty! Ba't ka pa mahihiya?" kausap ko sa sarili ko.
Tumayo ako at humarap sa salamin. "Ganito lang yan ka simple eh. Sabihin mo: Betty, mahal ko si Terrence. Hala shit!" Napatakip ako ng bibig.
"Mahal ko si Terrence?" I asked while staring at my reflection at the mirror. Only to find the answers in my eyes.

BINABASA MO ANG
Masked
RomancePagod na siyang magkunwari. Pagod na siyang magtago. Will he help her? Hindi siya mayaman. At pagod na siyang makibagay sa mundong pinipilit ng tadhana sa kanya. Will she guide him?