Sneak Peek

155 5 0
                                    

Third person POV

"Ang tagal mo naman! Muntik ka ng pumalpak dun ah!" Kunot-noong tiningnan ni Betty si Drake.

"Sorry naman. At least naihabol ko pa yung mga ilaw noh."

She just rolled her eyes on him. "Whatever. Halika na."

"Ano? Bago pa lang tayong magkakilala, halikan kaagad? Pwedeng shake hands muna?"

She rolled her eyes, again. It sort of became her habit mula ng makilala niya si Drake. "Paano ka ba nagkakaroon ng mga kaibigan Drake? Well, kung ayaw mo akong ihatid. Mauuna na ako sa'yo." Nauna nang naglakad si Betty.

"Wait, ayaw mong makita kung anong mangyayari kina Terrence at Aki?"

"Ayoko. Private moment nila yun. Give it to them."

Tumatangong sumunod naman si Drake sa kanya. "Akala ko chismosa kayong mga babae. Nakakagulat na ayaw mong makita kung anong ending nila."

Nilingon niya si Drake. "Ikaw ang dami mong feeling. Hindi lahat ng inaakala mo sa isang babae makikita mo sa akin."

"Pansin ko nga. You're not easily persuaded with music. Hindi ka chismosa. What else is there to be discover Ms. Bettina de Acosta?"

"It's for you to know and for me unravel. Ihahatid mo ba ako o hindi?"

"This way to my car."

MaskedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon