Terrence's POV
Isang mainit na bagay ang humaplos sa puso ko. I smiled when she finally let me go.
Nakayuko siya nang tingnan ko.
"Grabe ka kung magpakilig Aki! Dinaig mo pa lahat ng pinaghandaan ko! Halik mo lang, solve na ako." I touched my lips with my fingers. Hinalikan niya ako! Gumana nga!
Wala akong ka plano-plano na sumuko gaya nung mga sinabi ko. It was just a plan.
"Paano pag ayawan niya ako?" tanong ko kay Drake at Betty. Silang dalawa ang nag udyok sa akin na magtapat na kay Aki.
"Sinong aayaw sa harana bro?" tanong ni Drake.
"Hindi lahat ay mahilig sa music Drake. So in case of emergency, ito ang plan B. Make her feel guilty. Yung susuko ka na kung talagang ayaw na niya. In that way, mapupush siyang magsabi na rin ng feelings!"
"Guilty? Paano pag awa lang pala ang nararamdaman niya para sa utol ko?" - Drake.
"Paano ka nakakasiguradong may nararamdam din si Aki para sa akin?"
"Bestfriend niya ako at higit sa lahat babae din ako. Syempre alam ko. The way she spoke your name, the way her eyes sparkles pag napag-uusapan ka. Tama na nga, flattered ka na masyado! Basta yun na ah!"
Nagpapasalamat ako ng marami kay Betty dahil gumana ang sinabi niya. I'm hers. Aki's Terrence.
"Don't.. Mention it!" Ang cute nitong tingnan. Pulang-pula na ang ilong nito.
"It was my first too."
Gulat na tumingin si Aki sa kanya. "Weh?"
"Si Drake lang ang mahilig sa chicks. Geek ako kaya walang may interest sa akin."
"Bakit ako? Nagka interes ako sa'yo."
"Yun lang eh! Pakilig pa more Aki! Bakit ang galing mo?"
Ngumiti siya and at that moment, I wished I could freeze the time and captured her smile. It will always be her smile that captivated my heart.
"Nung nakita mo ako sa party, may plano ka bang sabihin sa kanila yung nakita mo sa labas ng mansyon?" tanong niya sa akin.
"Honestly, wala. Ang akala ko kasi nun ay alam na nila. Atsaka di naman tayo close para ipagsabi ko yun."
"Ano pa lang sasabihin mo dapat dun?"
"Na nagkasabay tayo pumasok. Na nakita na kita prior to that meeting. Yun lang then you said the magical words and I was ecstatic."
"Dad was right all along."
"Bakit?"
"I was attracted to you too, dahil bakit ko naman sasabihin na manliligaw kita kung pwede namang kakilala di ba?"
"Alam mo ang suave mo lang magsabi na attracted ka din sa akin noh? Bakit ganun? Halos maihi na ako sa salawal ko kanina pero ang chill mo lang ngayon. Paano mo yan nagagawa?"
She smiled so sweetly at me that I could not help myself but take a sip from her kissable lips.
"Nakakadalawa ka na Terrence ah!" she said when I let her go.
Tumaas-baba lang ang kilay ko. "Sinasagot mo na ba ako Aki?"
"At ba't naman kita sasagutin?" taas-kilay nitong tanong.
"Kasi.. Ano! Hoy Jacquiline nag kiss na tayo! Tas may malisya ka na sa akin. Inamin mo na yun..."
She silence me with her oh so charming smile. "Ba't kita sasagutin eh matagal ng tayo?" She chuckled.
Napangiti na rin ako sa sinabi niya. "Ikaw ha. Wala na, daig mo pa ang ihi kung magpakilig."
"I just decided not to pretend anymore Terrence. Pagod na akong magkunwari at gaya nga ng sabi mo, ba't ko naman ikakahiya ang pagsasabi ng nararamdaman di ba? Kaya sa lahat ng puno, ibon, at alikabok na nakakasaksi dito ngayon: MAHAL KO SI TERRENCE!!" She looked straightly into my eyes. "I love you Terrence."
"I love you more my oh so pretty and charming Sugarpie!" I hugged her.
"Hmm, I kinda like Barnuts."
"Sabi ko na nga ba! Attracted ka na sa akin nun eh! Ramdam ko na nun eh! Pagpinagtabi pala ang Toblerone at Barnuts ha! Ikaw na talaga Sugarpie!"
Napuno ng tawa niya ang paligid at magkahawak kamay naming tinahak ang daan palabas ng university.
- FIN.

BINABASA MO ANG
Masked
RomancePagod na siyang magkunwari. Pagod na siyang magtago. Will he help her? Hindi siya mayaman. At pagod na siyang makibagay sa mundong pinipilit ng tadhana sa kanya. Will she guide him?